Thalia
Isang buwan na ang nakakalipas buhat, ng bumalik kami ni mama, ng Pilipinas, pero hanggang ngayon hindi pa rin nagigising si Matthew.
Naalis na rin ang ibang mga aparatus na nakakabit sa kanyang katawan. Sabi pa ng doktor na tumitingin sakanya ay wag na kaming masyadong mag-alala sa kalagayan ni Matthew, dahil ligtas na s'ya.
Sinabi rin naman ng doktor n'ya, magigising naman daw si Matthew ano mang oras. Masyado lang talagang masama ang pangyayari kay Matthew kaya hanggang ngayon, wala pa rin s'yang malay.
Pero ngayon, kahit papano kahit nakakapag-alala pa rin, masaya akong nalalapitan si Matthew. Nakakausap kahit alam kung hindi s'ya sasagot.
Nagpapasalamat na rin ako at hinahayaan ako ni mama at ni papa na, maging malapit ng ganito kay Matthew, kahit alam ko namang bawal. Susulitin ko lang ang pagkakataon dahil, pag gising niya, hindi ko na ito magagawa.
Nagtataka din ako kay tita Lucilla at kay ninong Lucas parang wala lang sa kanila na malapit ako kay Matthew, kahit hindi naman nila naririnig ang mga sinasabi ko.
Ako ang nahihiya sa kanilang lahat, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi ilapit ang sarili ko kay Matthew, kahit hanggang ngayon lang. Alam ko naman sa sarili ko na babalik na kami sa dati, pag-gising n'ya.
Walang magbabago, daddy n'ya si papa Alfonso. Yon ang bagay na nagpapabigat ng kalooban ko, ng puso ko.
Hawak ko ang kamay ni Matthew, habang kinakausap s'ya. Minsan hindi ko mapigilan ang hindi umiyak. Nang maramdam kong gumalaw ang kamay n'ya.
Nagulat ako sa naramdaman ko, pero pinagmasdan ko muna s'ya ng mabuti, at baka nagkakamali lang ako.
Hanggang sa naramdaman ko na naman ang paggalaw ng kamay n'ya. Mabilis akong tumayo, para tawagin sina papa na nasa labas lang ng kwarto ni Matthew nakaupo, at ng makatawag na rin ng doktor.
"Anak anong nangyari?" Pambungad agad ni papa, dahil sa gulat sa pagtawag ko sa kanila.
Pumasok agad silang apat dito sa kwarto. Si papa, tita Lucilla, ninong Lucas at si mama.
"Papa, gumalaw ang kamay ni Matthew, tumawag na ba kayo ng doktor?" Nag-aaalalang sabi ko sa kanila.
"Papunta na ang doktor Thalia." Sagot naman ni ninong Lucas.
Ilang sandali pa dumating na agad ang mga doktor. Sinuri nila kaagad si Matthew. Makalipas ang ilang minuto, dahan dahang nagmulat ang mata si Matthew.
Kita sa kanyang mga mata ang gulat, parang nagtataka s'ya kung bakit andito kaming lahat. Kita din sa mukha n'ya ang gulat ng magtagpo ang aming mga mata.
Napukaw lang ang pagtitig ko ng magsalita ang doktor. Sinabi ng doktor na maayos na ang kalagayan ni Matthew, kailangan na lang ni Matthew na mag stay ng kahit isang linggo pa, para sa mga therapy gawa ng mahigit isang buwang itong walang malay, para hindi ito mabigla na ikilos agad ang katawan.
Matapos sabihin iyon, ay lumabas na ang doktor, nilapitan naman agad sina tita Lucilla at papa si Matthew, para kumustahin ang pakiramdam nito.
Yon na rin ang pagkakataon ko para lumabas na ng kwartong iyon. Masaya na akong gising na si Matthew, at malaman na ligtas na s'ya.
Kailangan ko na rin ko na ring mag-ayos ng gamit, wala ng dahilan para magtagal pa ako dito, dapat na akong umuwi ng America.
Matthew
Nagulat akong andito si tita Maria at si Thalia. Masaya akong makitang muli ang kaisa isang babaeng nagpatibok ng aking puso, na kahit bawal lihim kung minamahal.
Hindi pa ako makapagsalita, dahil kailangan kung ikondisyon ang sarili ko. Mahigit isang buwan din daw akong walang malay sabi ng doktor.
