Gustong sumabog ng puso niya habang pinagmamasdan mula sa malayo ang dalawang taong magkayakap. So , there she is ang babaeng sinasabi ni Jayda na nakita nitong kasama ang asawa niya at ang mismong babaeng tinatawagang " mahal" ni Van. Parang pinipiga at unti unting tinuturok ang puso niya sa sandaling iyon.
"Van, what have I done to you? Ano ba ang kulang sa akin at nakuha mo pang mambabae?" sigaw niya sa kan'yang isipan sa oras na iyon.
Hindi niya kayang makita sa gano'ng ayos ang asawa niya at ang babae nito. May natitira pa namang kaunting respeto sa pagkatao niya kaya pinasya na muna niyang lumabas sa lugar na iyon. She cried the moment she entered her car, hinampas niya ng paulit ulit ang manibela ng kotse niya. Hindi niya maiwasang hindi sumigaw upang makawala ang matinding sakit na nararamdaman niya sa sandaling iyon. Hindi niya maipaliwanag kung gaano kasakit at kahapdi ang nararamdaman niya sa oras na iyon, para siyang unti unting sinasakal.Hindi niya lubos akalaing magagawa ng asawa niya ang labis siyang saktan. Anibersaryo pa naman nila kahapon pero puro sakit ang tanging naramdaman niya.
Iniisip kaya siya sa sandaling ito ni Van? Whenever he held her close and embrace her, naiisip ba nito na may babaeng nasasaktan ?
Kinuha niya ang kan'yang cellphone and dialled his number.
" H-Hello, I'm still very busy.I will just call you if I'm free ." seryosong sambit ng asawa sa kabilang linya. Binato niya ang kan'yang cellphone . Hindi na niya mapigilang humagulgol.
"Tatlong taon na tayong kasal Van Lexus! Ipinagpalit mo'ko sa babaeng bago mo lang nakilala?"
Mabilis niyang pinaandar ang kotseng sakay niya. Hindi niya pansin na napakatulin na ng takbo niya pero alam niya kung saan siya tutungo ngayon sa itaas ng burol, kung saan lagi niyang tinatambayan. Alam ng mga kaibigan niya ang paborito niyang tambayan , its a hill sorrounded with big trees, an untouched forest. Dalawang oras ang biniyahe niya patungo sa lugar na iyon, tanaw niya ang naglalakihang mga puno sa ibaba ng burol. Napakainit ng sikat ng araw ngunit sa burol na iyon ay parang sobrang lamig na parang nasa Baguio lamang siya dahil natatakpan iyon at napapaligiran ng malalaking puno.
Ngayong alam na niya, hanggang kailan siya kakapit sa pagmamahal niya sa asawa? Lalaban pa ba siya? Syempre naman mas matagal na sila ni Van at siya ang legal na asawa nito kaya dapat lamang siyang lumaban. She loves him so much.Ito lamang ang tanging lalaking natutunan niyang mahalin.
Binunot niya ang kan'yang baril na nakatago sa loob ng jacket niya. Ikinasa niya iyon at walang habas na pinagbabaril ang mga malalaking puno sa ibaba. Gusto niyang ilabas ng lahat ng hinanakit niya, ang sakit at hapdi dala ng pagtataksil ng asawa niya. Mahal, ang tawagan ng dalawa. Tinagalog lamang ang tawagan nilang mag-asawa.
" Sige, ilabas mo lang 'yan!C'mon take my gun, kulang pa ang mga balang itinanim sa mga punong iyon! Naibsan na ba 'yang sakit na nararamdaman mo?"
Lumingon siya sa taong nagsalita sa likuran niya at tinutukan niya iton ng baril.
" Kate? Ano ang ginagawa mo rito?" tanong niya sa isa sa mga kaibigan niyang si Kate Green.Isa rin itong magaling na assassins na kasama nila sa Black State Empire. Ang Black State Empire ay binubuo ng mga magagaling na asassins na pinapadala sa iba't ibang bansa para sa top gun missions. Matagal na siyang hindi nakabalik, hinayaan na lamang niyang isipin ng organisasyon na patay na siya ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay kinuha siya at ang pamilya niya ng isa sa mga sikretong Mafia General ng bansa. Ginamit nito ang pamilya niya upang gawin ang isang misyon ngunit hindi natuloy dahil tinulungan siya nina Cathlea at Samara. They freed her from the General.
