"Thalia." Napatingin ako sa boses ni mama, napabitaw agad ako sa kamay ng lalaking nakabanggaan ko.
"Ma, ang bilis mo kasing maglakad, hindi ko napansin si sir, nagkabanggan po kami." Hindi halos napansin ni mama ang sinasabi ko, nakatitig lang s'ya sa lalaki na nakabanggang ko, na parang matagal na n'yang kilala, nakatitig lang din naman ang lalaking nakabanggang ko.Biglang napasinghap si mama, walang ano ano'y hinawakan n'ya ang kamay ko at hinila papalayo sa lalaki. Isang tawag sa pangalan ni mama ang nakapagpatigil sa paglalakad namin.
"Maria!?" Patanung na may pagkagulat, ang tono ng pagsasalita ng lalaking aking nakabanggaan kaya napatigil si mama ng paglalakad, ganun din ako. Sinundan kami nung lalaking nakabanggan ko kanina sa aming kinatatayuan.
"Maria, alam kong ikaw yan, hindi ako maaaring magkamali, kahit napakatagal na ng panahon hindi ka pa rin nagbabago, napakaganda mo pa rin." Tahimik lang si mama, hindi s'ya sumagot kaya ako na lang ang nagtanong.
"Sir, kilala mo ang mama ko? Kaibigan ka din nila ninong Lucas?" Namamanghang tanong ko na, napakunot ang noo n'ya na parang nagulat sa sinabi ko.
"S-si L-lucas Bueno? S'ya ba ang kilala mong Lucas?"
"Op....." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita si mama.
"Aalis na kami, pasensya na at naabala ka namin." Mataray na sambit ni mama dito. Hihilahin na sana ako ni mama ng pigilan s'ya ni sir.
"Hindi Maria, matagal kitang hinanap, alam kong may pagkakamali ako noon, kaya sana hayaan mong ipaliwanag ko sayo ang lahat." Pagsusumamo nito kay mama.
Humarap si mama ng maayos dito, para makapag-usap sila, habang ako patuloy na naguguluhan sa kinikilos ng dalawang tao na nasa harapan ko. 'Magkakilala sila?' tanong ko sa aking isipan.
"Wala ka namang dapat ipaliwanag, nung mga panahon na sinabi mo sa kanya na pakakasalan mo s'ya, narinig ko ang lahat, kaya ako lumayo para hindi magulo ang isipan mo." Nagulat ang lalaki sa sinabi ni mama.
"Paanong nangyari." Tanong n'ya kay mama.
"Pinunt....." hindi natapos ni mama ang sasabihin n'ya ng magsalita ako.
"Kayo bang dalawa ay magkakilala? Kung magkakilala naman pala kayo, pwede bang wag tayo dito sa gitna ng daan? Daming tao oh... pwede kayong mag-usap sa coffee shop, ang dami sa paligid. Or kumain muna tayo kahit saan dito, at pwede kayong mag-usap. Ok? Agaw eksena tayo sa daan. Sakit n'yo sa bangs mama.... sir..." Napatingin silang dalawa sa akin at sa mga sinabi ko, siguro na realize nila na agaw eksena naman talaga kami sa daan, kaya sa bandang huli, sa coffee shop kami nagpunta para tahimik.
Omorder lang kami ng tatlong black coffee at tatlong slice ng chocolate cake, gumaya na rin ako sa dalawang matanda, na parang bata na kasama ko.
"Maria, kumusta ka na? Anong nangyari sayo sa loob ng napakaraming taon? Kahit nagtatanong ako kay Lucas pero wala s'yang sinasabi sa akin. Kumusta ka na?" Mahinahon at malungkot n'yang tanong kay mama. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila, isipin na lang nila hindi ako nag-e exist dito sa tabi nila.
"Ok lang naman ako, wag kang magalit kay Lucas, ako ang nakiusap sa kanya na, wag ipaalam kung nasaan ako." Alam kong malungkot si mama sa sagot n'ya.
"Hinanap kita ng mahabang panahon pero hindi kita nakita, naisip kong ayaw mo talagang magpakita, kaya tinuloy ko ang pagpapakasal kay Lucilla, ng lumaki na ang anak namin, nanirahan kami sa ibang bansa. Umuwi kami kasi ipapakilala daw n'ya ang girlfriend n'ya, at gusto daw n'ya itong pakasalan." Mahabang litanya ni sir. Habang parang hindi talaga ako nag-e exist sa tabi nilang dalawa.
"Ganun ba? Masaya ako para sa inyo, masaya ako para sa anak mo. Pero kailangan na naming umalis." Tatayo na sana si mama ng pigilan s'ya ni sir.
"Teka lang sandali, sino si Thalia? Nag-asawa ka ba, nung nagkahiwalay tayo? Nung lumayo ka?" Nakita kong natigilan si mama, at ito naman palang si sir, akala ko naman hindi talaga ako nakikita dito sa tabi nila. Umayos ulit ng upo si mama.
"Anak ko si Thalia." Yon lang ang sagot ni mama. Nakatitig lang si sir kay mama at naghihintay pa ng sagot. Ako na rin ang bumasag ng katahimikan nila.
"Kami lang ang magkasama ni mama, mula po sanggol ako, kami lang ni mama ang magkasama, sa tulong ni ninong Lucas nakaraos kami. Wala silang, kinukwento tungkol sa aking ama. Pero ang lagi lang nilang sinasabi, kung malalaman ng aking ama na nag-e exist ako sa mundo, sigurado sila na magiging masaya ng sobra ang tatay ko at..."
hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng pigilan ako ni mama.
"Tama na Thalia.!" Sigaw ni mama, medyo, nakaagaw kami ng atensyon, pero kalaunan ay nawala din, dahil sa biglang pagtahimik sa pwesto namin.
"Maria, anak ko ba si Thalia?" Nabigla din ako sa tanong na yon ni sir kay mama.
"Ma? Matagal ko ng gustong malaman kung sino ang aking ama. Si sir ba ang tatay ko?" Bigla akong napaiyak sa tanong ko.
"Patawad anak, naduwag lang noon si mama, pero siguro ito na nga ang tamang panahon para makilala mo ang tunay mong ama, parang tadhana na rin ang nagsasabi na ito na ang tamang panahon." Tumingin si mama kay sir.
"Alfonso, patawarin mo ako sa pagtatago sayo ng ating anak, anak mo si Maria Thalia, patawarin mo din sana si Lucas, ako ang nakiusap sa kanya, pero hindi n'ya kami pinabayaan ng inaanak n'ya." Umiiyak na si mama, habang sinasabi ang mga bagay na iyon. Naaawa ako kay mama, pero may galak sa puso ko, na ang lalaking kaharap ko, ay ang aking ama.
'Tama ang naramdaman ko kanina, na nung nahawakan ko ang kamay ng lalaking nasa harapan ko, parang may nabuo sa puso ko. Parang nakompleto ang buong pagkatao ko.' Masayang sambit ko sa aking isipan. Naiyak na din ako. Bigla ko na lang niyakap ang lalaking nasa harapan ko, habang umiiyak.
"Papa, pwede ko na po ba kayong tawaging papa. Hindi po ako magagalit kung may pamilya kayong iba, gusto ko lang po kayong makilala, at tanggapin n'yo akong anak mo papa." Mariin kong sambit kay papa. Niyakap na rin n'ya ako ng mahigpit, nararamdaman ko rin ang pagtaas at pagbaba ng balikat n'ya, indikasyon na umiiyak na rin s'ya.
"Anak, ako ang papa Alfonso mo. Masaya akong makilala ka. Kahit ngayon lang tayo nagkita, mahal na mahal kita anak. Mahal na mahal." Mariing sambit niya sa akin. Ramdam ko sa boses ni papa ang saya na makilala ako. Kaya sino ang hindi magigi masaya sa oras na ito.
Masaya akong malaman na may papa ako, na may tatay ako, na kasama ko ngayon, nayayakap ko. Sinasabing mahal na mahal ako bilang anak n'ya. Hindi man mabubuo ang pamilyang hinihiling ko, dahil may ibang pamilya si papa, pero ngayon nararamdaman kong, buo na ang pagkatao ko. Ang hungkag na puwang sa aking puso ay napunan, ng isang mahigpit at buong pagmamahal na yakap, mula sa aking ama.