Chapter 10

1206 Words
Matthew Maganda ang gising ko ngayong umaga, kakausapin ko na si daddy at mommy, at ipapakilala ko na sa kanila ang girlfriend ko. Pagdating ko ng kusina, nakita ko si mommy at daddy na seryosong kumakain. "Good morning, mom, good morning dad. Sorry daddy, hindi na kita nabalikan sa mall, ang dami kong tinapos na trabaho." Naupo na rin ako at kumuha ng pagkain. Seryoso lang si mommy, may problema ba sila? "Mom, dad, is their any problem? Seryoso n'yong dalawa ah." Tanong ko pa sa kanila ng magsalita si dad. "Sorry, son but i have to tell you something." "Yes, dad what is it?" Biglang napabuntong hininga si dad. Wala namang imik si mommy. "You have a sister." 'Sister? Kapatid? May kapatid ako? Parang hindi magproseso sa utak ko. Paanong nangyari? Nasaan? Ang gulo.' bigla na lang pumasok sa utak ko. Inhale... Exhale.... "Ok dad, paanong nangyari? Asan s'ya? Mom? Say something? Naguguluhan ako? Pakipaliwanag. Mom? May babae ka ba dad?" Daming gumugulo sa utak ko. Nakakabigla naman kasi. Humugot muna ng malalim na hininga si dad "Wala akong ibang babae bukod sa mommy mo. She's my ex girlfriend. Actually, girlfriend ko s'ya at hindi ko alam na nagbunga ang pagmamahalan namin. Pero hindi ko alam na nagdadalangtao s'ya, bigla na lang s'yang nawala. Umalis ng walang paalam. Pero bago ang lahat ng iyon. May nangyari sa amin ng mommy mo sa mismo birthday ko. Kahit s'ya ang girlfriend ko. Wala akong maalala kasi lasing na lasing ako nung panahon na iyon. Nagkausap kami ng mommy na walang makakaalam sa nangyari sa amin. Kaya ipinagpatuloy ko ang relasyon naming dalawa ng girlfriend ko. Hanggang may nangyari sa amin, na hindi ko alam na nagbunga pala. Makalipas ang ilang buwan, sa opisina narinig ko ang lolo mo na galit na galit sa mommy mo, kasi buntis s'ya. At ikaw ang naging bunga ng isang gabi na wala akong maalala. Pinakasalan ko ang mommy mo dahil ipinagbubuntis ka n'ya. Buhat noon wala na akong naging balita sa girlfriend ko. Hanggang nagpakasal kami ng mommy mo. Tapos nakita ko s'ya kahapon nung iwan mo ako sa mall. Kasama ang kapatid mo." Mahabang paliwanag ni Alfonso sa kanilang mag-ina. 'Hindi ko din masisisi daddy, kaya pala parang wala silang pagmamahal sa isa't isa. Napilitan lang silang magpakasal kasi ipinagbubuntis na ako ni mommy. Kawawa naman ang kapatid ko, lumaki kaya s'yang walang kinikilalang ama? Nag-asawa o may asawa na kayang iba ang mama n'ya.?' mga tanong ko sa aking isipan. "Mom, totoo bang lahat ng sinabi ni daddy?" Hindi sumagot agad si mommy. "Mom, alam mo bang nagbubuntis din noon ang girlfriend ni daddy?" Napansin ko ang pamumutla ni mommy. "Mom? Magsalita ka naman oh. Gusto kong marinig ang side mo. Totoo ba lahat ng simabi ni daddy?" Napabuntong hininga na lang ako, hindi ko alam kung dapat ba akong magalit sa nalaman ko, pero mas pinili ko na lang na kapain ang sitwasyon, walang may kagustuhan sa nangyari, beside magkakaroon pa ako ng little sister. Pati kung magagalit ako, anong mapapala ako. Kung tutuusin kawawa ang kapatid ko dahil ngayon lang niya nakilala ang tunay niyang ama. "Sorry son. Kasalanan ko ang lahat, masyado kong mahal ang daddy mo. Kaya ko nagawa ang isang pagkakamali, para guluhin ang daddy mo at ang girlfriend n'ya. Sana mapatawad mo ako." Nakayuko lang si mommy at umiiyak. "Mom, wala na tayong magagawa, nangyari na ang mga nangyari. Dad where is she? Gusto kong makilala ang kapatid ko. Mom, gusto ko s'yang makilala. Ok lang po ba? Siguro naman walang masama na makilala ko ang kapatid ko di ba?" Pagsusumamo ko pa kay mommy. Alam kong nagugulahan din s'ya, dahil mahal n'ya si daddy. "Hon, hindi mo naman siguro ako iiwan pag nagkita ulit kayo di ba? Mahal na mahal kita Alfonso, kahit kaibigan lang ang turing mo sa akin, tanggap ko iyon, basta wag mo akong iiwan, tatanggapin ko ang anak mo sa kanya wag mo lang akong iiwan." Pagmamakaawa ni mommy kay daddy. Hinawakan ni daddy ang kamay ni mommy. "Kasal na tayo, kahit anong mangyari hindi ko sisirain ang pangako ko sayo sa harap ng altar. Oo mahirap pero, sa tagal ng panahon ay tanggap ko na ang kapalaran ko. Mahalaga ngayon ay ang aking anak. Sana payagan mo akong makasama s'ya." Isang matamis na ngiti ang naging sagot lang ni mommy. "So, ok na kayo ni mommy, daddy kailan ko pwedeng makilala ang kapatid ko? Siguro napakaganda n'ya, mana sa kuya n'ya. I'm so excited to see you little sis. Haha kahit ilang buwan lang ang tanda natin sa isa't isa." biro ko pa sa kanila para mapagaan ang mabigat na aura na nakapaligid sa amin. Pero excited talaga akong makilala s'ya. "Lucilla, kung ok lang sayo na magkita kita tayo mamaya, magdinner tayo sa labas ng maipakilala ko din si Matthew sa kapatid n'ya." Tanong ni daddy kay mommy. "Ok lang hon. Ang mahalaga, kahit sa ganitong paraan makabawi ako sa kasalanan ko sayo, at sa anak mong nawalay sayo ng mahabang panahon." Pagsang-ayon ni mommy na labis kong ikinatuwa. Thalia Masayang masaya ako, ngayon tumawag si papa, tanggap daw ako ng asawa n'ya at ng anak nila. Tinawag pa daw akong little sis. Grabe sa sobrang excited ko, napapangiti ako ng mag-isa. "Baby anong meron? Nangingiti ka dyan ng mag isa?" Nagulat ako kaharap ko na pala si mama. "Mama naman eh, nanggugulat ka dyan?" Reklamo ko pa. "Anong nanggugulat? Ikaw itong ngumingiti ng mag-isa. Anong meron?" Tanung ni mama. "Ma, tumawag si papa ipapakilala na daw nila ako kay tita Lucilla at sa anak nila. Ok lang po ba mama?" Ngumiti lang si mama. Bago sumagot. "Oo naman, masaya akong masaya ka, alam kong matagal mo ng gusto mong makilala ang papa mo, pero patawad anak, hindi ko maiibigay ang isang buong pamilya sayo." Malungkot si mama kitang kita ko iyon, ramdam kong mahal pa rin ni mama si papa, kaya hindi na nakapag asawa si mama, dahil nakikita ko s'ya na malungkot at alam kong si papa lang ang iniisip n'ya. Ramdam kong si papa lang talaga ang minahal ni mama. Pero may dahilan ang lahat kaya nangyari ang bagay na iyon. Mahalin man nila ang isa't isa, hindi na pwede. Kasal na si papa sa iba. Kahit alam kong sa pagkikita namin mamaya, eh masasaktan si mama, at makikita ni mama ang asawa ni papa at kuya ko. Alam kong sasarilihin lang ni mama ang nararamdaman n'ya, mapasaya lang ako. Kahit hindi s'ya nagsasalita. Kahit nito ko lang nakita si papa. Siguro kung hindi dahil sa mga pangyayari, masaya sana kami. Pero sa ngayon ang mahalaga, makasama ko na si papa, at makilala ang asawa n'ya at kapatid ko. Tinawagan ko na lang si Matthew, na wag muna kaming magkita ngayon, dahil may importante kaming lakad ni mama. Hindi ko sinabi sakanya ang dahilan, dahil gusto ko siyang ipakilala pag nagkausap na kami ng kapatid ko. Excited din naman akong makilala ang anak ni papa, excited akong magkaroon ng kuya at ipakilala s'ya kay Matthew, na may kuya pala ako, at nakilala ko na ang papa ko. Iyong sayang nararamdaman ko ngayon walang katapusan. Hindi ko maipaliwanag. Sana magtuloy-tuloy na at walang hangganan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD