Chapter 4-The Bar

1727 Words
"Sige m-mahal ihahatid kita mamaya sa bar. Just wait for me okay?I love you, Trish...." sagot ni Van Lexus sa kausap na babae sa kan'yang cp. Kasama niya ngayon sa office niya sina Blake at Bryce na pawang mga CEO rin ng mga namamayagpag na companies sa Asia. Nakakunot ang noo ng mga ito habang nakikinig sa usapan nila ni Trisha. " You asswipe! Sineryoso mo ang babaeng 'yon sa bar? Van Lexus, matagal na yun ah its about two or three months since you met? Huwag mong sabihin.....?" nakaawang ang labing tanong ni Blake sa kan'ya nang ibinaba na niya ang kan'yang cp. The three of them are best of friends since college kaya wala silang inililihim sa isa't isa. Tumango siya rito." I-I don't know why and how, pero tinamaan ako bro. " tanging sagot niya. " Damn you! May asawa ka na Lexus! Habang maaga pa putulin mo na 'yang relasyon mo sa babaeng' yon. May asawa ka na, think of Ela! She is a total package already bro, huwag mo namang sayangin! " dagdag pa ni Bryce. " Tsssk, pareho silang mahalaga sa akin. Pareho ko silang mahal. "seryoso niyang sambit " Loko mo bro! Isa ka sa pinakamatalinong businessman, isa kang Mondragon pero hindi mo man naisip ang tungkol d'yan sa babae mo! Mahal mo na kaagad? Three months, seriously? Let her go, focus on your wife. Someday, malalamaan 'yan ng asawa mo.Gusto mo bang magkakaproblema kayo ni Ela? " mahabang salaysay ni Blake, sa boses nito ay tila naiinis na ito sa nalaman mula sa kan' ya. " A-Ayusin ko 'to bro. "tanging sambit niya sa dalawa. " Dapat lang bro, isa lang dapat ang piliin mo sa kanila. But I suggest, go back to your wife. Matagal na kayong nagsasama and I think lust lamang ang nararamdaman mo kay Trisha. "Anas naman ni Bryce. " I will let her go kapag kaya ko na, for now hindi pa. Tinitimbang ko pa ang nararamdaman ko! "sagot niya rito. " Basta we warned you already! Ang sa amin lang, may asawa kang tao. May maaagrabyado kapag nambabae ka! " dagdag pa ni Bryce. Napailing na lamang siya sa mga ito. Hindi nga rin niya naiintindihan ang kanyang sarili kung bakit gustong gusto niyang protektahan si Trisha. Naalala niya noong unang gabi niyang nakilala ang babae sa bar. May nagtangkang bastusin ang babae at siya ang nagligtas sa dalagita sa gabing iyon. He was drowned by her looks lalong lalo na ang mga mata nito at mga makakapal na pilik mata nito. Natural ang ganda ni Trisha and he admits that in just a glance at her ay nabighani na siya sa ganda ng dalagita. Since then, gabi gabi na niyang binibisita ang babae sa bar. Hatid sundo niya ito hanggang sa naging silang dalawa na. Feeling niya ay bumalik siya noong high school siya na kinikilig kapag nakikita at nakakasama ang kan'yang crush. ----------- Alas otso na ng gabi nang dumating si Ela sa bar na tinutukoy ni Kate Green. Its an exclusive bar for VIP's no wonder nahanap ng babae ang kan'yang araw. Bumalik na ang babae sa pagtatrabaho nito sa bar after two weeks. Dalawang linggo na ring balik sa dating gawi ang asawa niya. Mag-uumaga na ito kung umuwi sa bahay nila leaving her so cold alone and missing him. She tried to reason out , para ibaling ang atensyon nito ngunit matigas ito, hindi pa rin nito nilulubayan ang babae nito. Napakalamig na aircon ang sumalubong sa kan'ya sa loob ng bar. May mga VIP rooms sa taas habang sa baba naman ay may mga mesa't upuan at sa gitna ay may elevated dance floor na may railings sa bawat sulok. Nilibot niya ang kan'yang mga mata sa paligid. He is somewhere out there in one of the private rooms of the bar. Ang sakit naman isipin na ito na ang palaging tambayan ng asawa niya , he changed because of that woman! Dati, he would always go home early para makasama siya nito every dinner kasi 'yun na nga lang ang time na nagsasama sila . But this past few months, palagi na lamang siyang mag-isang kumakain. How could he leave her alone just like that? Wala naman itong kaalam-alam na nagdududa siya because she is good at hiding jealousy . They were trained to keep emotions, to keep their tears. " Hi, ma'am may order na po ba sila?" isang malambing na boses ang narinig niyang nagsalita sa tabi niya.Muntikan na niya itong 'di mapansin dahil sa kan'yang pag-iisip ng malalim. It was here, the woman na kinababaliwan ni Van Lexus. Matamis itong ngumiti and her eyes is so enticing. Magandang babae ito , she looks so young . She wears a denim skirt and a white crop top .Nakaboots rin ito na talagang nakakaakit tingnan. " Hmmm wala pa Miss, what's your name by the way?" tanong niya rito. " T-Trisha po." sagot nito. " Just a bucket of light beer!" wika niya sa babae. Trip niyang uminom ngayon siguro kapag nalasing na siya ay makakalimutan na niya ang sakit at pait na ginagawa ni Van Lexus ngayon. Bakit nga ba hindi niya ginawa ito dati pa? Sa mga movies nga kapag broken ang isang tao dinadaan sa alak