Chapter 11

1233 Words
Excited na si Thalia na makita ang pamilya ng papa n'ya, lalo na at tanggap s'ya ng anak na lalaki ng daddy n'ya. May instant tita na s'ya may instant kuya pa. Hindi maiipagkaila, ang saya sa mukha n'ya. Nagniningning ang kayang mata, sa loob ng napakaraming taon, nabuo din ang pagkatao n'ya, ang makilala ang tunay n'yang ama. "Ma, bilisan mo ng magbihis, excited na talaga akong makilala ang kapatid ko. Sorry ma ha, alam kong hindi dapat ganito ang nararamdaman ko, dahil alam kong nalulungkot ka, ramdam kong mahal mo pa rin si papa." Malungkot na sambit ni Thalia sa mama n'ya, na ikinangiti nito sakanya. "Wag mo akong alalahanin anak, masaya akong masaya ka. Patawarin mo ako, dahil naging duwag akong ipakilala ka sa tunay mong ama. Pero wag mo akong alalahanin. Masaya akong tanggap ka ni Alfonso, pati ng pamilya n'ya." Sagot lang ni mama, kahit gusto man niyang ipakita na masaya s'ya, hay....Nalukungkot talaga ako sa nararamdaman ni mama. "Masaya na akong nakilala ko si papa, kahit ramdam ko ang lungkot mo mama, patawarin mo din ako mama, pero masaya akong ikaw ang mama ko. Hindi man kayo nagkatuluyan ni papa, andito lang ang iyong maganda at sexy na anak, hehe para sayo." Totoong biro ko kay mama para naman mawala ang kalungkutan naming dalawa. Nagtawanan lang kami ni mama, hindi man mawala ang malungkot na aura, kahit papano napalitan na lang ng mumunting ngiti ang paligid namin. Sa restaurant kung saan excited si Matthew na hinihintay, ang pagdating ng bago n'yang tita at ang anak nito na kapatid n'ya sa daddy n'ya ay hindi ito mapakali. Hindi niya malaman kung dahil ba sa sobrang excited s'ya kaya s'ya kinakabahan. Pero totoong kinakabahan s'ya. "Wooooh, daddy mommy excited na akong makilala ang kapatid ko, padating na ba sila daddy?" Sabi ko kay daddy, na nginitian lang ako ni mommy. "Oo anak malapit na daw sila." Halos parang hindi ako mapakali sa sinabi ni daddy, para tuloy akong babae na hindi maintindihan. "Daddy, woooh kinakabahan talaga ako, hehe sana naman magustuhan ako ng kapatid ko na maging kuya n'ya at walang makakalapit agad sa kapatid ko na manliligaw, at dadaan muna sila sa kamay ko, ayaw kong iiyak ang kapatid ko dahil lang sa mga lalaking mapaglaro." Proud kong sabi kay daddy. "Naku, anak hindi mo pa nga nakikita kapatid mo ang higpit mo na, paano kung may boyfriend na yon, wag mong sabihing kikilatisin mo na muna.? Halos magka edad lang kayo, mas matanda ka nga lang ng ilang buwan." Grabe talaga si daddy excited lang talaga akong magkaroon ng kapatid na hindi nila naibigay. "Tumigil na nga kayong mag-ama, medyo kinakabahan din ako, gusto kong humingi ng tawad sa kanila, alam kung kasalanan ko ang lahat sana mapatawad ako ni Maria...." nakita ko ang lungkot sa mukha ni mommy, halos hindi ko na narinig ang pangalan na huli n'yang sinabi, hindi ko na lang pinansin at padating na rin naman sila. Nagpasya muna akong mag cr at alam kong padating na rin naman sila. Kinakabahan ako na excited na makilala ko ang little sister ko. Paglabas ko ng cr bigla kong nakita si Thalia, nagulat ako kung bakit s'ya andito, pero bigla kong naalala ang sinabi n'ya na may lakad sila ni tita Maria, may date pala silang dalawa. "Hi baby." Bati ko kay Thalia na bigla s'yang nagulat. Nakatalikod kasi s'ya at may inaayos lang sa bag n'ya. "Oi Matt, nagulat naman ako sayo. Anong ginagawa mo dito? Tanong n'ya, na bigla akong nangiti kasi naisip kong ipakilala s'ya long lost little sister ko. "Yang ok ka na ba? Sabay na tayo, may ipapakilala ako sayo mamaya. Hindi pa lang sila dumarating." Excited kong sabi kay Thalia, sabay hawak at hila ko