Chapter 4

1177 Words
Thalia Linggo, wala namang trabaho sa kompanya, kaya matapos ang umagahan, nagmamadali na akong mag-ayos ng sarili, Time naman namin ngayon ng pinaka importanteng babae sa buhay ko. Date naman namin ngayon ng babaeng nagluwal sa akin dito sa mundo. Tuwing Sunday sinisigurado namin ni mama, na pareho kaming walang trabaho, freelancer si mama, kaya sa bahay lang ang trabaho n'ya. Kumikita s'ya ng sapat kaya kahit papaano ay napatapos n'ya ako ng pag-aaral, sa tulong na rin ng lalaking naging ama ko sa loob ng maraming taon. Ngayong may trabaho na ako, kahit papano, hindi na kami magigipit ni mama. Sa totoo lang hindi naman talaga kami nagigipit ni mama, palagi pa ring nakasuporta si ninong Lucas, nasa America s'ya ngayon. Kasama ang kanyang pamilya at mga anak. Ipinatigil na namin ni mama ang tulong financial na binibigay n'ya buhat ng makatapos ako ng pag-aaral, buhat ng ipinagbubuntis ako, kaagapay ni mama si ninong Lucas. Minsan nga natanong ko sila, kung bakit hindi sila nagkatuluyan, pareho lang sila ng sagot, bestfriend daw sila at ayaw nilang masisira yon, mahal na mahal nila ang isa't isa pero bilang magkapatid, kaya talagang hanga ako sa samahan nilang dalawa, kahit matatanda na best buddy pa rin. Gusto ko ding makahanap ng bestfriend, katulad ni ninong Lucas, kung wala man sana makita ko sa lalaking nakatadhana sa akin ang katangian na meron si ninong Lucas, ang isa sa pinapangarap ko. Mabait at sobrang mahal na mahal ang pamilya niya, at kahit bestfriend lang sila ni mama, mahal na mahal din nila kami. Kahit ang asawa niya, at mga kinakapatid ko. "Darating din kaya ang aking destiny?" Bigla naman akong kinilig sa naisip ko. Biglang pumasok sa isipan ko si Matthew. "Si Matthew na kaya!" Napabiglang sabi ko, ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. "Sino si Matthew?" Biglang tanung ni mama. "Ah.... eh...." hindi ko alam ang sasabihin ko kay mama, para akong teenager na nahuli ng magulang, kasama ang crush n'ya. "Mama! Don't you know how to knock!?" Mataas ang boses ko para hindi mahalata, na natataranta ako. "Maria.... Thalia.... Buenaventura.... don't you know I knock four times and you still day dreaming.!?" Natatawang sabi ni mama. Wala na nahuli na ako. Shocks...... kakahiya...... pero wala na. Nahuli na ang salarin... "Ah, mama hindi naman po, narinig ko talaga ang katok n'yo, joke lang yon..hehe." napakamot na lang ako ng ulo para baka makakalusot kay mama. "Asus, ay sino na nga lang si Matthew?" May nakakalokong ngiti si mama habang binabanggit yon. "Dalaga na nga ang baby girl ko, parang naiinlove na." Sabay kiliti sa akin ni mama. "Ma, naman eh, hindi naman po inlove, medyo naa appreciate ko lang po yong mga effort n'ya, tapos, nanliligaw po s'ya." Napangiti naman si mama sa sinabi ko. "Kilalanin muna ng maigi anak ha, hindi ako magagalit kong magkaroon ka ng boyfriend, hindi ka bata, alam mo ang tama at mali, at nandito lang si mama para sayo." Niyakap ko si mama, matapos n'yang sabihin ang mga pangaral n'ya. Wala man akong kinagisnang ama, pero si mama ay sapat na. Pero may part pa rin sa puso ko, na gusto ko s'yang makilala, pero tulad ng laging sabi ni mama, dapat alisin ang galit, dahil lahat ng nangyayari at pangyayari may dahilan. Tinagtag ni mama ang pagkakayakap ko sa kanya. "Ready ka na ba? Baka malate na tayo sa misa." "Sige po Ma, alis na tayo." Masaya ang maghapon namin ni mama, matapos ang misa, pumunta kami ng mall, nanonood ng sine, kumain sa labas, at ang pinaka huli, bumili na rin kami ng aming mga pangangailangan sa bahay, hindi ko ipagpapalit ang isang araw na ito, kasama si mama kahit pa sa ano, o sino, ganun ko kamahal ang mama ko. Napagpasyahan namin ni mama na sa bahay na kami kumain ng hapunan, total naman at maaga pa kami nakauwi, alas singko pa lang ng hapon. Dahil ako ang taya sa date namin, si mama na daw ang bahalang magluto. "Anak, ano bang gusto mong lutuin ko?" Tanung n'ya. "Ma, yong paborito na lang natin, adobong baboy at ikaw na lang ang bahala sa gulay." Ngumiti sa akin si mama at nag thumbs up pa, bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ko. Need ko din ng pahinga, may trabaho pa ako bukas. Ilang minuto ko pa lang naiilapat ang likod ko sa malambot kong kama ng biglang kumatok si mama, at pumasok na ng kwarto. "Ma, bakit po? Nakaluto ka na kaagad ng ganung kabilis? Daig mo pa si Super Nanay ah." tanong ko habang inaasar ko din itong nanay ko. "Hindi anak, may naghahanap sayo." nakangising sagot ni mama na ikinakunot naman ng noo ko. "Sino ma?" nagtataka ko pang tanong. "Matthew daw eh." Makahulugang sagot ni mama, pero sure naman ako na inaasar lang ako. Halata ko sa mukha ni mama, na parang kinikilig para sa akin. May panunuya pa sa boses n'ya. "Ma, naman eh. Puro ka biro, magluto ka na kaya, papahinga ko lang ang katawan ko. pakiramdam ko mas matanda pa katawang lupa ko sayo ma." Pagkasabi ko noon ay nahiga ulit ako. ang sarap kayang ilapat ng likod ko sa kama. "Aba, hindi ako nagbibiro. Gwapo pala yong si Matthew mo anak." May pagkindat pa sa pagkakasabi ni mama, na ikinagulat ko naman. "Hindi nga mama sino nga? Hindi naman nun alam ang bahay natin." Paninigurado ko pa kay mama. "S'ya bumaba ka na lang ng malaman mo kung sino ang dumating, pero magbihis ka muna, at kita na yang bra mo, sa nipis ng damit mo, kakahiya sa bisita." Biglang irap sa akin ni mama, bago lumabas ng kwarto ko na ikinatawa ko naman. Napatakip na lang ako sa dibdib ko, kahit kailan talaga si mama, seryoso pero bigla na lang akong ibabagsak. Lumabas ako ng kwarto ko, nagulat akong si Matthew nga ang bisita ko. "Paano mo nalaman, ang bahay ko?" Gulat na tanong ko sakanya. "Simple, sabi nga sa BDO, we find ways, so I find my ways." Sabay ngisi, na parang nakakaasar pero bagay sa kanya. Inabutan n'ya ako ng isang pulang rosas, tinanggap ko naman ng walang pag-aalinlangan. "Baka, naiisip mo kung bakit isa lang yan, kasi ito ang unang beses, na nakapunta ko dito sa bahay n'yo, dagdagan ko yan, sa bawat punta ko dito." Paliwanag n'ya. "Asa ka naman na makakabalik ka pa dito?" Tanong ko. "Aba syempre." sabay abot ng isang ponpon ng bulaklak sa kanyang ina. "Maam para po sa inyo. Gusto ko po sanang magpaalam para ligawan ang inyong anak." Napaawang na lang ang bibig ko sa sinabi n'ya, talagang derikta kay mama. "Salamat dito, hijo, nakakatuwa ka naman, sige maupo ka muna diyan, dito ka na maghapuhan. Thalia ikaw na ang bahala sa bisita mo, ipagpapatuloy ko lang ang pagluluto ko." Sabi lang ni mama, na halata ko namang kinikilig, "parang bata si mama." nasabi ko na lang sa isip ko. Pero sa totoo lang medyo kinilig din ako sa tagpo na iyon, na walang tutol si mama sa panliligaw ni Matthew.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD