Matthew
Bata pa lang ako, nararamdaman kong kakaiba ang pamilya ko, buo kami pero nararamdaman kong walang saya. Ni minsan hindi ko nakitang nagalit ang daddy kay mommy, pero hindi ko din nakitang ngumiti.
Sa lahat ng okasyon may regalo si daddy kay mommy, ngiti lang at thank you ang sagot ni mommy, pero halata mo na hindi sila masaya. Madalas kaming lumabas, dahil napipilit ko sila, kahit pareho silang busy sa trabaho, nakikita ko silang ngumingiti pero hindi ko makita at maramdaman ang pagmamahalan sa kanila.
Ni minsan hindi ko sila nakitang nag-away, pero hindi din naman naging sweet. Nung nagkaisip na ako, madalas ng umalis si mommy para magbakasyon. Pero ni minsan hindi nagreklamo si daddy.
Ibinibigay n'ya lahat ng gusto ni mommy. Pero kahit ganun hindi ko pa rin makita ang pagmamahal nila sa isa't isa. Ramdam ko na sobrang mahal ako ni daddy ganun din si mommy sa akin. Mahal na mahal ko sila, pero sa kanilang dalawa may kulang sa kanila, lalo na kay daddy.
Lumaki akong puno ng pagmamahal sa magulang ko, pero kulang pa ring sabihin na masaya ang pamilya namin. Naiinggit pa rin ako sa ibang na masaya ang pamilya. Kaya siguro lumaki akong malayo ang loob sa ibang tao.
Hanggang sa nakilala ko si Thalia, may kakaiba akong naramdaman sa kanya, hindi ako naniniwala sa love at first sight, pero ngayon parang gusto kong sabihin na na love at first sight ako kay Thalia.
Buti na lang may pagkamadaldal ito, nabanggit n'ya na under s'ya ni Ms. Cha. Ang bilis ko s'yang naitext para ipagpaalam na isasama ko munang magbreakfast si Thalia.
Noon ko lang din napansin sa sarili ko na nangingiti ako. Lalo na noong pagbantaan n'ya ako sa may elevator. Hindi ko na maiwasang maging masaya. Kaya gagawin ko ang lahat, para magustuhan ako ni Thalia.
Thalia
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ni Matthew at inilihim pa talaga sa akin na s'ya ang CEO ng kompanya kung saan ako nagtatrabaho. 'Sa ganda ko na ito, mukha ba akong hindi mapapagkatiwalaan.?" Tanong ko na lang sa sarili ko.
Tapos ngayon, magpapaalam na manliligaw? Nakakatanggap na ako ng bulaklak sa kanya noon, pero nagpaalam na manliligaw, and take note, kay mama s'ya unang nagpaalam para ligawan ako? Pwede naman sa akin.
Kaso si mama, ewan ko ba? Parang simula pa lang boto na kaagad, eh maniligaw pa nga lang. Pero medyo kinilig ako sa part na yon. Kaso hindi pa rin naman ako sigurado, syempre dapat ko pa ring isaalang alang ang puso ko.
Kasi ang love hindi talaga yan hinahanap, kusa yang dumarating, bigla mo na lang mararamdaman na mahal mo na pala s'ya.
Kaya sa ngayon enjoy ko na lang muna ang panliligaw ni Matthew, kailangan kong makasigurado kung para saan ang kilig na nararamdaman ko.
Ang ngiti sa mga labi ko pag nakikita ko si Matthew at ang saya na nararamdaman ng puso ko kailangan kong makasigurado. Kasi ang love once in a lifetime lang, parang Halley's Comet once in a lifetime mo lang makikita, nagiging visible lang s'ya sa earth every 75-76 years.
Kaya once in a lifetime mo lang talaga ito makikita.
"I can't imagine na tumagal ako ng 150 years sa earth ilang generation na ang lalampasan ko nun, panahon lang ni Adan and Eve?" Napakamot ako sa ulo ko. "Imagine dalawang beses kong makikita ang Halley's Comet, parang ayaw ko din, hehehe." Natatawa na lang ako sa sarili ko si Matthew talaga ang iniisip ko, ngayon comet na. Pero totoo naman ang love parang Halleys Comet lang, dumarating sa buhay natin, once in a lifetime.
Halos ilang buwan na rin buhat ng niligawan ako ni Matthew, palagi din s'yang dumadalaw sa bahay. Hindi nakakalimot ipagpaalam ako kay mama. Kahit naman hindi na ako bata, alam kung, ginagalang lang ako ni Matthew kaya ganun s'ya.
Alam niya na si mama lang kasama ko at wala akong kinilalang ama. Kaya siguro ganun na lang akong pahalagahan ni Matthew, na alam din n'ya kung gaano ako kamahal ni mama. Minsan pumapasok sa isip ko na sagutin na s'ya. Pero napapaisip pa rin ako kung handa na ba akong magmahal? Handa na ba akong sumugal? Handa na rin ba akong masaktan? Hindi naman sa sakit agad, pero kaakibat ng pagmamahal ang masaktan.
Pero kahit masaktan ka darating ang panahon, na mawawala ang sakit at kapalit noon ang maging masaya. Natigil ang pagmumuni muni ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Matthew.
"Hello Matt."
"Hi Thalia, sunduin kita maya sa department mo, labas tayo maya." Tanong pa n'ya
"Ha? Eh may lakad kami ni mama eh." Mariing pagtanggi niya dito. May lakad naman kasi talaga kami ni mama. Ngayon lang ako niyaya ni mama na magdate kami, kaya sayang naman kung hindi matutuloy para sa date pag-aaya ni Matthew.
"Ako ng bahala kay tita, sure naman mauunawaan n'ya." Pamimilit pa n'ya.
"Pero, ngayon lang talaga ako niyaya ni mama, tapos tatangihan ko pa." Napabuntong hininga na lang ako, parang gusto kong sumama kay Matthew, pero gusto ko din na makadate si mama. Minsan lang kasi yon, kasi pareho lang kaming busy kahit sa bahay lang trabaho ni mama.
"Next time na la....." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla ulit s'yang nagsalita.
"Basta i'll fetch you, after work. Bye Thalia." Hindi na n'ya ako hinayaang magsalita, bigla na lang akong pinagbabaan ng tawag. Ibababa ko na sana ulit ang cellphone ko ng bigla ulit itong tumunog..
"Ano Matt may nakalimutan ka pa bang sabihin?" Walang gana kong sagot, hindi naman n'ya kasi ako hinayaang maka hindi may lakad din kami ni mama.
"Matthew na lang ba ang naka save na contacts sa magandang binibini na kausap ko." Nagulat ako, sa sumagot sa kabilang linya, boses ni mama.
"Ah... eh... kasi mama, kabababa lang ng tawag n'ya akala ko kasi, may nakalimutang sabihin, hehe..." palusot ko kay mama sigurado akong aasarin lang ako ni mama, pero hindi naman ako nagsisinungaling di ba?
"Ay sus, yong totoo princess ko, may pag-asa ba sa puso mo si Matthew? Sa totoo lang, magaan ang loob ko sa bata na yon, pero nasa sayo pa rin ang desisyon, andito lang ako para sayo, mahal na mahal kita anak."
"Salamat ma, nga pala, bakit ka pala ma napatawag?" tanong niya sa ina.
"Oo nga pala Thalia, pasensya na ha, parang hindi matutuloy ang lakad natin ngayon, bigla akong pinagrereport ng boss ko, kaya need kong gumawa ng report, kahit naman dito lang sa bahay, napakadaming gawa, pasensya na baby." Mahabang paliwanag ni mama, na hindi ko alam kung sinadya ba ng pagkakataon, na pagbigyan si Matthew sa date namin.
"Ah,ok lang ma. Yang ma magpapaalam po ako, labas daw po kami ni Matt mamaya, puntahan daw po n'ya ako after work dito sa department ko, ok lang ba ma?" sagot niya dito.
"Syempre naman anak, total hindi naman tuloy ang date natin, pwede kayong lumabas ni Matthew, enjoy anak." Masayang pagpayag ng kanyang mama.
Hindi na ako pinagsalita ni mama, pero narinig ko ang impit na ngiti, na parang tili, bata lang? Parang bata talaga si mama. Naiiling na lang akong, ipinagpatuloy ko ang mga gawain ko, ng makatapos ako bago matapos ang oras ng trabaho.