sa kanyang kamay. Nakita ko si mommy, at daddy sa upuan namin at nakita ko din ang babaeng nakatalikod sa table namin na medyo pamilyar, hindi ko lang makilala dahil nga nakatalikod sa amin. Itinaas ni daddy ang kamay n'ya, at nagmadali na akong lumapit sa kanila. "Ooh, Matthew magkakilala na pala kayo ni Thalia." Napakunot ang noo ko, napatingin din sa akin ang babaeng nakatalikod kanina, na si tita Maria pala, na biglang namutla pagkakita sa akin. "Yes daddy, she's my girlfriend." Walang preno kong sabi sa kanila, na ikinabigla ni mommy at daddy, na si tita Maria, ay tulala pa rin at namumutla. "Anong reaction yan? Magkakilala pala kayo ni tita Maria, so asan na sila daddy, where's my sister? Ipapakilala ko s'ya sa girlfriend ko." Walang nagsalita, na parang biglang bumigat ang pakiramdam ko sa paligid namin. Hanggang sa nagsalita si Thalia sa tabi ko, naparang maiiyak. "Ibig sabihin ikaw ang anak ni papa Alfonso?" Biglang tanong ni Thalia ni ikinatango ko sabay sagot. "Yes baby, his my daddy Alf......" hindi ko natapos ang sasabihin ko. "Wait?!.. W-what??!!..... pa-papa Alfonso?!" Halos pasigaw kong sagot sa sinabi ni Thalia. Bumitaw sa pagkakahawak ko si Thalia. "Let me explain, Matt." Biglang sabi ni daddy. "No! Hindi ko s'ya kapatid. She's my girlfriend.!" Galit kong sigaw kay daddy. "Mommy, ano? Di ba hindi ko s'ya kapatid. Tita Maria, sabihin mo sa akin. Baby? Magsalita kayo." Umiiyak na rin si Thalia hindi ko alam ang nangyayari, bakit ganito. Mabuti na lang naka private room kami sa restaurant kami lang ang tao. "Hindi ko 'to, inaasahan anak, na s'ya ang girlfriend mo. Hindi ko inaasahan na ang babaeng mahal mo ay kapatid mo. Pero baka naman anak lukso ng dugo ang nararamdaman mo, at hindi pagmamahal in romantic way." Paliwanag sa akin ni daddy, pero hindi ko pa rin mtanggap. Masakit eh. Hindi pwede. "F*ck! daddy, anong pinagsasasabi mo. Mahal ko si Thalia, hindi kami pwede maging magkapatid! Hindi ko s'ya kapatid.!" Galit ako sa nangyayari sa sitwasyon. "Baby, say something, sabihin mong hindi totoo ang nangyayari, hindi tayo magkapatid. Hindi ikaw ang kapatid ko. Hindi pq sila dumarating. Tita Maria, di ba hindi anak ni daddy si Thalia. Baby???" Pagmamakaawa ko sa kanya, pagmamakaawa ko sa kanilang lahat. Hindi ko na mapigilan ang luha ko. Hindi pwede.... "Matthew, Thalia, hindi ko alam na mangyayari ito, kailangan nating harapin ang mga pagsubok. Kasalanan ito ng daddy. Patawad mga anak." Paghingi ng tawad ni daddy. Pero hindi ko talaga kaya ang mga pangyayari. Kaya umalis na lang ako at iniwan sila. Matthew Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi ko matanggap sa sarili ko ang babaeng nagpatibok ng puso ay babaeng kapatid ko sa aking ama. Excited akong makilala s'ya, pero ng makilala ko na s'ya, gumuho ang mundo ko. Nawala ang lahat ng pangarap ko. Bakit ganito ang tadhana. Pinaglalaruan kami. Minsan lang akong magmahal ng totoo, hindi pa pwede. Pareho kaming nasasaktan, alam kong nasasaktan din si Thalia, hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bukas, kung ang tadhana, kontra sa amin. Para, ako, kami ni Thalia ay maging masaya. Ang lupit naman ng pagkakataon ang taong tunay na nagmamahal, sila pa ang lubos na nasasaktan. Ang masakit lang, ang katotohanan at tadhana ang kalaban. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng pagmamaneho ko, basta ang gusto ko lang makalayo at mapag-isa. Hindi ko kaya, hindi ko kayang mawala sa akin si Thalia. Hindi ko kayang tanggapin na kapatid ko s'ya. Mahal ko s'ya sigurado ako doon. Pero ang hirap.. Sobrang hirap...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD