Chapter 12

1240 Words
Thalia Akala ko pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko ang makilala si papa, at malamang tanggap ako ng anak nila, bilang kapatid. Mali pala ako, sabi nga expect the unexpected. Hindi ko akalain, na si Matthew na mahal na mahal ko, anak din ng papa ko na matagal ko ng gustong makita. Hindi pa rin matanggap ng puso at isipan ko na ang lalaking mahal na mahal ko, ay ang kuya ko. Kuya ko nga ba? Hindi ko s'ya kayang tawaging kuya, ayaw kung isipin na magkadugo kami. Mula ng gabing yon, pinilit ko si mama na umalis na kami, pwede ko namang makumusta si papa kahit sa tawag lang, ayaw ko na dito, gusto kong magpakalayo-layo. Tinawagan ko si ninong Lucas, para tulungan kami ni mama, kung maaari n'ya akong, tanggapin sa kompanya n'ya sa America. Gusto kong mapakalayo-layo dito. Mas mapapadali ang pag-alis kung trabaho ang ipupunta ko doon. Saka na namin lalakadin ni mama ang mga dapat lakadin, para magtagal kami sa America, or much better na doon na lang kami tumira. Isang linggo lang ang nakakalipas, lumipad kami ni mama papuntang America, wala akong naging balita kay Matthew. Hindi ko din naman inalam, kung anong lagay n'ya, kung kumusta ba s'ya. Gusto kong makalimutan ang lahat, minsan ka na nga lang nagmahal hindi pa pwede. Minsan ka na nga lang naging totoo, mali pa. Gusto kung sisihin ang tadhana, pwede namang hindi na kami pagtagpuin, pero pinaglaruan pa rin kami ng pagkakataon. Masaya na akong si mama lang ang kasama ko, pero dumating si Matthew para lalong bigyan ng kulay ang mundo ko. Nakilala ko si papa, pero yon na pala ang katapusan ng pagkawala ng kulay sa mundo ko. My world turns black and white. Mahal na mahal ko naman si Matthew, pero ang mali, dapat pagmamahal na bilang kapatid lang. Hindi ko alam kung hanggang kailan o hanggang saan ako magiging ganito. Hindi madaling kalimutan ang mga nangyari. Pero ipagpapatuloy ko lang ang buhay, hindi naman ako nag-iisa andito si mama, alam kung mahal na mahal ako ni mama at hindi n'ya ako pababayaan. Andito din si ninong Lucas, na tinuring ko din ama, alam kung hindi nila ako pababayaan. Masakit, at mahirap makalimot, pero sana pagdating ng panahon, maghilom din ang masakit na pangyayari sa buhay ko. Sa buhay pag-ibig ko. Grabe naman kasi ang destiny ko, masaya na sana, naging masalimoot pa. Matthew Hindi ko alam kung anong oras na, kung anong araw na ba, o ilang araw na akong ganito? Basta ang alam ko lang iinum ako ng alak, makakatulog, iinum ulit ng alak. Ang saya ng buhay ko. I'm wasted. Hindi na ako bumalik sa bahay buhat ng araw na iyon. Wala akong alam na pupuntahan, buti na lang kinumusta ako bigla ng long lost friend kong si Ice. May bago daw kasi s'yang tayong bar. Nakakaalala lang naman yon, pag opening ng business n'ya. Tamang tama pabor sa akin, ngayong mga oras na ito. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at pinuntahan ko s'ya kaagad. Maganda ang bar n'ya, high class talaga. May room din for VIP's. Kaya kinuha ko na lang ang isang VIP room ng bar ni Ice. Wala na rin naman s'yang nagawa, andito na ako, hindi ko na maalala kung ilang araw na ako dito. Wala na rin akong balita pa kay Thalia. Wala din akong pakialam kina daddy at kay mommy. Ano bang kasalan ko, bakit ba kami pinaglaruan ng ganito ng pagkakataon. "Pare wala ka pa bang balak umuwi, para ayusin ang buhay mo? " tanung lang sa akin ni Ice, na nasa loob na rin pala ng VIP room. "Yoww Ice, pare ang ganda dito sa bar mo ha, sobra kong naeenjoy" walang buhay kung sagot sakanya. "Nag-eenjoy ka nga ba? Sa tingin ko kasi, hindi ka naman nag-eenjoy, your wasted." Sabi n'ya habang kita ko na napapailing na lang s'ya. "Nope, dyan ka nagkakamali, i enjoy my life, kasama ang alak, akalain mo ang sarap pa lang uminom pare." sagot ko pa. "Baliw ka na, Matt. Wag mong sirain ang buhay mo, kakainum mo ng alak dito." payo pa sa akin ni Ice. Wala naman akong balak sirain ang buhay ko. Kasi mula ng malaman kong kapatid ko si Thalia, noon pa lang sira na ako. Sira na ang buhay ko. "Hey, Ice kaya kong magbayad sayo, kahit gaano pa kamahal ang bill ko sayo. I have plenty of money, I have my f*cking business, my f*cking life. Ice i want to end this f*cking miserable damn life. But I don't know how. I want to be happy with my damn f*cking life. But destiny played us." Nakakabakla man, pero naiiyak talaga ako sa buhay ko ngayon. Paano na kami ni Thalia. "I know Matt, na kaya mong magbayad, kahit billion pa ang bill mo, pero kahit hindi ka na magbayad, ayusin mo lang ang buhay mo. Ano ba talaga ang problema mo at nagkakaganyan ka.?" Tanung ni Ice na siguro naguguluhan na rin sa kinikilos ko. "I meet a beautiful woman, and for the first time of my f*cking life, i feel in love. Niligawan ko s'ya ng matagal, kasi seryoso naman talaga ako sakanya. Ipinaramdam ko ang pagmamahal ko sa kanya, at tinugon din naman n'ya ng pagmamahal. Tanggap ako ng mama n'ya, napakabait n'ya at mahal na mahal namin ang isa't isa. Hinihintay ko nga lang ang pag-uwi nina daddy at mommy para, ipakilala s'ya at ang next step ay ang pakasalan ko na s'ya." Mahaba kung kwento kay Ice, habang tumutungga pa rin ng alak. "Tapos, mukhang ok naman kayo, anong problema?" Tanong ni Ice. "Anong problema? Malaki ang problema. Malaking-malaki." Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Ice, kaya tinuloy ko na lang ang sinasabi ko. "My Thalia is my f*cking half sister. Anak s'ya ni daddy, bago pa pinakasalan ni daddy si mommy." Gulat na gulat si Ice sa sinabi ko. Kahit naman ako nagulat din, hindi lang basta gulat hindi ko pa mapaniwalaan, at hindi ko po matanggap. "Ibig sabihin, magkapatid kayo, kay tito Alfonso?" Gulat na tanung na ni Ice na kahit ako hindi ko pa rin matanggap na magkapatid kami. "Parang ganun na nga sabi nila eh, kaya sa tingin ko Ice, wala akong ibang mahihingahan ng nararamdaman ko, kundi ang loob ng VIP room mo na ito, at ang alak na ito thanks bro." Napailing na lang si Ice. "Matt, hindi solusyon ang alak sa problema mo. Ayusin mo ang buhay mo, and sino ba talaga ang nakakaalam ng mga mangyayari. Oo mapaglaro ang tadhana, pero hindi ka dapat sumuko sa buhay. Tanggapin mo ang mga nangyari, mapaglaro man ngayon ang tadhana pero malay mo, yang tadhana na yan din ang dahilan para maging masaya ka balang araw." Naiiling na lang ako sa payo ni Ice, maaaring tama s'ya, pero sa ngayon, hindi ko kaya ang sakit na nararamdmaan ko. Hindi ko matanggap na maging kapatid ko lang ang babaeng pinakamamahal ko. Ramdam ko ang awa ni Ice sa mga sinasabi n'ya, pero parang sarado pa sa ngayon ang isipan ko. Hindi ko alam kung paano ako magpapatuloy, at pag makikita ko si Thalia paano ko matatanggap na kapatid ko lang s'ya. Sa halip na, baby, babe, sweetie mahal ang itatawag n'ya sa akin. Magiging kuya na lang. "F*ck!!!" At wala ng mas hihigit dun, sa magkapatid lang kami. Sobra ko s'yang mahal. Gusto ko ng sumuko. Hindi ko na kaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD