KINAILANGAN ni Sid na bumalik ng Tarlac dahil kailangan niyang kausapin ang tita ni Denise. Nasa pamamahay niya ito kagabi at galit na galit dahil nagsumbong si Denise tungkol sa hindi niya pagsagot sa mga phone calls ng kasintahan niya.
Palaging idinadamay ni Denise ang Tita Aura nito kapag may hindi sila napagkakaintindihan. Minsan pakiramdam ni Sid, may mga taong nakahadlang sa kanila ni Denise. Parang siyang nasasakal sa pakikiparelasyon niya dito.
Nasapo ni Sid ang kaniyang noo nang maalala si Mari. Ang dalagang iyon... na palaging nakakapagpangiyi sa kaniya. Magkabila silang dalawa pero sa tingin niya ay magkakasundo sila lalo na't naiintindihan na niya ang pinagdaraanan nito.
Nang matapos ang usapan nina Sid at Tita Aura ni Denise ay nakapag-isip siya ng mabuti. Hindi na niya kayang gawin pa ang ipinangako niyang kasal sa kasintahan. Nagdadalawang-isip na siya kahit na alam niyang mahal pa rin niya ito.
Unang dahilan ay ang panlalamig ng kaniyang relasyon kay Denise at ang ikalawa...
Si Mari...
Ang babaeng iyon... hindi siya mawala sa isip niya.
Palabas na siya ng kuwarto niya nang makasalubong niya si Manang Upe. Bitbit na nito ang basket na paglalagyan ng mga labahin nito ngayong araw.
"Sir, akala ko umalis na kayo kanina?" pagtatakang tanong ng matanda.
"Ah... dito na ho ako natulog. Hindi na rin naman ako makabalik ng Pangasinan kagabi dahil sobrang late na."
"Mabuti na lang talaga, sir, umuwi ka. Dahil baka naatake sa puso si Openg dahil sa malditang Donya Aura na iyon," pagsusumbong nito sa kaniya.
Bumuga nang malalim si Sid. Masungit talaga ang Tita Aura ni Denise dahil bukod sa matanda itong dalaga ay man hater din ito. Kaya walang nagtangkang nanligaw dito noon dahil ubod ng sungit at matapobre. Kuwento sa kaniya ni Denise na hindi niya alam kung totoo.
"Naku, pagpasensiyahan na lang ninyo, manang. Sige ho... aalis na ako." Iniwan ni Sid ang kaniyang cellphone sa kuwarto niya. Ini-off niya iyon para wala nang istorbo sa pagbabakasyon niya. Wala rin namang importannteng tatawag kun'di si Jared o kaya si Denise.
"Mag-iingat ka, sir," pahabol ni Manang Upe.
Masayang nagtungo si Sid sa kaniyang kotse. Ngunit nakita niya ang kaniyang bagong motor kaya iyon ang ginamit niya. Bago siya pumunta ng Isla Margarita ay naisip ni Sid na bumili ng kumpol ng bulaklak para kay Mari.
Wala naman sigurong masama kung bibigyan niya ng bulaklak ang dalagang kaibigan niya.
Red roses ang napili niyang ibigay kay Mari. Kumuha na rin siya ng isa pa para sa kaibigan nitong si Joaquin. Upang hindi isipin ni Mari na may meaning iyon...
Wala nga ba?
Nang makarating siya ng Isla Margarita ay hinanap kaagad ni Sid ang dalaga. Wala ito sa hotel room nito at wala rin si Joaquin. Tumingin si siya sa kaniyang relo, alas dose na ng tanghali. Baka kumakain ang mga ito sa restaurant.
Napangiti si Sid habang hawak ang dalawang bulaklak. Nagtungo siya sa restaurant ngunit wala roon si Mari. Hanggang sa maisipin niyang maglakad patungo sa hanay ng mga kubo. At nakita niya roon si Mari na may kausap na lalaki. Malalakas ang pagtawa nito habang kausap ang lalaking walang damit pang-itaas at nakamaong short lang. May itsura ang lalaki ngunit kung itatabi sa kaniya ay talampakan lamang niya ito.
Hindi na nagtuloy pa si Sid sa kinaroroonan ni Mari. Ibinigay niya sa ibang babae ang bitbit niyang mga bulaklak. Nagtungo siya sa kabilang kubo para marinig ang usapan ng dalawa. Lihim siyang sumulyap kay Mari na may hawak na barbeque na may isang hiwang karne na lamang sa stick.
"Ikaw ba may boyfriend ka na?" tanong ng lalaki kay Mari.
"Wala na..." malungkot na sabi nito sa kausap.
"Ha? Sa ganda mong iyan?" pambobola pa ng lalaki.
"Nadadaan ba sa ganda ang relasyon?" nakangising tanong ni Mari at sumandal sa inuupuan. "Alam mo naman ang mga lalaki, kaunti na lang ang matino."
Umubo ang lalaking kausap nito. "Isa na ako roon."
"Sabi mo e," anj Mari na parang sang-ayon pa sa sinabi ng lalaking kausap nito. Sa itsura nga ng lalaki hindi na ito mapagkatiwalaan e.
"P'wede ba kitang ligawan?"
Naubo si Sid sa tanong ng lalaki kay Mari. Sa lakas ng pag-ubo niya ay nakita niyang sumulyap ang mga ito sa gawi niya. Patay-malisya naman si Sid na kunwari hindi kilala ang mga ito.
"H-Hi?" bati niya kay Mari na kinawayan ito.
Naningkit ang mga mata ng lalaking kausap ni Mari. Nadismaya yata ito dahil sa ginawa niya.
"S-Sid? Kanina ka pa ba riyan?" malakas na tanong ni Mari. Lumipat ito ng upuan para mas maging malapit ang distansya nilang dalawa.
Tumayo si Sid at umalis sa kubong kinauupuan niya. Nagtungo siya sa kubo nina Mari at tumabi sa lalaking kausap nito.
"Sorry... naistorbo ko yata ang date ninyong dalawa," ani Sid na hindi maitago ang inis na nararamdaman.
Bakit ba siya naapektuhan? Kaibigan lang Naman niya si Mari.
"Hindi naman. Si Jayson nga pala, kaibigan ni Joaquin at dati kong kaklase noong highschool," pagpapakilala ni Mari sa kausap.
"Nice to meet you pare," pilit ngiting ani Sid at inilahad ang kamay kay Jayson.
"Manliligaw ka rin ni Mari?" diretsong tanong ni Jayson sa kaniya.
"Naku, nagkakamali ka, Jayson...magkaibigan lang kami ni---"
"Oo," sagot ni Sid na seryosong tumingin kay Mari. "Nililigawan ko nga si Mari."
Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa sinabi niya
"Kung ganoon... may the best man wins." Mahigpit na hinawakan ni Jayson ang kaniyang kamay.
Nagpaalam si Jayson kay Mari at sa kaniya. Habang naglalakad palayo ang lalaki ay siniko siya ni Mari sa tagiliran.
"Bakit mo sinabing nililigawan mo ako ha?"
"Ayaw mo ba no'n para malaman mo kung deserving ba talaga ang lalaking iyon sa iyo. Ako na ang bahala bilang kaibigan mo."
Pinamulaan ng magkabilang pisngi si Mari nang titigan niya ito sa mukha. Nagawi ang tingin ni Sid sa mapupulang labi nito parang namamgneto ang kaniyang katawan na ilapit ang mukha sa dalaga.
"Haler!" malakas na sigaw ni Joaquin.
Mabilis na lumayo sa kaniya si Mari at lumipat ito ng inuupuan.
"Nakaistorbo ba ako?" nakakunot noong tanong ni Joaquin.
Sabay silang umiling ni Mari ngunit hindi na napawi pa ang ngiti sa kaniyang mga labi.