Kate lifted a black card in her hand." Maybe it's time for you to go back, lahat sila hinihintay si Black Crow."
Umiling siya." I can't Kate, you know why." aniya sa kaibigan.
" So, you will still be his plain wife after all he did to you? Wake up, Ela. May iba na siya.Tatlong buwan ko na siyang sinusundan, at sa loob ng tatlong buwan na iyon? I saw them together, everyday. You want to know more? Take this...." May ibinigay ito sa kan'yang isang puting card , pangalan iyon ng isang bar.Kinuha niya ang card na iyon at inilagay sa bulsa niya.
" Hindi na ako babalik, Kate. Siya ang pinili ko dahil mahal ko siya. Ayaw ko nang buhayin pa ang nakaraan ko!" aniya.
" Sige, but kapag darating araw na tuluyan ka nang masasaktan, just press this." iniwan nito ang black card sa malaking bato na nasa tabi nito.
" I think that will be useless dahil gagawin ko ang lahat para balikan ako ng asawa ko. Ako ang una niyang minahal at ako rin ang huli niyang mamahalin at hindi ang babaeng 'yon.I will f*ckin' kill her!" galit niyang sambit.
" Before you do that, think first Ela baka tuluyan kang kasusuklaman ni Van kapag ginawa mo 'yon!" makahulugang sambit ni Kate sa kan'ya.
Umiling siya at hindi na pinansin pa si Kate .
She will try to gain back his love again. She will try to pursuade him back. Bibigyan niya ng chance si Van Lexus , kailangan nitong iwan ang kabit nito bago pa siya tuluyang mawawala sa sarili at baka magagawa niyang burahin ang babaeng iyon sa mundo.
Umuwi siya pagkatapos niyang magwala sa burol na iyon. She tried to compose herself. Itatago na muna niya ang pagiging assassin niya sa harap ng mga taong nagkasala sa kan'ya. Kapag patuloy pa rin siyang dudurugin at pasasakitan ay saka na niya ilalabas ang tunay niyang pagkatao na nagtatago sa isang maamong mukha niya.
Susubukan niyang pigilan ang sarili. Kung nais niyang patayin ang babaeng 'yon ay walang kahirap hirap niyang magagawa iyon.Kapag hindi ito makikipaghiwalay sa asawa niya , siya nag magpapahiwalay sa mga ito.
She removed all her clothes and soaked her body in a warm tub. Susubukan niyang magrelax, kailangan niyang ikontrol ang galit 8niya. She will act as an angel kahit na gustong gusto na niyang pumatay ng tao. Nag-iinit na ang dugo niya, nangangati na ang kan'yang mga kamay .
Tumayo siya't binanlaw na ang kan'yang sarili, atsaka kinuha na ang robe na nakasabit sa gilid ng pinto.Nakarinig siya ng yabag na papasok sa kwarto niya. She saw her husband, he looked so exhausted.
Nilapitan niya ito at pinulupot ang braso sa leeg nito.She kissed him intensely, wala itong imik habang hinahalikan niya ito sa labi.Kahit na tinutusok ang kan'yang puso sa ginawa nito at pilit pa rin niyang tinuturuan ang sarili na maging matapang , at subukang kunin muli at ihatag pabalik ang pag-ibig nito para sa kan'ya.
" Love, I miss you!" malambing niyang sambit sa asawa.
She reached for his belt and tried to unbuckle it but he grab her arm." Baby, I'm so tired!" he said.
" Sandali lang naman Love, miss na kita please..." aniya but he is firm with what he said.
" I said I'm tired , Michaela!" bahagya siya itong itinulak sa kama at muntikan na siyang mabuwal.
" S-sige Love, magpahinga ka na."malungkot niyang sambit.
" Ikaw ba ang pagod Love o ang puso mo ang pagod nang mahalin ako?"
Malungkot niyang tinitigan ang asawa habang nakadapa ito ngayon sa kama. Ilang gabi na rin itong palaging puyat, siguro sa pag-aasikaso sa kasintahan nito.