"Ma, alis na po ako first day ko sa trabaho, kaya dapat lang maaga ako." Paalam ko ky mama, sabay halik sa pisngi n'ya. "Anak, hindi ka pa ba muna kakain? Maaga akong nagluto para sayo." Halata ang tampo kay mama, pero alam kong kinukonsensya lang naman ako. Napangiti na lang ako, at pinisil ang mukha ni mama.
"Asus, naman, parang hindi ko naman matitiis ang mama ko, opo na ma, kakain na ang iyong prinsesa." Kumuha ako ng sinangag, hotdog at itlog, ipinagtimpla din ako ni mama ng kape.
The best talaga si mama, kahit kami lang dalawa sa buhay, hindi ko nararamdaman na may kulang, masaya ako na siya ang mama ko. Wala akong alam tungkol sa akin ama. Ang alam ko lang mabait ang aking ama, sabi ni mama wag daw akong magtatanim ng galit sa kanya.
May mga dahilan kung bakit hindi ko nakasama ang akin ama, at ang dahilan na iyon ang hindi ko alam, gusto kong malaman pero ayaw talagang ipaalam ni mama sa akin, ni pangalan niya ay hindi ko alam.
"Ma, tunay na ito, alis na po ako, salamat sa masarap na almusal, mas ganado nga ako ngayong unang araw sa trabaho. Masarap pa ang luto ng mama ko." Napangiti si mama sa sinabi ko. "Sige na, umalis ka na at baka abutin ka pa ng traffic, Maria Thalia Buenaventura." Napangiti ako sa sinabi ni mama, alam na alam kung paano ako aasarin.
Ang banggitin ng buong buo ang pangalan ko. Napailing na lang ako kay mama at sumakay sa kotse ko. Nakita ko pa ang pagkaway ni mama sa side mirror, tuwang tuwa siya at masaya ako kasi masaya s'ya kahit kami lang dalawa ang magkasama.
Pagdating ko ng kumpanya, mula kay manong guard binati ko na, masarap simulan ang umaga ng may ngiti, kahit hindi mo sigurado kung ang binabati mo ba ay may problema, mahalaga nabati, at nasimulan mo ang araw nila ng maganda.
Lumapit ako sa information, bumati ako at ipinakita ang ko ang temporary i.d. ko. "20th floor ma'am, hanapin mo na lang po si Ms. Cha s'ya po maghahatid sa inyo sa department n'yo." Ngumiti s'ya at nagpasalamat ako. Hindi na masama sa unang araw, lahat sila good mood. Pumunta ako ng elevator at pinindot at 20th floor.
"Hindi pala ako pwedeng magpapalate ng gising, sa bawat floor na bubukas, malalate talaga ako." Natawa ako sa nasabi ko sa sarili ko, "di gumising ng umaga ng hindi ma late." Pag labas ko hinanap ko kaagad si Ms. Cha, mukhang mataray, parang isang pagkakamali mo, sabi nga out ka na. Pero sabi nga don't judge the book by it's cover kasi, baka nagkakamali lang ako ang mataray na sa tingin ko baka mabait pala. Hinatid n'ya ako sa pwesto ko.
"Good morning team, s'ya si Ms. Maria Thalia Buenaventura, ang bago nating head assistant dito sa finance. By the way, I'm Charmaine Perez, the Head of Finance bali under kita." Nagpakilala din ako sa kanila "Hi, sa inyong lahat just call me Thalia, masyado ng mahaba ang fullname ko." Nakipagkamay ako sa bago kung katrabaho, masaya akong parang isang pamilya agad ang pagtanggap nila sa akin.
Ang bilis ng araw, isang linggo na ako sa trabaho. At ngayong araw makikilala ko na ang boss namin. Kung kailan ka naman may importanteng gagawin saka ka naman bigla naabutan ng trapik.
Buti na lang magaling pa rin akong makipagsiksikan. Nagmamadali akong lumabas ng sasakyan, kung hindi lagot talaga ako nito kay Ms. Cha. Sa pagmamadali ko hindi ko napansin ang kotse na nagpapark kaya naatrasan n'ya ako. "Kung minamalas ka naman oh."
Nasambit ko na lang habang unti-unting pinupulot ang mga documents na nabitawan ko at nagkalat. Bigla namang bumama ang may-ari ng kotse, at dinulugan ako ng tulong. "Oh, sh*t, ang gwapo." Nasabi ko na lang sa sarili ko. "Ms. Ok ka lang ba? Gusto mo dalahin kita sa ospital?" May pag-aalala sa tono n'ya.
"Naku, sir ok lang po ako, kasalanan ko din naman sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko kayo napansin." Pagtanggi ko, kasi late na late na ako, magagalit na talaga si Ms. Cha. Tumingin s'ya sa wristwatch n'ya, napasilip din ako. "I'm out." Nasambit ko na lang kasi sure mapapagalitan na ako ni Ms. Cha.
Nang bigla s'yang nagsalita, "Saang department ka, ihahatid na kita." "Naku sir, wag na, nakakahiya naman po, baka lalo na akong mapagalitan ni Ms. Cha." "So, under ka pala ni Ms. Cha, sumama ka muna sa akin, samahan mo muna akong mag breakfast.
Hindi pa ako kumakain eh, at ako ang bahala sayo kay Ms. Cha" pagkatapos n'yang sabihin yon. Nagtext lang s'ya sa cellphone n'ya at hinila na lang n'ya ako. Nagulat ako sa naramdaman ko. Para akong napaso? Nakuryente? Hindi ko alam. Basta sa hawak na yon may kakaiba. Sa pinakamalapit na coffee shop kami pumunta.
Hindi naman ako nakapagsalita at nagpatianod na lang ako sa lalaki na ito. Mukha namang hindi gagawa ng masama, pero inaalala ko pa rin si Ms. Cha. Tapos hindi ko naman kilala kung sino itong lalaki na ito. Dumating na ang order namin, kape lang ang sa akin, kase nakakain na naman ako sa bahay.
"Ahmm. Sir sure ka bang hindi ako mapapagalitan ni Ms. Cha? Dapat kasi maagap po ako ngayon, at dadating daw po ang CEO ng company, pero late na po ako." Napangiti s'ya sa sinabi ko, habang ako baka mawalan ng trabaho dahil sa ginagawa ng lalaki na ito. "By the way Ms. I'm Matthew Rey Mondragon, wag kang mag-alala, nasabi ko na kay Ms. Cha na kung may nawawala s'yang empleyado under n'ya kasama ko." Bigla n'ya akong kinindatan. 'Nawawala talaga.' Sabi ko na lang sa isipan ko.
"And you are?" Tanung n'ya. "Maria Thalia Buenaventura sir. Thalia na lang po, assistant ng head finance under Ms. Cha." Mahabang pagpapakilala ko.
Natapos na s'yang kumain at sabay kaming pumasok ng company. Lahat ng tao na makakasalubong namin, binabati s'ya. Sa elevator doon ulit ako nagkaroon ng pagkakataon na magtanong.
"Sir, ano po ang katayuan mo dito sa company?" Syempre ingat na ingat na ako sa pagsasalita at hindi ko naman s'ya kilala tapos lahat ng tao kilala s'ya ako lang ang hindi, kawawang baguhan. Napakamot pa s'ya ng ulo, na parang nahihiya. Napapaisip tuloy ko.
"Hatid muna kita kay Ms. Cha." "Sir naman eh, pag ako napagalitan ni Ms. Cha, hinding hindi ko kakalimutan itong araw na ito at yang pagmumukha mo Sir Matthew Rey Mondragon." Bigla s'yang tumawa, "Ang formal naman. Matthew na lang."
Pagdating namin sa department umupo ako kaagad sa table ko. Nakatingin lahat sa akin ang kasama ko sa trabaho, hinanap n'ya agad si Ms. Cha nakipagkwentuhan at saka umalis.
Nilapitan ako ni Ms. Cha "ito na ba ang katapusan ko, bagong pasok pero tanggal na agad.' Sabi ko na lang sa isip ko.
"Ok Thalia, asan na ang report, kadarating lang naman ni CEO, ok lang kahit medyo late ka, basta natapos mo ang report." Nagulat ako sa sinabi n'ya. "Hindi po kayo galit?" Tanong ko. "Bakit naman ako magagalit? Kung hindi galit ang CEO, anong karapatan kong magalit sa empleyado. Di ba guys?"
Biglang nagtanguan ang mga kasama ko. Iniabot ko sa kanya yong report na tinapos ko sa bahay. S'ya na lang daw ang magdadala sa CEO.
Kakaiba talaga ang araw na ito, late ako pero walang nagalit, "Sino kaya si Matthew?"