Chapter 17

1102 Words
Thalia Hindi ko pa rin matanggap ang nadatnan kung kalagayan ni Matthew. Hindi ko mapigilan ang damdamin ko na hindi umiyak. Apat na taon kaming hindi nagkita, pero ngayon nakita ko s'ya, hindi naman maganda ang kalagayan n'ya. Mula ng lumabas sa kwartong itong ang mama at papa n'ya, kasama ang asawa nitong si Tita Lucilla at ang ninong Lucas n'ya, hindi pa rin nya mapigilan ang sakit na nararamdaman ng puso n'ya. Para s'yang binibiyak sa sakit, at tangging pag luha lamang ang kakampi n'ya. "Matt, gumising ka na. Mas kaya ko pang matanggap kahit mahirap at masakit na magkapatid na lang tayo, kaysa nasa ganyan kang kalagayan." Hindi pa rin n'ya mapigilan ang pag-iyak. Pero kahit ganun patuloy pa rin s'ya na kausapin ang natutulog na si Matthew. "Matt, kahit naman ako hindi ko pa rin matanggap ang totoo, pero gumising ka na. Hindi ko alam na ganyan ang epekto sayo ng mga pangyayari, ganun din ako. Pero lumaban ka naman Matt, gusto kung makita na maging masaya ka,..." Ramdam ang sakit, sa puso ni Thalia, sa mga salita na binibitawan n'ya. Mahal na mahal n'ya si Matthew at hindi n'ya yon makakalimutan kaagad. "G-gusto kung m-maging masaya ka, k-kahit h-hindi na ako ang nagpapasaya sayo. K-kahit nasa p-piling ka ng iba, pipilitin kong t-tanggapin, gumising ka lang Matt." Hindi na napigilan ni Thalia ang sobrang pagbuhos ng mga luha n'ya. Alam n'yang masakit, pero yon ang tama. Mali na ipagpatuloy, ang pag-ibig na hindi naman karapat dapat dahil bawal. Sa labas ng pintuan ng kwarto ng ospital na kinalalagyan ni Matthew. Bumuhos na naman ang mga luha, dahil sa mga narinig nila. Ganoon na lang ang pagsisisi na nararamdaman ni Lucilla, mula sa narinig sa mga sinasabi ni Thalia kay Matthew. Dahil matapos nilang mag-usap ay nagdesisyon silang bumalik sa kwarto, para puntahan si Thalia at ng makapagpahinga muna. Hindi nila akalain, na maririnig nila ang mga salitang iyon mula kay Thalia, na lalong nakadagdag sa nararamdaman ni Lucilla sa kasalanan na nagawa niya para sa anak at kay Thalia. Nang hindi na nila naririnig na nagsasalita si Thalia at iyak na lamang ang naririnig nila, nagdesisyon na silang pumasok. Unang nagsalita ang kanyang mama. "Thalia, anak uwi muna tayo para naman makapagpahinga ka, pagod ka rin sa byahe kaya kailangan mo din ng pahinga." Isang buntong hininga lang ang naging sagot ni Thalia sa sinabi ng mama n'ya. Kaya nagsalita na rin ang kanyang papa Alfonso. "Anak, magpahinga ka muna, sasamahan muna kayo ng ninong Lucas mo sa tutuluyan n'yo ng mama mo. At pwede kang bumalik kahit mamaya, basta sa ngayon magpahinga ka muna anak." Hindi pa sumasagot si Thalia ng magsalita naman si Lucilla, na ikinalapit nito kay Thalia at kinuha ang dalawang kamay at hinawakan ng mahigpit, at ngumiti bago nagsalita. "Thalia, magiging maayos din ang lahat, magigising si Matthew. Matapang na bata si Matthew alam kung magigising s'ya. At pag nagising s'ya, wag kang mag-alala magiging masaya na kayong dalawa." Isang ngiti muli ang binitawan ni Thalia kay Lucilla, bago ito umalis sa harapan n'ya. Naguguluhan man s'ya sa sinabi nito, at gusto n'yang magtatanung kung ano ang ibig nitong sabihin, ng magsalita ang ninong Lucas n'ya. "Wag ka ng umiyak, aming prinsesa, magiging maayos din ang lahat. Magiging masaya ka din pati si Matthew. Basta sa ngayon relax ka lang at magpahinga. Kaya alis na tayo, balik na lang tayo mamaya, para sa prinsipe mo." Hindi halos narinig ni Thalia ang huling sinabi ng ninong n'ya dahil halos pabulong lang iyon. Naguguluhan man s'ya sa kinikilos ng mga magulang n'ya, at ng tita Lucilla n'ya at ninong n'ya hindi na s'ya nakapagtanong at hinigit na s'ya ng mama n'ya at hindi na s'ya nakaangal. Halos trenta minutos lang ang tinagal ng byahe nila, mula sa ospital hanggang sa hotel na tinuluyan nila na pag-aari ng papa n'ya. Magkasama lang sila ng mama n'ya sa isang kwarto, dahil ayaw din naman n'ya na mapag-isa, dahilan sa lalo lang s'yang nalulungkot. Itinuro lang ng ninong Lucas n'ya ang kwarto na tutuluyan nito para kung may kailangan sila ay puntahan na lang s'ya doon. Matapos mag-ayos ni Thalia at ng mama n'ya ng gamit nila, nagpasya silang lumabas at puntahan ang ninong Lucas n'ya para makakain naman, bago magpahinga. Pumunta sila sa restaurant ng hotel. Matapos makuha ng waiter ang order nila ay namayani na naman ang katahimikan, ng maalala na naman n'ya ang sinabi ng ninong n'ya at ng tita Lucilla n'ya. "Ninong may pagkakataon pa po ba na maging masaya ako? At maging si Matthew? Maging masaya pa po ba kaya kami kahit hindi po kami ang para sa isa't isa.?" Hindi malaman ni Thalia bakit ganoon ang pakiramdam niya sa presensya ng ninong at mama n'ya. Para bang ang gaan lang ng isasagot sakanya, samantalang ang bigat bigat ng kalooban n'ya. "Alam mo anak, isipin mong pagsubok lang itong mga nangyayari, at darating ang oras na magiging masaya ka din at si Matthew sa piling ng isa't..... i mean magiging masaya din kayo at makakalimutan ang sakit na naranasan n'yo." Medyo naguluhan s'ya sa sagot ng ninong n'ya. Pero lalong mas naguluhan s'ya, gawa ng nahagip ng paningin ang masamang tingin ng mama n'ya sa ninong n'ya na ng pagharap niya dito ay bigla itong ngumiti. Kaya nagtanong na lang ulit s'ya. "Sa tingin n'yo po makakaya ko kayang magmahal pa ng iba?" Malungkot niyang tanong na ikinabuntong hininga n'ya. Na sinagot ng ninong n'ya. "Alam mo Thalia, anak hindi mo kailangan na mag-isip na kailangan mong magmahal ng iba, dahil alam namin kung sino ang magpapasaya sayo, kaya paggising ni Matthew pwede na kayong mags........ARAY NAMAN MARIA!!!!!" Hindi natapos ni Lucas ang sasabihin n'ya ang bigla na lang tapakan ni Maria ang paa ni Lucas na ikinasigaw nito sa sakit. "Wag kang mag-alala anak magiging masaya ka din, maniwala ka lang na magiging masaya din kayong dalawa ni Matthew." Sabi ng mama n'ya sabay ngiti sakanya at bumaling sa ninong n'ya. "Wag mo ng pansinin ang ninong mo anak, at pasensya na Lucas, hehehe nadulas kasi ako. Natapakan ko pala ang paa mo. Hehehe." Sabi ng mama n'ya, nakita ko naman na ikinatiklop ng bibig ng ninong n'ya, sabay sign na parang nag zipper ng bibig sabay ngiti. Magtatanong pa sana s'ya ng dumating ang order nila, at tahimik na kumain. Matapos nilang kumain, nagdesisyon na silang pumunta sa kani kanilang kwarto, para magpahinga, bago bumalik ng ospital para puntahan si Matthew. Para na rin may pumalit ng pagbabantay dito ng makapagpahinga naman ang papa Alfonso n'ya at ang tita Lucilla n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD