Thalia
Halos kalahating taon na rin kaming magkasintahan ni Matthew pero hindi ko pa nakikilala ang mga magulang n'ya.
Hindi naman nito magawa at nasa ibang bansa ang mga ito, at busy din sila sa trabaho. Hinitintay lang din namin na makauwi ang mga magulang n'ya para maipakilala ako. Sabi ni Matthew sa susunod na buwan uuwi ang mga ito, para na rin makapagrelax.
Puro trabaho din sa ibang bansa, kaya pag nauuwi lang dito sa Pilipinas sila nakakapagpahinga, buhat ng magkaroon sila ng mga properties at mga negosyo sa ibang bansa. Excited ako na kinakabahan na makilala sila. Ang pamilya ng lalaking minamahal ko.
Isang buwan na ang lumipas, at nakauwi na ang mag-asawang Alfonso at Lucilla.
"Daddy, mommy namiss ko kayo, ang tagal ko ng hinihintay ang pag-uwi n'yo, may ipapakilala ako."
Masayang bati ni Matthew sa mga magulang n'ya, ng makita n'ya ang mga ito na kadarating lang sa bahay nila.
"Parang inlove ang anak ko ah, excited na may ipapakilala." Sabay tapik ng daddy n'ya sa balikat n'ya.
"Actually daddy, hindi ako basta inlove, mahal na mahal ko s'ya. S'ya ang babaeng gusto kung iharap sa altar. Hinintay ko lang talaga ang pag-uwi n'yo ni mommy para maalok ko na s'ya ng kasal." Kitang kita sa mata ni Matthew na sobra niyang mahal ang girlfriend n'ya.
"Nakikita ko nga Matthew, mukhang mahal na mahal mo ang babae na yan. Pero girlfriend mo na ba?" Malokong biro ng daddy n'ya.
"Si daddy naman, ay syempre, ang hirap namang mag-aya ng kasal kung hindi ko girlfriend ang pakakasalan ko, hirap kayang mapunta sa isang kasalan na walang pagmamahal, di ba, mommy daddy?" Halos natigilan ang mommy at daddy n'ya sa sinabi n'ya. Napuno sila ang ilang minuto na katahimikan.
"Mommy, daddy may mali ba akong nasabi? Bigla kayong natahimik?" Tanong ni Matthew na may halong pagtataka, pero binasag din ng mommy n'ya ang katahimikan.
"Ano ka ba baby ko, syempre tama naman ang sinabi mo, natutuwa lang kami ng daddy mo at binata na ang baby boy namin." Nakangiti ang mommy n'ya habang sinasabi yon, pero ang lungkot ng mga mata, ganun din sa daddy n'ya.
Pero hindi na lang n'ya pinagtuunan ng pansin at baka pagod lang.
"Mommy naman eh, baby boy talaga!? Ano ako 6 years old!?" Napuno na lang ng tawanan ang buong bahay, sa pagmamaktol ni Matthew. Hindi pa rin n'ya matanggap na sa tanda na n'ya hindi pa rin mapalitan ang tawag ng mommy n'ya na baby boy sakanya.
Kinabukasan naisip na lumabas ni Matthew at daddy n'ya, bonding nilang dalawa at namiss nila ang isa't isa. Parang noong bata pa s'ya, sa mall nila napili, parang bata arcade talaga ang gusto n'ya, kahit naman matanda na ang daddy n'ya, para lang silang barkada magturingan, kaya mahal na mahal nila ang isa't isa, lalo na at solong anak lang si Matthew.
Ang mommy naman n'ya walang hilig sa mga ganoong lalakad, noong bata lang s'ya, mas gusto pa nitong kasama ang mga kaibigan, na mayayaman, kaya sila lang ng daddy n'ya ang magkasama. Sa mall nila uubusin ang isang buong araw, para masulit ang bonding nilang mag-ama.
Tanghali na ng makauwi si Thalia sa bahay nila, wala s'yang masyadong trabaho, lalo na at nagawa na n'ya kahapon halos, puro nagcheck lang s'ya ngayong araw ng mga ipapasa n'ya sa head finance, para sigurado. Pagkatapos non umuwi na muna s'ya sa bahay.
"Thalia, ang aga mo ngayon ah, wala ka bang trabaho?" Bati ng kanyang ina.