Kaya siguro nahihirapan akong ibuka ang bibig ko, at halos walang pakiramdam ang paa ko, dahil mahigit isang buwan akong hindi nagsasalita at naiigalaw ang katawan ko.
Pagkaalis ng doktor, nakita kung papalapit si daddy at si mommy, ngayon ko lang ulit sila nakita, dahil hindi ako umuuwi sa bahay. Masaya akong makita sila kahit may hindi maganda kaming pinagdadaanan. Bilang anak, kahit papano masaya akong makita sila, kahit ganito ang kalagayan ko.
Napatingin ako sa likudan nila, nakita ko ang paglabas ni Thalia, ng kwarto. Gusto ko sana s'yang pigilan pero hindi ako makapagsalita ng malakas. Halos bulong pa lang ang kaya kung isambit.
"Matt, kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong agad ni mommy.
"O-o-okay l-lang p-po." Utal kong sagot dahil nahihirapan pa akong magsalita pero mas mabuti na at may lumabas na salita sa akin.
Napansin yata ni daddy na nakatingin ako sa may pintuan, kaya bigla din s'yang lumingon.
Napansin din yata ni mommy na wala na doon si Thalia at si tita Maria at ninong Lucas na lang ang nandoon.
( Ninong din ni Matthew si Lucas dahil ng lumipat ng Maynila si Lucas naging magkaibigan din sila ni Alfonso)
"Si Thalia ba ang hinahanap mo anak? Lumabas lang siguro saglit. Baka mamaya bumalik yon dito." Sabi ni mommy na tumango lang ako.
Nalungkot ako ng halos ilang oras na ay hindi pa rin bumabalik si Thalia. Napansin na siguro nila na panay ang titig ko sa pintuan kung may papasok na Thalia.
Pero kada bukas ng pinto, mga nurse lang ang pumapasok para painumin ako ng gamot, at i-check ang kalagayan ko. Ngunit walang Thalia na dumating.
Habang nakatingin ako sa nakasaradong pintuan, nilapitan ako ni tita Maria at ninong Lucas.
"Matt, uwi na muna kami ni Maria, nagtext si Thalia nasa hotel na daw s'ya. Kaya pala hindi na bumalik ang bata na yon ay nauna ng umuwi. Hatid ko na muna ang mama n'ya."
Nalungkot man, ay tumango na lang ako kay ninong Lucas. Kaya pala hindi na s'ya bumalik, hanggang ngayon ayaw pa rin n'ya akong makausap.
Pagkaalis nina tita Maria at ninong Lucas, lumapit ulit sa akin sina mommy at daddy.
"Matt, magpagaling ka na, at pag gumaling ka na, siguraduhin mong maging masaya. Madami akong pagkakamali, sana mapatawad mo ako. Isa lang ang maiipangako ko sayo. Kung ano man ang gusto o nais mo, masisigurado kong mangyayari. Basta magpagaling ka lang at ayusing na ang buhay mo. Wag puro alak, bawal din ang magmaneho ng lasing. Hmmm." Mahabang litanya ni mommy, na ikinagulo ng isipan ko.
Napakunot ako ng noo sa mga binitawang salita ni mommy, pero nakita ko ang mga ngiti n'ya. Pero paano ako magiging masaya kung ang babaeng mahal ko, hindi naman pwedeng maging akin. Napahugot na lang ako ng malalim na paghinga.
Napatingin naman ako kay daddy ng bigla n'yang hinawakan ang ulo ko.
"Tapos na Rey, ang malungkot at hirap na iyong pinagdaan, magpagaling ka na at maniwala para maging masaya, at maging maayos ang lahat. Makakamit mo din ang kaligayahan na nais mo." Sambit ni daddy.
Lalo naman akong naguluhan sa sinabi ni daddy. Tinatawag lang n'ya akong Rey pag may gusto s'yang sabihin na hindi n'ya agad masabi.
Gusto ko mang magtanong pa, pero sinabi na rin ni mommy na magpahinga na muna ako, at wag na munang mag-isip.
Basta ang gawin ko na lang muna ay magpagaling, at magiging maayos din daw ang lahat.
Napapikit ako at taimtim na napabulong
'Sana at sana nga, paggaling ko maging maayos din ang lahat. Sana nga maging maayos at maging masaya. Masaya sana na kasama si Thalia kahit alam kong mali, pero sana.'
Taimtim kong dasal, na kahit walang kasiguraduhan nanghihingi pa rin ako ng pag-asa.