Chapter 19

1115 Words
Thalia Pagkauwi ko sa hotel na tinutuluyan namin nina mama, hindi ko na napigilang umiyak pagkapasok ko ng kwarto. Para akong nawalan ng lakas. Masaya akong makita na okay na si Matthew, puso ko lang talaga ang hindi pa rin okay. Bigla kong naalala si Knight, s'ya lang nagpapagaan ng loob ko sa ganitong pagkakataon, ilang ring lang sinagot na n'ya agad ang tawag ko. (Yes, hello princess.) Bungad agad ni Knight pagkasagot niya ng tawag. "K-knight." Naiiyak kong sambit. "Gising na si Matt." (Good to hear. Oh! Pero bakit ka umiiyak? Di ba, dapat masaya ka kasi gising na s'ya?) Tanong pa niya na hindi ko pa rin mapigilan ang pagluha ko. "Masaya naman ako, pero need ko na ulit bumalik ng America, ayaw kung magkausap kaming dalawa, hindi ko pa kaya." Saad ko na, dinig ko ang pagbuntong hininga ni Knight, matagal na n'ya akong pinipilit na kausapin si Matthew ng maging okay na daw sa amin ang lahat. Pero hindi ko pa rin magawa, natatakot ako, natatakot pa rin ako kahit alam kong wala namang pag-asa. (Tatagan mo lang ang loob mo, dahil kahit nahihirapan ka ngayon, alam kung magiging masaya ka din, kung hindi man ngayon, darating at darating din ang araw na yon.) Tugon pa niya kaya napangiti ako sa sinabi ni Knight, kahit kailan talaga nakakagaan ng kalooban ang mga sinasabi n'ya. Bago ko tuluyang, ibinaba ang tawag, dahil nagpaalam na rin s'ya na may pupuntahan s'ya. Matapos kung tawagan si Knight, nagtext na rin ako kay mama, na hindi na ako babalik ng ospital, na nakauwi na ako dito sa hotel, at dito ko na lang sila hihintayin. Isang linggo na ang nakakalipas, hindi na ako nakibalita pa tungkol kay Matthew. Si mama naman at si ninong Lucas halos araw araw kung magbalita kaya, paano pa ako makikibalita, kung araw araw naman ipinaparinig nila sa akin ang kalagayan ni Matthew. Minsan pa bigla na lang akong tatawagan ni papa, para ibalita ang kalagayan nito. Kahit si tita Lucilla, tinatawagan din ako. Pilit ko mang ilayo ang nararamdaman ko, kahit hindi ko nakakausap si Matthew, parang lalo lang akong hinahatak ng puso ko na mapalapit sakanya. Mapait lang akong napangiti, alam kung isa sa mga araw na darating, lalabas na ng ospital si Matthew, kaya nagdesisyon na akong kausapin si mama. "Ma, gusto ko ng bumalik ng America." Nakita ko ang pagtitig ni mama, siguro nabigla, sa kagustuhan ko ng umuwi, kahit hindi pa nakakalabas ng ospital si Matthew. Mahalaga sa akin, ligtas na siya sa kapahamakan, at gising na s'ya. "Bakit sobrang biglaan naman anak? Ayaw mo na ba dito? Dahil kung tutuusin, pagkakataon mo ito para makasama ng matagal ang papa mo, hindi yong ilang buwan o taon ulit bago ka n'ya mabisita sa America." Dagdag pa ni mama. Humugot ako ng malalim na paghinga, gustuhin ko mang manatili dito, parang hindi kaya ng puso ko, lalo lang akong masasaktan, kung makikita ko si Matthew. Hindi ko nga s'ya nakikita, nasasaktan ako. Ang makita ko pa ba siya, na alam kung hindi pwedeng ibalik ang dati ang hindi ako masaktan. Tumingin muli ako kay mama bago nagsalita. "Ma, alam mo naman ang dahilan ko di ba? Alam ko naman mama na mali ang makipaglapit pa ako sakanya. Kung pwede na ako ang umiiwas, ako na ang iiwas. Ayaw ko din namang may masabi ang ibang tao sa aming dalawa." Tugon ko ng, titigan ako ni mama at nakita ko ang matamis n'yang pagngiti. "Naniniwala ka ba anak, na makapangyarihan ang pag-ibig?" Napakunot naman ako sa sinabi ni mama, pero syempre naniniwala ako dun. "Yes, ma. Ikaw nagsabi nun sa akin eh." Sagot ko na lang kay mama na mapait na ngumiti. "At naniniwala ka din ba na mapaglaro ang tadhana?" Napatitig na ako kay mama, napatawa ng pagak, habang naiiling. "Dyan ako sobrang naniniwala mama, pati nga kami ni Matthew pinaglaruan ng tadhana. Akalain mong ipakilala ng mapaglarong tadhana na yan ang anak ni papa sa akin. Grabeng mapaglaro di ba... m-ma." Halos gumaralgal na ang boses ko, pag naaalala ko kung paano naging mapaglaro ang tadhana. Iiwas na sana ako ng tingin kay mama dahil baka hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko, pero hinawakan ni mama ang mukha ko. "Pero naniniwala ka bang kung kayo ay kayo. Kung ang minamahal mo ay para sayo, tadhana din ang gagawa ng paraan para kayo ang magkatuluyan?" Sambit ni mama na ikinatitig ko sakanya ng husto. "Huh?" Yon ang lang lumabas sa bibig ko sa sinabi ni mama. Naguguluhan man, pero talagang naguguluhan ako. Tumayo na si mama at iniwan akong may malalim na pag-iisip. Ipagsasawalang bahala ko na sana ang sinabi ni mama, ng bumalik pala ito at nakatayo sa harapan ko at nagsalita. "Bigyan mo daw ang papa mo ng isang buwan, para maayos ang lahat. Isang buwan lang bago ka mag desisyong bumalik ng America. At pagkatapos ng isang buwan na yon, at hindi mo magugustuhan ang mga mangyayari, papa mo pa daw bibili ng plane ticket mo pabalik ng America." Napatingin naman ako kay mama, ano bang nasa isip nila. Napabuntong hininga na lang ako. Dahil kahit ako naguguluhan sa mga ikinikilos nila. Pero kung yon ang gusto nila, pagbibigyan ko sila. Alam ko naman na hindi nila, ako hahayaang masaktan. Dahil alam nila na matagal na akong nasasaktan. Iniisip ko lang paano kung magkaharap na kami ni Matthew, paano ko s'ya kakausapin, paano ko s'ya pakikitunguhan. "Ang hirap naman." Nasabi ko na lang sa sarili ko. Napabuntong hininga na pa din ko. "Kung hindi lang sana s'ya anak ni papa, or ako, kung sana iba ang papa ko. Hindi sana ganito kahirap ang lahat, masaya sana kami." Napailing na lang ako sa mga nasasabi ko sa sarili ko. Lumapit ako sa harap ng salamin at kinuha ko sa aking bag ang kahon na pinaglalagyan ko ng kwintas na bigay ni Matthew. Lumabas na naman kanina si mama, gusto ko lang ulit subukan na isuot ito. Kahit masakit gusto ko pa ring subukan kahit ngayon lang. Napakasaya ko noong panahon na suot ko ito, pero ngayon hindi ko na magawang maging masaya. Napangiti lang ako ng mapait. Hindi ko talaga alam kong anong mali at kasalanan ko noong past life ko, gusto ko lang maging masaya kasama ng taong mahal ko, pero ang tadhana, kontra sa kasiyahan ko. "Sana makita ni Matthew ang babaeng makakapagpasaya sakanaya. Pag nakita kong masaya s'ya, magiging masaya na rin ako para sakanya at pwede ko na s'yang tawaging k-kuya." Hindi ko na napigilan ang mga luha ko, ng sabihin ko ang salita na yon. Hanggang ngayon, parang hindi ko pa talaga kaya na itawag yon sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD