"Gusto mong sumakay sa bangka?" tanong ni Sid sa kaniya habang naglalakad sila sa may buhanginan na nakapaa. Hawak ni Mari ang kaniyang sandals na suot kanina at sapatos naman ang hawak ni Sid na nakasunod sa kaniya. Lumingon si Mari sa binata na nag-aalok sa kaniya. "Hindi. Wala ako sa mood." Bumuga siya nang malalim. "Ang gusto ko lang gawin ay maglakad-lakad habang lumulubog ang araw." Nagpatuloy si Mari sa paglalakad. "Natatakot ka ba sa bangka?" nakangising tanong ni Sid sa kaniya na mabilis na naglakad patungo sa kaniyang unahan. Umiling si Mari. "Hindi rin. May wedding reception kami na pinuntahan noon tapos under water ang set up ng wedding." "Mahilig kang pumunta sa mga weddings?" pagtatakang tanong ni Sid sa kaniya. Tumango si Mari sa binata. Ano pa nga ba ang choice niya