para makalimot. This will also help her fall asleep soundly,ilang gabi na nga ba siyang hindi nakakatulog ng maigi. " Noted ma'am!" sagot nito sa kan'ya. So that's the girl he is obsessed with now. Maganda ito, maganda naman siya. She is also blessed with a perfect shaped body pero ano ang wala siya na mayroon sa babaeng 'yon. Is she a boring wife? Mali nga ba na pinili niyang maging isang house wife? Maybe, she should be managing her father's company? Siguro, papel na lamang ang hawak niya bilang asawa ni Van Lexus. Inuuwian siya nito dahil siya ang legal na asawa. Anim na bote ang laman ng bucket at kasalukuyang nakatatlo na siya.Hindi niya alintana ang mapait na lasa ng beer dahil mas mapait pa ang pakiramdam niya ngayon sa babaeng sanhi ng pagbabago ni Lexus.Lahat ba ng mag-asawa ay nakakaranas ng ganito? Paano na surpass ng mga babaeng niloko ang asawa? What did they do? Did they chose to stay and endure the pain or just move on away from the people who hurt them?Their house is so silent, hindi na kagaya ng dati na masaya ang aura ng bawat sulok. oo nga, bakit hindi niya gagayahin ang asawa niya 'di ba? Bakit uuwi siya sa bahay and sit there waiting for him all night?So tonight, she will be enjoying herself! Kailangan niyang maibsan ang ginawang pagtataksil ng asawa niya. Ewan niya, kung ang ispiritu na ba ng alak ang dahilan kung bakit siya ganito mag-isip ngayon. She drank the last drop of beer in the bottle. Naghahanap pa siya pero hindi na niya kaya, the sorroundings is moving infront of her. Baka nga anumang oras ay masusuka na siya. But she still managed to sit there and watch that woman walking around and talking to different people.Maybe Van Lexus is occupying one of the VIP rooms up there. Umakyat siya sa itaas. Bawal man pero hindi siya nagpahalatang may hinahanap siya. Then, parang sinagot na kaagad ang tanong niya nang makita ang babaeng waitress na papasok sa isang VIP room. Sinundan niya ito sa likuran, trying to look relax and cool even though her heart is pumping rapidly. Para siyang nasa isang mission ngayon.Pero sa lahat 'ata ng misyon niya ay ito ang pinakamahirap. Her mission as of this time is to be ready to see things that might crushed her heart. Things that might torn her life apart pero kailangan niyang makita kahit na lahat na ng mga signs ng pangangaliwa ay nakita na niya sa asawa. Hinarang niya ang kan'yang kamay sa pinto para hindi iyon tuluyang sasara. Nakita niya si Van na nakaupo sa couch, lumapit ang babae rito. May inilapag ito sa mesang nasa harapan ng asawa niya at umupo ito sa tabi ni Van. He smiled at the woman as he saw her, something that he don't recently observed from him whenever she is with him. "Van, nakuha na ba niya ang puso mo?" sigaw niya sa kan'yang isipan. She wanted to cry but she can't. Ewan nga ba niya kung bakit ngayon pa lamang ay nakaramdam na siya ng pagkatalo. Nakaramdam siya ng panghihina. Tila ba nag-iinit ang katawan niya. Parang lalagnatin siya sa oras na iyon. Papasok sana siya sa loob ngunit nakita niya ang babaeng tumayong muli at naglakad patungo sa pinto, patungo sa kan'yang direksyon. She hurriedly hid from her. Narinig pa niyang babalikan lamang nito ang asawa niya. Sinundan niya ang babae sa likuran habang naglalakad ito. "Hi sexy! Can I take you out?" napahinto ang babae sa paglalakad nang makita ang dalawang lalakeng humarang rito. Mabilis siyang nagtago sa gilid at pinagmasdan ang babae. Bakit niya ito tutulungan? Hahayaan niyang bastusin ito ng mga kalalakihan, she deserves it. " Sorry po, hindi po ako bayarang babae. I am a waitress here at alam n'yo naman po siguro ang rules ng bar na ito 'di po ba?" dinig niyang wika nito. Lumapit ang dalawang lalake sa babae at sinubukang hawakan ang balakang nito pero hindi nagwagi ang dalawa. " Don't you ever touch her again or else maghihiram kayo ng mukha sa aso! She is mine. She is my fiancee at papatayin ko kung sino man ang hahawak sa mahal ko!" Namilipit sa sakit ang isang lalake nang bigla itong hinawakan ni Van Lexus at pinilipit ang braso nito. Tila ba natauhan rin ang isang lalake nang makita si Van. Definitely, tanyag ang asawa niya bilang CEO at kilala ang pamilya nito. Sino ang hindi makakakilala rito dahil isa itong Mondragon? The Mondragons established different businesses in the country. "Did those bastards hurt you?" Nag-aalalang tanong ni Van sa babae. He kissed her forehead, lips, cheeks and nose. Napasandal siya sa pader at dahan-dahang napaupo sa sahig habang walang habas ang pagpatak ng kan'yang mga luha. Is it time to confront them now? Paano kung harap harapan ipapamukha ni Van na mas mahal niya ang babae niya kaysa sa kan'ya na asawa? Makakaya ba niya? Hindi 'ata niya kayang marinig mula sa bibig nito na mas mahal nito ang babaeng pinagtanggol nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD