Chapter 5

1152 Words
"Maam ang sarap naman po ng luto n'yo. Namiss ko po talaga ang adobong baboy. Ngayon lang po kasi ulit ako nakakain ng lutong-bahay, puro take out na lang or kain sa labas, ang nagagawa ko. Lalo na pag may mga business meeting." Sambit ni Matthew na halatang, sarap na sarap sa pagkain, at kita mong naeenjoy n'ya ang luto ng aking ina. Pero mahahalata mo sa boses n'ya na bigla s'yang nalungkot sa pahuli n'yang sinabi. "Ano ka ba hijo, tita na lang, sobrang formal ng maam. Kain ka lang ng maayos, mabuti naman at nasarapan ka sa luto ko, paborito namin kasi ni Thalia ang adobong baboy, specialty namin yan." Masayang sagot ni mama, na sa totoo naman napakasarap naman talaga n'yang magluto. "Ah hijo, ano nga pala ang trabaho mo?" Nabulunan bigla si Matthew sa tanung ni mama. Dali-dali ko naman s'yang binigyan ng tubig. "Ayos ka lang ba?" Tanong ko habang nag-aalala. "Ok lang ako Thalia, salamat." Maikli n'yang sagot, halata din n'ya na naghihintay si mama sa sagot sa tanong sa kanyan, nagpakawala muna s'ya ng isang buntong hininga bago sumagot. "I'm the CEO of MM World Company, kung saan po nagtatrabaho si Thalia tita." Halata na nahihiya pa s'ya sa sinabi n'ya, kahit s'ya ang CEO, pero kaming dalawa ni mama, halata din ang pagkagulat at lalong hindi makapagsalita sa sinabi n'ya. Ako na rin ang bumasag sa katahimikan naming tatlo. "Kaya pala kahit, palagi mo akong inaabala sa trabaho, hindi pa rin nagagalit si Ms. Cha, at kaya pala hindi pa rin ako natatanggal sa trabaho!?" May inis sa sinabi ko, "at kaya pala, kahit ang tagal ko na rin sa trabaho, hindi ko pa rin nakikilala ang CEO kasi ikaw pala yon!?" Halos hindi ko mapaniwalaang sabi, tapos kung ano ano pang nasasabi ko sa kanya sa nakaraan, paano kung alisan ko ng trabaho ni Matthew, ano bang naisip ng lalaki na ito, para magpanggap na basta lang akala mo simpleng empleyado lang. Tango lang ang sagot n'ya. Kahit si mama wala pa ding masabi, gulat pa din s'ya, na ang kaharap pala namin eh ang boss ko mismo. "Ah sir, pasensya ka na ha, nabigla lang ako sa mga nasabi ko." Bigla kong bawi kay Matthew. "Ito yong dahilan, kaya ayaw kong magpakilala, mas masaya akong Matthew na lang ang itawag mo sa akin." Reklamo pa ni Matthew, habang napapakamot sa ulo. "Pero boss kita di ba? Tapos ako empleyado mo." Mariing paliwanag ko pa. "Yon na nga, boss mo ako at empleyado kita, kaya nga ayaw kong magpakilala sayo, gusto kita kaya gusto kong ligawan ka, sa pagkakataon na yon ikaw ang boss at ako nag-aaply dyan sa puso mo." Confident na sagot sa akin ni Matthew, bigla naman akong namula sa sinabi n'ya. Lahat yata ng dugo ko nagpunta na sa mukha ko. "Seryoso ka ba sa baby ko." Biglang tanong ni mama. "Opo, tita kung papayag po s'ya, hindi naman po ako pupunta rito kung hindi tunay ang intensyon ko para kay Thalia." Seryosong paliwanag ni Matthew kay mama. "Ay kung ganon naman, hindi ko naman masasagot ang nasa saloob ng puso ni Thalia, pero nagpapasalamat ako, kasi totoo ka sa anak ko. Kami lang dalawa ang magkasama ni Thalia sa buhay, kaya kung talagang kayo, wag mo sanang hahayaan na masaktan ang anak ko. " Mahaba pero may laman ang sinabi ni mama, at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni mama sa akin. "Makakaasa po kayo tita, na hindi ko po sasaktan ang anak n'yo, mula ngayon, hanggang sa bigyan n'ya ako ng karapatan sa buhay n'ya, na mas lalo kong maparamdam ang pagmamahal ko, hindi lang po kay Thalia, pati po sa inyo." Isang matamis na ngiti lang ang naging sukli ni mama sa sinabi ni Matthew, pero ako lihim na kinilig sa mga sinabi n'ya. Thalia Maaga akong nagising para pumasok sa opisina, hindi ko pa rin mapaniwalaan na ang boss ko, manliligaw ko. Napapangiti na lang akong mag-isa habang papasok sa kumpanya. Wala naman sa akin kung mahirap o mayaman ang lalaking mamahalin ko, ang mahalaga lang talaga sa akin eh, mahal ako ng totoo at hindi ako sasaktan. Tulad nga ng sabi ni mama, isang beses ka lang magmamahal ng totoo, at ang pagmamahal na yon panghabang buhay. Walang makakahadlang walang makakapigil. Kaya hindi ko kailangang magmadali, kailangan ko pa ring pagkiramdaman ang puso ko. Dahil ang tunay na pag-ibig naghihintay. Pagdating ko sa table ko may nakapatong na naman na isang pulang rosas, hinawakan ko at inamoy iyon, ng biglang magsalita si Jen. "Good morning baby girl, sweet naman ni prince charming hindi nakakalimot sa pagbibigay ng bulaklak." Masayang bati n'ya sa akin na halata naman na sobrang kinikilig. "So kilala mo na pala si boss, umamin na daw s'ya sayo, sinabi n'ya sa amin kanina. At hirap na rin kaming maglihim sayo, pasaway yong lover mo." Sabat naman ni Mel, na may paghagikhik pa, halata sa kanila ang kilig. "Manliligaw ko pa lang si Matthew kaya." Mariing sagot ko sa kanilang dalawa. "Kaya nga sagutin mo na, wag mo ng pahirapan, maputi, gwapo, mata pa lang maaakit ka na, matangos ang ilong, ang katawan pang modelo, bonus mo pa yong pagiging mayaman. Naku girl hindi lang pang boyfriend material, pang husband material pa si sir." Mahabang paliwanag ni Jen habang kinikilig pa rin. "Pinagpapantasyahan n'yo ba s'ya?" Seryoso kong tanong ko sa kanila, habang pinangliliitan ng mata ang dalawa. "Sino ba namang hindi magkandarapa dyan sa boss natin, halos lahat nasa kanya na, pero kahit ganyan itsura n'yan hindi pa yan nagkaka girlfriend, unang una suplado yan. Ngayon nga lang namin si sir nakitang ngumiti, na parang ang saya saya at walang problema. Kaya kung ako sayo, lubusin mo na ang pagiging masayahin ni sir. Para naman sumaya na talaga ang buong kompanya at dahil yon sayo." Nagulat naman ako sa sinabi ni Mel, si Matthew, suplado at hindi pala ngiti? "Noong una ko s'yang nakita ang ganda agad ng ngiti n'ya, hindi mo maiisip na marunong s'yang magsuplado." Sambit ko sa dalawa. "See, ikaw pa lang ang una niyang nakita, na hindi pinagsupladuhan." Dagdag pa ni Jen na ikinahagikhik si Mel. Suplado pala si Matthew, pero buhat nung nakilala ko s'ya hindi ko talaga nakita ang side n'ya na yon. Ang nakita ko lang ang makulit, at masayahin na Matthew. Ilang sandali pa habang nagkukwentuhan kami ay biglang pumasok si Ms. Cha, "Totoo lahat ng sinabi nilang dalawa, kaya medyo natuwa na rin ako, kasi masaya na ngayon yang pinsan ko na iyon. Madalang din lang iyong ngumiti, pero ngayon Sobrang saya tuwing papasok sa trabaho. Dati papasok lang walang pakialam. Ngayon bumabati pa sa empleyado n'ya." "Pinsan mo Ms. Cha si Matthew?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo, kasasabi ko lang di ba? Dami kong sinabi, iyon lang ang natandaan mo?" Natatawang sambit ni Ms. Cha, at matamis n'ya akong nginitian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD