Chapter 1- Cold

1075 Words
Hatinggabi na ngunit nakaupo pa rin siya sa dining table na mag-isa. Napakalakas ng ulan sa labas, nakikiayon siguro ang panahon sa agam-agam na nararamdaman niya ngayon. Third wedding anniversary nila ni Van Lexus Mondragon ngayong araw ngunit mag-uumaga na ay wala pa rin ang asawa. She tried to call his number but it's out of reach. Tinawagan niya ang secretary nito but Diane said that he left early at exactly 4:00 in the afternoon. Ilang buwan na ang lumipas simula nang maramdaman niya ang coldness ng kanyang asawa. They are best of friends since college. When they graduated, they decided to get married. 'Yun nga lang, wala pa silang anak hanggang ngayon. Ang sabi ng doktor niya, marahil ay sa sobrang stress. Pareho silang pinamanahan ng kanilang magulang ng negosyo. Van Lexus Mondragon, owns one of the largest private bank in the world. Panganay na anak ito ni Gordon Mondragon at Kuya nina Xia Jill Mondragon, Anton Chase Mondragon at Andy Mondragon. "Lexus, where are you!" she tried to call him again but he is still out of reach. Tears flow from her face this time, hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanila ni Van Lexus. Mahal na mahal niya ito at balang araw ay alam niyang magkakaanak pa rin sila. " Hello? " she answered immediately when an unknown number calls on her phone. "Ela,alam kong nakakadistorbo ako but there's something that you should know!" Jayda told her, boses pa lamang ay kilalang kilala na niya. Jayda is her cousin. "Cous! " tanging sambit niya rito. "Ela it's about Lexus.H-Hindi ba kayo okay? I mean your relationship, is there something wrong?" "No, wala naman. Why?" "B-Because, I saw his car two hours ago, pumasok ito sa may squatter area. S-sinundan ko siya, may babaeng bumaba sa kotse niya, I thought it was you but i-iba pala. Nakaakbay siya sa babae habang papasok sila sa loob. Ela, I think may babae siya at tingin ko, matagal na sila. " She took a deep breath first before she speaks. "Baka nagkakamali ka lang, Jay. Masyadong busy ni Lexus sa company niya at hinding hindi niya ako magagawang saktan." she tried to mend her trembling voice. Sa totoo lang ay nanghihina ang kanyang mga tuhod. " C'mon Ela, matalino ka. Goo see for yourself. I'll send you the address. Mabuti na 'yong ikaw mismo ang pupunta. To see is to believe. "anito. "Salamat sa concern cous' but Lexus will not do anything like that. Hindi siya gano'n, we both knew him since college right? Walang ibang babaeng na link sa kanya simula nang maging kami. " Hay naku, sige. Ikaw ang bahala, ang sa akin lang hangga't maaga ay putulin mo na ang relasyon nila. Ayaw kong balang araw ay tuluyan kang masasaktan." "Salamat, cous.."she said. Natapos na ang pag-uusap nila ni Jayda ngunit nakatulala pa rin siya at nasa tainga pa rin niya ang kamay at ang cellphone. Is it true? Baka naman, kaibigan lamang iyon ni Van Lexus. She trust him, alam niyang hindi siya lolokohin ng kanyang asawa. P-pero paano kung totoo na may ibang babae ang asawa niya? Matatanggap ba niya? Kakayanin ba niya? Tumayo siya at tuluyan nang nawalan ng gana. She cooked his favorite foods. May wine na para sa kanila,may kandila na malapit nang matunaw ngunit wala pa rin ang asawa. "Happy Anniversary to us mahal ko!" naluluha niyang sambit sa kawalan. Nagpalit siya ng damit na pantulog. Kahit hindi pa man inaantok dahil sa nabalitaan ay nagising ang lahat ng kamalayan niya. Tumunog muli ang kanyang cellphone, it was Jayda's text message. Pinasa nito ang address na sinasabi nitong babae ni Van Lexus. Kinuha niya ang isang attache case na apat na taon na niyang tinatago. Niyakap niya iyon, apat na taon na rin simula nang iwan niya ang BLACK STATE EMPIRE. Sa kauna-unahang pagkakaton, after four years ay binuksan niyang muli iyon. She saw her cellphone, gun and her files. Apat na taon siyang tumigil bilang assassin dahil pinili niyang magkaroon ng pamilya at magka-anak na muna. She saw a picture at the Black State Empire. Sampu silang babae pero ang ka-close niya dati ay sina Cathlea Valkyre Mondragon, Samara Bright, Tanya, Hope, at si Kate Green. Hinawakan niya ang kanyang baril at hinimas-himas iyon. Walang nakakaalam ang tungkol sa pagiging secret assassin niya. She's also a secret billionaire. Sadyang tumigil at nag lay low na muna siya. Nagfocus na muna siya sa company nila at kay Van Lexus. Bigla niyang tinuyo ang kanyang mga luha at dali-daling tinago muli ang attache case nang marinig ang mga yabag na papunta sa kwarto. "You're still awake, love!" "Yeah, h-hinihintay kita. Sa'n ka pala galing but inumaga ka na?" "I'm so sorry, nagkaroon ng emergency meeting sa company kanina." he said. She nodded. Ba't ang sabi ng sekretarya nito ay maaga itong umalis. Sino ang paniniwalaan niya? "Okay, k-kumain ka na ba?" "Yeah, busog na ako!" Nalungkot siya sa narinig buhat rito. "Nagluto ako ng mga favorites mo." aniya rito. "Really, bakit ka naman maglu---Oh my, baby I'm so sorry, I forgot! H-Happy anniversary my love...." he embraced and kissed her on her lips. Those we're cold kisses from him! Matagal na ba'ng ganito kalamig ang halik at yakap ng asawa niya? O sadyang tanga lamang talaga siya na hindi nararamdaman ang malamig na pakikitungo nito. Hindi niya namamalayan na naluluha na siya. "Oh f*ck please don't cry. B-Babawi ako, love..." nag-aalalang sambit nito. "Hindi ako papasok bukas, Ilalaan ko oras ko sa'yo love," anito. Tumango siya habang napapangiti at naluluha. "M-mahal k-kita." she said while embracing him tight. "Don't you ever do this to me again, Lexus. Ayaw kong masaktan, please huwag mo akong sasaktan!" she said while crying. Her voice seems as if she's begging him. "Of course, love..." tipid nitong sambit. They embraced each other 'til both of them fell asleep. She thought she' ll be able to sleep but she can't. Tumayo siya nang mapansin na umiilaw ang cellphone ni Lexus na nasa loob ng coat nito. Mahal, nasaan ka na? Si Tatay, isinugod ko sa ospital Nawindang siya sa nabasang messages. Naka-ilang missed calls rin ang numerong iyon, bagong bago rin ang mensaheng iyon. Suddenly, his phone rang again. Sinagot niya but she didn't talk.Umiiyak ang babae sa kabilang linya. "Mahal, w-wala na si Tatay, N-nasaan ka na ba?" She hurriedly dropped the call and put his phone back into his coat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD