Third Person
Dalawang linggo ang nakakalipas, mula ng makalabas ng ospital si Matthew, ay naging abala ang binata.
Mababakas sa mukha n'ya ang kasiyahan, na parang wala s'yang pinagdaanang, aksidente at kalungkutan.
Hindi pa n'ya nakikita si Thalia, pero sa pagkakataon na ito, sisiguraduhin n'yang magiging masaya din s'ya at ang nag-iisang babae na minamahal niya.
Abala si Matthew para sa nalalapit, niyang engagement. Engagement na matagal na dapat nangyari, pero dahil sa isang pangyayari, na inaakala nilang totoo, nagbago at nagulo ang lahat.
Pero dahil din sa pangyayari na yon, doon n'ya napatunayan, na makapangyarihan talaga ang pag-ibig.
Mapaglaro man ang tadhana, sabi nga kung kayo ang nakatadhana, darating ang panahon, na kayo talaga ang pagtatagpuin ng tadhana ano man ang mangyari.
Napangiti, na lang si Matthew, ng maalala n'ya ang pangyayari kung bakit masaya s'ya ngayon. Habang hinihintay si Ice sa isang coffee shop na hindi pumayag na hindi sasangkot sa balak nya.
FLASHBACK
Ilang oras ding, hinintay ni Matthew kung may papasok na Thalia sa kwarto ng ospital na kinalalagyan n'ya, pero walang Thalia na pumasok.
Makalipas pa, ang ilang saglit, nagpaalam na rin ang mama ni Thalia, na uuwi na muna sa hotel na tinutuluyan nila, sumama na rin si ninong Lucas para masamahan pauwi si tita Maria.
Si daddy at si mommy na lang ang ang kasama kong naiwan sa kwarto. Nang kausapin ako ni mommy.
"Son, kumusta na pakiramdam mo? Magpagaling ka kaagad, at sana mapatawad mo si mommy." Paulit-ulit na pangungumusta at paghingi ng tawad ni mommy.
Napatingin ako kay mommy, hindi naman kasi n'ya kasalanan na naaksidente ako. Pero pinakinggan ko lang ang mga sasabihin n'ya. Nakakapagsalita na ako, pero hindi pa kayang makipagkwentuhan.
"Matthew hindi ko kayang, nakikita ka na ganyan, malungkot at walang kabuhay buhay ang ipinaparamdam mo sa amin. Nandito ka nga, nakakausap namin at nakakasama, pero wala na ang masayahin at may pagkamasungit naming Matthew."
Natawa pa si mommy, para pigilan ang pag-iyak, nakikita ko na nagtutubig na ang kanyang mga mata, pero ramdam ko pa rin na pinipigilan n'yang umiyak.
"Sana mapatawad mo si mommy, sa lahat ng kasinungalingan na nagawa ko sayo, sa daddy mo kay Maria at kay Thalia."
Napatingin na lalo ako kay mommy ng may pagtataka, bago ko tingnan si daddy, na wala namang imik, na tinanguan lang ako, at tiningnan ako na parang sinasabi na pakinggan ko lang si mommy.
Tiningnan ko lang si mommy, bago ito nagpatuloy sa pagsasalita. Habang pinipigilan ang pag-iyak.
"Matthew sana mapatawad mo si mommy. Hindi mo kapatid si T-thalia." Sambit ni mommy na ikinatitig ko sakanya.
Napatulala ako kay mommy na parang nagtatanong. 'What!? Ano daw!?' Tanong ko sa isipan ko. Siguro na gets ni mommy ang mga titig ko, kaya nagpatuloy s'ya sa pagsasalita.
"I'm one week pregnant before ang birthday ng daddy mo. Isang pagkakamali lang ang lahat. Hindi ko sinasadya. Mahal na mahal ko ang daddy mo, pero girlfriend n'ya si Maria. Naglasing ako sa nalaman ko. Pero nang dahil na rin sa kapabayaan ko. Nagbunga ang isang gabing aking pagkakamali. Dahil invited kaming lahat, noon sa birthday ng daddy mo. Nakaisip ako ng isang pagkakamali ulit, doon na ako gumawa ng paraan para magawa ang plano ko. Pero maniwala ka anak, pinagsisihan ko ng sobra ang ginawa kong iyon."
Tuluyan ng umiyak si mommy, gusto kong magalit, pero gusto kung malaman ang katotohanan.
