Third Person
Tapos na ang oras ng trabaho pero si Thalia, nasa loob pa rin ng cubicle n'ya. Tinatapos ang niya ang mga natitirang trabaho, habang hinihintay si Matthew.
Tinawagan na rin kasi s'ya ni Matthew na medyo malalate ito at may tinatapos lang din daw itong trabaho, na pabor naman kay Thalia, para matapos din ang trabaho n'ya.
Samatalang ang tinatapos na trabaho ni Matthew ay ang kausapin si Ms. Cha at ang dalawa nitong kaibigan na si Mel at si Jen, para sa kanyang plano. Nais kasi ni Matthew na mag propose sana s'ya para maging girlfriend na n'ya si Thalia, kaya hiningi niya ang tulong ng mga ito.
Habang kinikilig ang dalawa sa plano ng boss nila. Seryoso namang nakikinig si Ms. Cha, na sana tanggapin ni Thalia na maging boyfriend ang boss nila.
Matapos ang kalahating oras nilang pag-uusap, umalis na rin sina Ms. Cha para maiayos ang plano ng boss nila na pagpo propose kay Thalia sa isang restaurant.
Tinawagan naman ni Matthew ang mama ni Thalia at ipapasundo na lang daw sa bahay para hindi na mahirapang magbyahe at maggagabi na rin naman.
Kalahating oras pa ang lumipas bago naisipang puntahan ni Matthew si Thalia sa department nito.
Kumatok si Matthew sa pinto bago tuluyang binuksan ang pintuan at pumasok. Busy pa rin si Thalia sa ginagawa n'ya, kaya kahit kumatok at nakapasok na si Matthew sa loob at nasa harap na n'ya, hindi pa rin ito napapansin ni Thalia.
Napapitlag si Thalia, sa sobrang gulat ng tumikhim si Matthew sa harap n'ya, tapos biglang nagsalita.
"Busy ka pa rin? Bukas na yan, ako na lang bahalang magpaliwanag kay Ms. Cha." Sabi ni Matthew habang hawak ko pa rin ang dibdib ko sa gulat.
"Hala, pwede namang kumatok hindi yong bigla ka na lang manggugulat." Pinanlakihan ko s'ya ng mata, dahilan para lalong hindi n'ya mapigilan ang pagtawa.
'Kung hindi ko lang alam na mayaman ang isang ito at boss ko nga, iisipin kong tambay lang ito sa kanto, kung pagtawanan ako wagas.' Sabi ko sa isip ko ng bigla s'yang magsalitang muli.
"Alam mo bang naka ilang katok ako bago pumasok. Tapos naglakad pa ako bago ako nakarating sa harapan mo. Tapos sasabihin mo ginulat kita.?" Paliwanag ni Matthew na hindi pa rin mawala sa mukha ang pagpipigil ng pagtawa, pero kahit ganun gwapo pa rin s'ya, mas lalo lang akong nahuhulog sa pagiging natural n'ya, sa kabila ng nagsusumigaw n'yang yaman, tapos sa isang empleyada n'ya lang s'ya manliligaw.
Isang empleyada na nagkaroon na rin ng pagtingin sa boss n'ya, na naniniwala na ang pag-ibig ay isang beses lang darating sa buhay mo, kaya pag natagpuan mo na, wag na wag mo ng pakakawalan.
Hindi na natapos ni Thalia ang trabaho n'ya, hinila na lang s'ya ni Matthew papalabas ng building at isinakay sa kotse nito. Dinala s'ya nito sa isang restaurant.
Maganda ang restaurant, sa labas pa lang makikita mo na ang nagsusumigaw na yaman, na siguradong mayayaman talaga ang mga kumakain.
Pero biglang napakunot ang noo ni Thalia ng mapansing walang ibang tao sa restaurant, maliban na nakita n'yang isang lalaking staff para salubungin sila.
"Matt, bakit walang ibang tao?" May pagtataka sa isip at sa pagtatanung ko.
"Baka, sobrang aga pa." Sagot lang n'ya na para sa loob ko hindi pa rin sapat. 'Restaurant? Na walang ibang tao kundi kami lang? Nakakapagtaka?' Nasambit ko na lang sa sarili ko.
Pumasok kami sa loob, dinala kami ng lalaki sumalubong sa amin sa labas sa table kung saan kami mauupo, ng makaupo ako biglang nagpaalam si Matthew may nakalimutan daw s'ya sa kotse n'ya.
Paglabas n'ya ng pintuan ng restaurant, bigla na lang namatay ang lahat ng ilaw. Binalot ako ng kaba at takot, wala sa tabi ko si Matthew, lumabas s'ya.
Nang bigla akong nakakita ng maliliit na ilaw na unti-unting nagbibigay liwanag sa paligid. 'LED lights? Bakit hindi ko ito napansin kanina?' Sabi ko sa sarili ko.halos lahat ng lamesa sa paligid ko pati sa kinauupuan ko may maliliit na ilaw.
Green ang nakalagay sa table na nakapaligid sa kinauupuan ko. Pero puti lamang ang ilaw na nasa kinauupan ko. Biglang may lumabas na apat na tao medyo malayo sa kinauupuan ko.
Hindi ko pa rin sila maaninag, pero may hawak silang puting sign board, na may nakasulat na, WILL tpos ang sunod ay YOU tapos ang sunod ay BE MY napakunot na talaga ang noo ko. Ano ba talagang nangyayari ng iharap ng huli ang last na sign board GIRLFRIEND? Napasinghap ako sa gulat ng humarap sa tabi ko si Matthew. Hawak ang isang kwintas. Hindi ko alam ang isasagot ko, naluluha ako, masaya na kinakabahan.
'Si Matthew na ba ang taong mamahalin ko?' Tanong ko sa isip ko ng bigla akong nagulat sa boses ng isang babaeng, hinding hindi ko, inaasahan at busy daw s'ya sabi n'ya kanina.
"Tumatanda na ako, ano bang sagot?Nangangalay na kasi ako, pati itong mga kasama ko." 'Si mama.' Sabi ko na lang sa isip ko. Bigla kong niyakap si Matthew. "Oo Matthew pumapayag akong maging girlfriend mo." Naluluha kong pahayag, kay Matthew ng biglang bumukas muli ang ilaw. Nakita kong nakatayo si mama, kasama si Ms. Cha, si Mel at si Jen. Lahat sila nakatingin sa amin ni Matthew, at nakangiti.
Sinuot sa akin ni Matthew ang kwintas na may pendant na maliit na puso na may diamond sa gitna, tanda daw na girlfriend na daw n'ya ako.
Sobrang saya ko ngayon araw na ito, hindi ko din mapigilan ang sarili ko na hindi mapaluha, tears of joy kung baga. Sobrang saya ko lang kasi kasama ko si mama, pati ang mga kaibigan ko sa trabaho. Sabay-sabay na kaming kumain.
Nagkwentuhan ko, doon ko nalaman ang plano nila. Natutuwa na natatawa ako kay Matthew, masyadong effort kung effort. Namumula naman s'ya sa mga sinasabi nina Mel, pati si mama kasama sa plano.
Hindi ko talaga maiwasang hindi maging masaya. Sana nga hanggang sa huli masaya. Sana wala ng dumating na problema, dahil masayang masaya ako na maging girlfriend ng isang Matthew Rey Mondragon.