"Natapos ko na yon kahapon ma, bali for checking lang ang ginawa ko at pinasa ko na kay Ms. Cha, wala na akong gagawin kaya umuwi na ako. May lakad ka ma?" Mukha kasing paalis ng bahay mama n'ya.
"Ah, punta akong mall, bibili na rin ako ng ilang grocery, gusto mo bang sumama? Total ngayon lang ulit tayo nagkaroon ng oras, baka gusto mong idate si mama.!?"
"Asus, gusto lang ni mama ng libre, hahaha." Pang-aasar pa n'ya sa mama n'ya, at inungusan lang s'ya.
"Sige kung ayaw mo ako na lang. Aalis na ako." May bahid ng pagtatampo, pero ramdam naman na natatawa.
"Asus tampo pa nga ang mama ko eh, syempre masaya akong makakapagdate na naman tayo mama. Wait lang bihis lang ako ma, para makaalis na tayo." Tumango lang mamaya n'ya at hinintay s'ya.
Habang busy si Matthew at ang daddy n'ya sa paglalaro sa arcade, ay biglang tumawag ang sekretarya n'ya.
"Yes, hello."
'Sir, bigla pong nagpa set ng appointment meeting yong isa pong investor, mga 3pm po sir.' Napatingin si Matthew sa relo n'ya halos malapit ng mag 2pm.
"Sige pupunta na ako d'yan." Matapos ibaba ang tawag kinausap muna n'ya ang kanyang daddy.
"Dad, pwede bang hintayin n'yo ako, may biglaan lang akong meeting, hindi naman nakakainip ditong mag-isa babalik ako kaagad."
"Sige anak nakakabata din sa pakiramdam ang magtungo sa ganitong lugar, namiss ko tuloy si Lucas, palagi kaming magkasama noon kahit sa parke lang, masaya na kami. Sige anak hihintayin na lang kita, wag kang magmadali, mag-ingat ka."
"Yes, dad." At tuluyan ng umalis si Matthew.
Pagdating sa mall, naghanap muna si Thalia at ang mama, ng pwedeng makainan. Habang naglalakad, hindi napansin ni Thalia na may mabangga s'yang lalaki na matikas ang pangangatawan, gwapo, at halos kasing edad ng kanyang ina.
Napaupo si Thalia sa pagkakabangga nila sa isa't isa. Hindi maalis ni Thalia ang tingin sa lalaki, bakit may kakaiba s'yang nararamdaman na parang napakagaan ng loob n'ya sa lalaking ito, gayong unang beses pa lang naman n'yang nakita.
"Hija, ok ka lang ba?" Sabay lahad ng kamay nito para tulungan s'yang makatayo. Inabot naman n'ya ang kamay ng lalaki para makarayo s'ya.
"Ok lang po ako sir, medyo nawalan lang po ako ng balance, kaya po ako napaupo, salamat po at pasensya na nabangga ko kayo." Sabi ni Thalia sabay ngiti. Naglahad ng hand shake ang lalaki at nagpakilala.
"Ako ng pala si Alfonso, iniwan muna ako ng anak ko, at nagkaroon ng biglaang meeting sa company n'ya, hindi na ako sumama at dito na lang ulit kami magkita, hahanap lang ako ng makakainan." Mahabang litanya ng matandang lalaki na sa tingin naman ni Thalia ay mabait. Inabot n'ya ang kamay nito.
"Sir Thalia po. Kasama ko po si mama, kaso hindi yata napansin na nagkabanggan tayo, nawala sa paningin ko eh." Napakamot ng ulo si Thalia, mama n'ya talaga. Nawala na s'ya sa tabi hindi pa alam.
Pero nagulat s'ya ng mahawakan ang kamay ng lalaki, pakiramdam n'ya na biglang may nabuo sa puso n'ya na hindi n'ya alam. Alam n'yang wala s'yang kinilala na ama, masaya at kontento na s'ya sa kanyang mama, pero naguguluhan s'ya sa pakiramdam na hindi n'ya maipaliwanag.
Parang ang kulang sa puso n'ya ay biglang napuno. Ang pangungulila sa taong hindi n'ya nakilala ay naglaho. Nagising s'ya sa pag- iisip ng tinawag s'ya ng kanyang ina.
"Thalia." Sabay silang napalingon ng lalaki nakabanggaan n'ya.