"Haba naman ng buhok mo girl, palagi na lang may pabulaklak si mayor." Bati sa akin ni Jen, isa sa kasama ko sa department. Napapangiti naman ako.
"Nanliligaw na ba sayo si sir? May pabulaklak tapos minsan may pa lunch, grabe ka girl ha. Haba-haba talaga ng hair mo. Hindi naman ganun si sir, tapos ngayon galante na." Sabi naman ni Mel. Sabay kiliti sa tagiliran ko.
"Abay, ewan ko, wala naman s'yang sinasabi. Pati hindi, saan bang department si Matthew?" Bigla na lang silang nagkatinginan at may mga ngisi sa labi sabay pa silang nagsalita. "So Matthew pala." Tapos nagkindatan silang dalawa. "Hindi mo pala alam." Sabi ni Mel.
"Oo nga hindi mo talaga alam." Sigunda naman ni Jen. Tumango lang ako na parang nahihiya. Halos mag-iisang buwan na akong andito hindi ko talaga alam kung saang department si Matthew. "Tanungin mo na lang si Sir. Matthew baby." Malanding sabi ni Jen na may pagkindat pa sa akin, sabay pasok ni Ms. Cha.
"Tama naman si Mel, at Jen, tanong mo na lang sa kanya, mawalan pa ng trabaho yang dalawa pag sinabi nila, di ba ladies." Sabay tango ng dalawa sa sinabi ni Ms. Cha, pero halata pa rin na kinikilig yong dalawa. Jen, Mel and Ms. Cha, sila talaga yong family ko dito sa company.
Hindi nila pinaramdam na baguhan ako, bagkus pinaramdam nila na, deserve ko lahat ng treatment na natatanggap ko mula sa kanila.
One month, matapos akong padalhan ng padalhan ni Matthew ng bulaklak, s'ya na mismo ang nagdala sa department ko. "Ms. Cha, busy ba kayo ngayon." Pambungad n'ya.
"No sir, actually for review lang muna kami ngayon, para ma sure na tama lahat ang report ng maiwasan ang problema." "Good! Di pwedeng mahiram si Ms. Buenaventura." Sabay ngisi. "Anong mahiram? Ano ako ballpen? Na sasabihin mo kay Ms. Cha na pahiram?" Biglang sabat ko sabay irap.
"Ang init naman ng araw mo, meron ka ba?" Seryosong tanung ni Matthew na ako naman ay sobrang namumula na sa kahihiyan. Kailangan ba talagang itanong pa yon? Sinong hindi mahihiya. Nagtawanan lang ang mga baliw kong kasama sa trabaho, pati si Ms. Cha.
"Ok lang sir, kung sasama s'ya, free naman yang si Thalia ngayon." Mabait talaga sa akin si Ms. Cha lalo na dito kay Matthew.
"Di sasama ka na?" Tanong n'ya ulit sa akin na pinandilatan ko naman s'ya ng mata. Tumayo ako at lumapit sa kanya, "Kung hindi lang ako mamamatay sa kahihiyan sa sinabi mo, hindi ako sasama, patay ka talaga sa akin mamaya paglabas dito."
Pabulong na may diin kong sabi kay Matthew pero sa halip na magulat natuwa pa. Hinawakan n'ya ang kamay ko. Naramdaman ko na naman yong kuryenteng bumabalot sa katauhan ko. "Let's go. Balik ko na lang s'ya maya Ms. Cha" paalam pa n'ya.
"Bye Thalia enjoy" malanding sabi nila sabay ngisi pa. Grabe na talaga sila, ano bang meron dito sa Matthew na ito at parang botong boto sila dito. Hay....
Dinala ako ni Matthew sa tabing dagat, malinis, malinaw ang tubig at talagang kung may problema ka, mawawala, sobrang nakakarelax. "Parang ang sarap na lang dito, mawawala ang lahat ng iniisip mo." Bigla ko na lang nasabi.
"May problema ka ba?" Biglang tanong sa akin ni Matthew. "Wala, nasabi ko lang kasi ang sarap sa pakiramdam, dito sa tabing dagat. Ngayon lang ulit ako narelax ng ganito." Mahaba kong paliwanag sa kanya.
