Hindi napigil ni Mari ang kaniyang sarili habang tinutugon ang halik ni Sid na mas lumalim. Hindi na niya kayang kontrolin pa ang kaniyang nararamdaman. Hanggang sa kusang tumigil si Sid sa pagitan ng kanilang mapusok na halik. Tumingin ito sa kaniyang mga mata at ngumiti. "Gusto kita, Mari. Gustong-gusto kita..." namamaos na sabi nito bago muling sakupin ni Sid ang kaniyang mga labi. Doon rumehistro sa isip ni Mari ang mukha ni Karl. Paano kung masaktan ulit siya? Paano kung si Sid ang pinakamasakit niyang kabiguan sa pag-ibig? Naramdam ni Sid na hindi na siya tumutugon sa halik nito. Kusa na itong lumayo sa kaniya at sinapo ang kaniyang magkabilang pisngi. "Nabigla ba kita?" mahinang tanong nito. Umiling si Mari. "Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, Sid. Nakikipaghali