"Nang makaalis si Maria, dahil si Lucas ang naghatid sakanya, nilagyan ko ng pampatulog ang iniinom ng daddy mo, doon ko pinagmukhang may nangyari sa amin. Sinabi kong ok lang at walang makakaalam ng pangyayari na iyon kahit si Maria. Pero nalaman ni daddy ng lolo mo, na buntis ako. At doon naganap ang ikalawang plano, para akuin ng daddy mo ang ipinagbubuntis ko. Sinabi ni daddy na ipalaglag ang bata pero lahat ng yon ay palabas lamang, alam kong andoon na si Alfonso, kaya ng sasaktan ako ni daddy at ipalaglag ko ang bata, pumasok ang daddy Alfonso mo kung nasaan kami ng lolo mo at inako ang ipinagbubuntis ko."
Nagagalit ako kay mommy, pero may part na naaawa din ako dahil, asan ang tunay kung ama. Hindi na lang ako nagtanong at hinayaan na ipagpatuloy ni mommy ang kwento n'ya.
"Nagpakasal kami ng daddy mo, pero hindi ko alam na ipinagbubuntis pala ni Maria ang tunay niyang anak. Naging makasarili ako anak kaya sana mapatawad mo ako."
"Asan ang tunay kong ama? Sino s'ya?" Tanong ko kay mommy. Ngumiti lang sa akin si mommy bago nagsalita.
"Sa totoo anak, hindi ko alam, isang pagkakamali ang nangyari noon. Nasa America ako nong panahon na yon. Isang linggo bago ako umuwi sa Pilipinas dahil malapit na ang kaarawan noon ni Alfonso ng malaman ko na magkasintahan na sila ni Maria. Uminom ako, para mawala ang sakit, na nararamdaman ng puso ko. Doon ko nakilala si Marcus Escobar. At dahil sa kalasingan ko, nangyari ang hindi dapat mangyari."
Magtatanong pa sana ako, pero biglang pumasok si Ice. Na parang gulat na gulat. Hindi na s'ya nag-abalang bumati, at nagtanong na kaagad.
"Tita Lucilla, tama ba ang narinig ko, Marcus Escobar? Siya ang tatay ni Matthew? Siya ang nakasama mo noon sa bar? Hmmm" Wari mo ay nag-iisip. "Sobrang tagal na kasi mga mahigit thirty years ago na." Dagdag pa ni Ice.
Kahit kita namin ang pagtataka kay Ice, tumango na lang si mommy, at nagtanong.
"Kilala mo ba si Marcus Escobar?" Biglang tanong ni mommy ng, biglang ngumisi si Ice, pero ngisi na parang sobra s'yang nagalak, na parang may nakita na matagal ng hinahanap.
"So ibig sabihin anak si Matthew, nitong si Marcus Escobar, at hindi n'ya totoong ama si tito Alfonso?" Mangha pa ring nagtatanong si Ice, na ako naman ay totoong naguguluhan.
'Kung kilala ni Ice si, Marcus Escobar, ibig sabihin alam niya kung sino, at kung nasaan ang tunay kung ama.' Sambit ko sa aking isipan, habang nakatingin kay Ice, na parang tuwang tuwa sa mga nangyayari.
Tumango lang si daddy at si mommy na sobra ng nawiwirduhan kay Ice.
"Okay, bago kayong lahat mawirduhan sa akin, magpapakilala muna ako. Di ba magkaibigan tayo Matthew since college, alam mo naman di ba ang tunay kong pangalan di ba?" Tanong ni Ice na. Tumango lang ako bilang sagot at sinabi ko ang tunay n'yang pangalan.
"Knight Ice Escobar. E-escobar?" Nagulat din ako sa sinabi ko. "Escobar ibig sabihin..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng putulin n'ya ang aking pagsasalita.
"Tama, wag ka munang magsalita, baka makasama sayo, total na gets mo naman kaagad. Anak ako ni Marcus Escobar at matagal na n'yang hinahanap si Lucilla Tan, na hindi ko naman expected na ikaw yon tita, hindi din naman ako nakapagtanong. About kay mommy, alam din naman ni Matthew na ten years old pa lang ako ng nawala si mommy, dahil iginupo s'ya ng malalang karamdaman. Nakwento rin ni daddy ang pagkikita n'yo sa bar, noon pa lang nahulog na s'ya sayo. Pero nakaset na ang kasal ni daddy kay mommy gawa nina lolo kaya hindi ka na n'ya naipaglaban. Hinanap ka n'ya sa buong America pero hindi ka na n'ya nakita. Pero nang mawala si mommy, nagsimula ka na ulit n'yang hanapin. Pero bigo s'ya. Pero sa tingin ko magiging masaya na ang matanda kong tatay pag nakita ka n'ya at malaman na may anak kayo." Mahabang paliwanag ni Ice, ng biglang napatingin kay daddy, na bigla s'yang nahiya.
"Sorry tito, masyado lang akong naging masaya, alam ko pong kasal kayo ni tita Lucilla sorry po." Biglang napayuko si Ice, dahil nahihiya s'ya kay daddy sa mga pinagsasasabi n'ya. Nang magsalita si daddy.
"Wag ka ng mahiya, kahit naman ganito ang nangyari masaya akong may pagkakataon na maging masaya ang mga anak ko. Na ngayon wala ng hadlang sa kanilang pagmamahalan."
Masaya ako sa nalaman ko, kahit yong galit ko, biglang nawala at naliwanagan ako sa mga nangyari.
"Matthew nakapag desisyon na rin kami ng daddy mo ng annulment. Masaya akong pinatawad ako ng daddy mo at ni Maria. Gusto kitang maging masaya anak, yon lang ang magagawa ko, para maging maayos ang lahat."
Nagulat man ako, pero ramdam ko naman na magiging magkaibigan pa rin si mommy at daddy. Nagsalita muli si Ice.
"Totoo po bang maghihiwalay kayo tito, tita? Pwede ko po bang, ipakilala si tita sa matanda kong ama, na halos buong buhay, nagmukmok na lang ng nagmukmok sa buhay, dahil sa first love n'ya." Masayang sambit ni Ice, pero biglang, nahiya, na nagkamot ng batok, kahit hirap pa ako sa pagsasalita ay natawa ako kay Ice at nakapagtanong pa.
"Saan ka ba masaya? Malamang hindi kami magkapatid ni Thalia? Or half brother mo ako. O dahil maghihiwalay na si mommy at daddy?" Tanong ko kay Ice na halos masamid sa narinig.
"Sorry, tito, tita sa aking katalasan ng pagsasalita. Hindi naman talaga ako masaya na may maghihiwalay, pero masaya ako, kung bukal sa kalooban n'yo ang mga desisyon n'yo. Alam ko kung gaano kahirap para kay daddy na makasal ng walang pagmamahal. Pero kahit hindi nila mahal ang isa't isa, hindi pinabayaan ni daddy si mommy, lalo na ng nagkasakit ito. Hindi mo makikita na hindi nila mahal ang isa't isa sa pag-aalaga pa lang ni daddy. Kaya ng mawala si mommy, mas naging malungkot s'ya. Pero ngayong nakilala ko si tita Lucilla. Nagkaroon ako ng pag-asa na makitang muli ang saya ng tatay ko. Hindi siya nagkulang na iparamdam ang pagmamahal niya. Sana po hindi kayo magalit o magtampo sa inasal ko." Mahabang paliwanag ni Ice ng lapitan ito ni daddy at niyakap.
"Walang masama sa reaction mo. Ramdam kong naging masaya ka lang. Masaya din kami sa nalaman namin dahil sayo. Lalo na at wala ng makakapigil na kahit ano, o sino para maging masaya ang aking mga anak." Sambit ni Alfonso at tinitigan si Lucilla.
"Salamat Alfonso." Sambit ni mommy bago tumingin sa akin. "Patawad anak." Sambit pa ni mommy na kitang kita ang pinipigilan niyang pagluha.
"Hindi ako galit mommy, nagmahal ka lang, alam kong hindi mo sinasadya na makasakit. Kaya wag ka ng mag-alala." Nakangiting sambit ko. "Ice pwede ko bang makilala ang tunay kong tatay." Baling na tanong ko kay Ice.
"Oh, sure naman. Mas matutuwa iyon, pag nakita niyang muli si Tita Lucilla, tapos may bonus pa." Sagot ni Ice na ikinatawa naming bigla, ng maalala ko kung paano niya nalaman na gising na ako.
"Paano mo nga pala nalaman na gising na ako? Sure naman akong hindi nagkataon lang na bigla mo akong dadalawin ngayong oras na ito."
"Syempre gawa ng love interest mo s***h bestfriend ko, tinawagan ako, na gising ka na daw. Kaya nagmadali akong pumunta, kasi kaibigan kita, tapos ngayon eh, hehe, kuya na pala kita?" Sagot ni Ice, na ikinatawa naming lahat.
Napuno ng tawanan ang loob ng kwarto ng ospital, na nung una ay puro paghikbi ni mommy. Masaya ako sa nalaman ko, at ang galit ay nawala na sa puso ko.
Masaya ako sa nalaman ko ngayon. Hindi din masama ang nangyari sa akin, lalo na at ngayon, nabigyan pa ako ng isa pang pagkakataon para mabuhay. Nabigyan pa ako ng pagkakataon para maging masaya. Hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. Ang maging masaya sa piling ng akin minamahal.