"Hmm, Thalia pwede ba akong magtanong?" Tumango lang ako bilang sagot. "May boyfriend ka ba?" Nasamid naman ako sa tanong n'ya. Medyo napakamot pa ako ng ulo bago nakasagot. "Wala, sa ngayon priority ko ay si mama." "May problema ba sa mama mo?" Tanong ulit n'ya.
"Wala, sa totoo, lumaki akong walang kinikilalang ama, hindi ko s'ya nakilala. Wala akong litrato n'ya. Kahit pangalan ng aking ama ay hindi ko alam, pero kahit ganun, ayaw ni mama na magtatanim ako ng galit o sama ng loob sa aking ama, sa una hindi ko maintindihan si mama, pero habang tumatanda ako, naiintindihan ko na ang ibig n'yang sabihin."
Mahabang paliwanag ko. "Ano naman yon? Hindi naman sa tsismoso ako, pero gusto ko lang malaman ang nasa kalooban mo." "Sabi kasi ni mama, minsan ka lang magmamahal pero ang minsan na yon isang beses lang talaga." "Ha!?" Medyo naguguluhang tanong sa akin ni Matthew.
"Ganito kasi yon, maraming tao na dadaan sa buhay mo, pero hindi mo masasabi na pagmamahal yon kung magkakalayo at maghihiwalay din kayo." Paliwanag ko kay Matthew. "Pero? Paano yong sa sitwasyon ng mama mo? Sabi mo wala kang nakagisnang ama? Nasaan doon ang pagmamahal?"
"Si mama kasi, isang beses lang s'yang nagmahal at yon ang aking ama. May mga dahilan kung bakit hindi sila nagkatuluyan. Sabi ni mama, ang akin ama lang naman daw ang nawala sa tabi n'ya, pero ang pagmamahal nandoon pa rin hanggang ngayon." Mahabang paliwanag ko.
"Hindi ba ulit nagmahal ang mama mo?" "Hindi na, mahirap daw kasing turuan ang puso. Mas masasaktan daw s'ya kung pipilitin n'ya ang sarili n'ya kung ang tunay na mahal niya ang aking ama. Lalo na nung nalaman n'ya na nagdadalangtao s'ya, at ako yon.
Hindi na naisip pang magmahal ni mama. Kaya habang lumalaki ako, doon ko naisip na isang beses ka lang talaga magmamahal, kung sino ang nakatadhana sayo, hindi man maging kayo, hindi s'ya mawawala sa puso mo." Bigla na lang tumulo ang luha ko. "Ano ba Matthew, naiiyak ako sa sarili kong kwento, pero tungkol sa mama ko. Ano nga ba ang tanong mo?" Bigla ko na lang tanong ulit, para mawala sa akin ang atensyon naming dalawa. 'Bakit ang gaan ng pakiramdam ko habang nag kukwento sa kanya.' Nasambit ko na lang sa sarili ko.
"Ah, tinatanung ko kong may boyfriend ka na, pero bases ka kwento mo alam ko na ang sagot." "Ano naman ang sagot?" Bigla ko na lang tanong. "Wala kang boyfriend, sa tingin ko kasi, hindi mo pa nararamdaman yong pagmamahal para sayo, na galing sa taong tunay na mamahalin mo." "Paano mo naman nasabi? Tanong ko ulit.
"Kasi hindi mo pa nararamdaman yong pagmamahal ko, ipinaparamdam ko na kasi, hindi mo pa maramdaman." Napailing s'ya at napangiti. Nahampas ko tuloy s'ya sa braso. "Pinagsasabi mo!" "Pwede ba kitang ligawan." "Ako!? Liligawan mo!?" Gulat na na tanong ko.
"Oo, since wala ka namang boyfriend, pwede ba kitang ligawan?" Medyo nagulat talaga ako sa tanong n'ya. "Seryoso, walang halong biro. Totoo ang sinabi ko. Unang beses pa lang kitang nakita sa parking lot. Nagising mo ang natutulog kong sistema."