Chapter 2-Lies

1053 Words
Wala na sa tabi niya si Van Lexus nang magising siya kinabukasan . Tumayo siya upang hanapin ito sa labas ngunit wala na kahit na anino nito. Kinuha niya ang cellphone niya at binuksan nang may makitang isang mensahe na galing sa asawa. Something urgent came I need to tend to it immediately. Don't wait for me for dinner, I might go home very late.Take care of yourself! Nakatulala siya habang binabasa ang mensahe ng asawa. Nakalimutan nito ang pangako nito sa kan'ya and worst, naalala na naman niya nang nabasa niya kagabi sa cp nito. Mahal...Mahal ang tawag ng kung sinumang babaeng 'yon sa asawa niya. At ang isiping bigla na lamang umalis si Van Lexus ay nakakapagpatunay na maaaring totoo ang sinasabi ng pinsan niyang si Jayda. She changed for him. Simula nang iligtas siya nina Cathlea at Samara ay tinalikuran na niya ang pagiging asassin niya dahil gusto na niyang magkaroon ng pamilya at ng tahimik na buhay kasama si Van Lexus. She gave up everything for him and chosed to live a normal and simple life with him. Naging plain housewife siya, Van Lexus is innocent , wala itong kaalam alam tungkol sa pagiging asassin niya .Inilihim niya ang lahat rito. He thought isa lamang siyang simple at maamong babae but sa mundo ng mga assassins siya si Black Crow. Matagal siyang nawala sa mundo ng mga asassins dahil ang akala ng mga kasamahan at ng organisasyon nila ay patay na si Black Crow but they are wrong because she survived from that mission. She opened her phone's secret map. Kagabi may ikinabit siyang device para malaman ang whereabouts ni Van. Sino iyong makapal ang mukhang malakas ang loob na agawin ang asawa niya? She zoom the location, nasa isang morgue ang asawa niya. So, to the rescue pala kaagad ang magaling niyang asawa sa babae nito. Binuksan niyang muli ang secret attache case niya at kumuha ng isang maliit na baril na maitatago lamang niya sa loob ng jacket niya. No one is gonna mess with her, walang sinuman ang makaka-agaw sa mahal niyang asawa. Naligo siya at nagpalit ng damit. Nagsuot siya ng black pants, black sleeveless at black jacket. Nagsuot na rin siya ng kalo at black shades, first time niyang ulit magsuot ng ganito nong nagsama na sila ni Van Lexus ay iniba niya ang kan'yang pananamit, more lady like siya kapag kasama ang asawa. Sa itsura niya ngayon, sino ang mag-aakalang siya si Michaela? ----------------------------- VAN LEXUS " Trisha, mahal I am very sorry..." kaagad niyang niyakap ang kan'yang kasintahan nang makita itong nakatayo at umiiyak sa tabi ng kabaong ng ama. Kagabi, inumaga na sila ni Trisha sa pagbabantay rito, akala nila ay okay na ito ngunit bigla na lamang raw ulit inatake ang matanda at nabawian ng buhay. " Mahal.......wala na si tatay....." niyakap siya ng mahigpit ng dalaga. Trisha is just nineteen years old. Nakilala niya ang dalagita nang minsan ay imbitahan siya ng kan'yang mga kaibigan na sina Blake at Bryce sa isang bar. Waitress ito sa naturang bar at sa unang kita pa lamang niya sa dalaga ay nabighani na kaagad siya sa maamong mukha nito. Lalo na noong nakausap niya ang dalaga ay nabighani rin siya sa malambing na boses nito kaya simula noon ay palagi na niyang pinupuntahan ang dalagita sa bar hanggang sa natagpuan na lamang niya ang sarili na nahulog na rito at isang gabi nang ihatid niya ito sa bahay ay sinagot na kaagad siya ng dalaga. Tatlong buwan na ang lumipas simula nang maging silang dalawa ni Trisha pero wala itong kaalam alam sa totoong estado niya sa buhay , inosente ito na isa siyang bilyonaryo at may asawa na. Mahal niya ang asawa niya pero sa ngayon ay mas lamang ang nararamdaman niya kay Trisha. Parang nakakaramdam siya ng excitement sa tuwing makakasama at makikita ito. Ilang beses na ring may nangyari sa kanilang dalawa at aminado siyang napapabayaan na niya si Ela, ang asawa niya. Naaawa siya rito pero hindi niya pwedeng iwasan si Trisha lalo na't naibigay na nito sa kan'ya ang iniingatang puri nito. Umupo sila sa mahabang silya. Hindi na kasi iuuwi sa bahay ang labi ng ama ni Trisha .Siya ang gumastos sa hospital at hanggang sa bayad ng pagpapalibing ng ama ng kasintahan. Ang alam ng dalaga ay nagtatrabaho siya sa isang napakalaking kumpanya.Marami siyang plano para sa dalaga, gusto niyang pag-aralin ito, bumili ng bahay at lupa para sa pamilya nito upang hindi na magsiksikan pa ang mga kapatid at nanay nito sa maliit na bahay sa squatter. Sa ikaapat na buwang monthsary nila ay ibibigay na niya ang surpresa niya rito, nagpatayo siya ng isang cafeteria , mahilig magbake ng mga desserts ang dalaga at pangarap talaga nitong magkaroon ng cafeteria balang araw, para mapasaya niya ito sa monthsary nila ay susurpresahin niya ang kan'yang kasintahan. He is twenty eight while Michaela his wife is twenty five. Magkasintahan na sila ni Ela simula pa noong college sila pero naghiwalay sila ng ilang taon ngunit nang magkita sila ulit ay kaagad naman silang nagbalikan at kaagad rin niyang pinakasalan si Ela. She is really like a goddess, she got perfect body and matalino rin ito pero siya lamang talaga ang may problema. Nahulog siya sa isang batang batang dalagita at ngayon nga ay nakatali na siya sa dalawang babaeng parehong mahalaga sa kan'ya. " Mahal, huwag mo'kong iwan ngayong gabi please, kailangan kita, " naluluhang sambit ng dalaga habang yakap yakap pa rin siya.Nagmamakaawa ang mukha nito , begging him to stay. " Yes ..m-mahal sasamahan kita hindi kita pababayaan. " sambit niya rito. He is not ready to tell her na may asawa na siya. Natatakot siya na baka bigla siyang iiwan ni Trisha. " Salamat m-mahal....I love you so much! Ang sakit talaga ng pagkawala ni tatay.Ayaw kong makaramdam ng ganito mahal, ayaw kong masaktan...ayaw na ayaw kong may nawawala sa buhay ko, hindi ko kakayanin. Van , huwag mo akong ipagpapalit ha? Ipangako mo na ako lang ang mahal mo, okay?" wika nito. Napalunok siya't pinagmasdan ang maamong mukha nito na parang isang anghel na bumaba sa kalangitan. " Yes , Trisha... Hindi kita iiwan dahil mahal na mahal kita.I-Ikaw lang wala nang iba...." pautal niyang sambit habang niyayakap ang luhaang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD