Kabanata 5

1727 Words
Gabi na nang marating nina Mari at Joaquin ang Isla Margarita. Masaya ang mga staffs ng isla na sumalubong sa kanila. May fire dancers sa may tabing dagat at maraming mga nanunuod. May mga napansin si Mari na isang tao na nakaupo lang malayo sa kumpulan ng mga tao na nanunuod. Umagaw ang taong iyon sa kaniya ng atensyon. "Mari, halika na. Excited na akong makita ang hotel room natin. Grabe ang ganda rito para tayong na Boracay," bulalas ni Joaquin habang nakatingin sa paligid. "Magandang maging wedding place ito, Joaquin. Iyong masungit nating client, dito ang wedding reception niya. Maganda ang beach wedding, sariwa ang hangin na mula sa dagat at open space pa. Lalo na kung maraming bisita ang husband and wife," sabi ni Mari habang naglalakad patungo sa lobby. "Hay naku, Mari. Nandito tayo sa Isla Margarita para magbakasyon. At hindi para isipin mo ang mga kliyente natin, no. Alam mo, magpa-sexy ka. Isuot mo iyong pinakamaganda mong two piece para magpa-cute sa mga lalaking nandito. Pagkatapos ng vacation may jowa ka na, ganern." "Wala akong balak na ma-in love ngayong taon, bakla. Hindi pa buo ang puso ko para magmahal." Ibinaling niya ang tingin sa hotel receptionist. "May hotel reservations po kami from Miss Sassy Saavedra," nakangiting aniya rito. "Ah. Yes, ma'am. Here are your keys. Thank you for coming and enjoy our services," malapad ang ngiting sabi nito sa kanila ni Joaquin. "Thank you." Tinalikuran nila ang babae at ibinigay niya kay Joaquin ang susi nito. "Hotel number twenty three ka at thirty eight naman ako." "Ha? Bakit sobrang layo mo naman sa akin, Mari." Reklamo ni Joaquin sa kaniya. "Siguro dahil alam ni Miss Sassy na broken hearted ako. At mabuti na rin iyon para malayo ako sa iyo, Joaquin." Tinungo niya ang elevator at naiwan ang kaibigan na nakatingin sa hotel number nito. Nang makapasok si Mari sa hotel room niya ay bumungad sa kaniya ang magandang ambiance ng kuwarto. May sunflowers sa vases at sunflower din ang mga curtains. Karaniwan sa mga hotels ay plain ang kulay ng mga kurtina pero sa hotel na ito, puro bulaklak ang nakikita niya. Ibinaba ni Mari ang back pack niya sa couch na naroon. Magkasama ang living room at ang kama. May bathroom at dining area. Maluwang ang space at p'wede sa isang buong pamilya na mag-i-stay sa hotel. Free ang pagkain nila sa hotel, may isang linggo sila ni Joaquin para manatili sa Isla Margarita. Hindi niya kaya ang isang buwan na wala siya sa tabi ng kaniyang mga kapatid. Inihiga niya ang katawan sa malambot na kama. At saka muling bumangon para tumingin sa labas ng bintana. Kinuha niya ang kaniyang susi at nagpasyang mamasyal sa labas ng hotel. Bukas na lamang niya guguluhin si Joaquin. Naglakad-lakad siya patungo sa labas ng hotel. Sandali siyang umupo para tanggalin ang kaniyang sapatos na suot at bitbitin iyon patungo sa may dalampasigan. Nakatayo siya at itinaas ang kaniyang magkabilang kamay. Bumuga siya nang malalim at saka pumikit. Ang sarap ng hangin para siyang dinuduyan nito. Damang-dama niya ang malamig na simoy ng hangin. May tumikhim na lalaki sa kaniyang likuran. "Mag-isa ka rin ba?" tanong sa kaniya nito. Nilingon niya ang lalaki habang hinahayaan na maitangay ng hangin ang kaniyang maiksing buhok. Medyo madilim sa parte nila ng lalaki at hindi niya gaanong naaninag ang mukha nito. "May kasama ako. Excuse me ha!" mataray na sabi niya rito. Baka masamang tao ang kausap niya o hindi kaya ay may gawin itong masama sa kaniya. Tumawa ang lalaki sa naging reaksiyon niya nang bigla niya itong layuan. "Relax. Wala akong balak na masama sa iyo. Ako nga pala si Sid, mag-isa lang ako rito. Honestly, nandito ako para magbakasyon. Ikaw ba?" Hindi siya umimik. Feeling close ang lalaki sa kaniya. "Hindi ako nakikipag-usap sa taong hindi ko kilala. Excuse me ha." Tinalikuran niya ang lalaki na feeling close sa kaniya. Naglakad-lakad siya palayo habang bitbit ang kaniyang sapatos. May nakita siyang cottage at pumasok siya roon. May bucket sa ibabaw niyon na may nakasulat na free drinks. Nagbukas siya ng isang flavored beer at saka tinungga iyon. Itinaas niya ang kaniyang dalawang paa at itinukod ang tuhod sa kaniyang baba. Marami siyang nakikita na magkasintahan sa paligid. Naghaharutan, naglalambingan at nagsasabihan kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Tsk, ang mga lalaki. Puro sila paasa, mga lalaking magagaling lang sa umpisa. Muli siyang uminom ng alak. At nang maubos ay nagbukas pa siya ng isa. Naalala niya si Karl, kung paano niya ito minahal. At kung paano siya nito sinaktan sa kabila ng pagmamahal na inialay niya rito. "Napakamalas mo talaga sa pag-ibig," naiiling sa sabi niya sa kaniyang puso habang nakahawak siya rito. "Hindi ka malas... hindi mo dapat na iniiyakan ang mga lalaki. Makakahanap ka rin ng lalaking magmamahal sa iyo, mukha ka namang mabait." Nag-angat siya ng tingin at nakita niya ang lalaking kausap niya kanina. Ngayon ay kitang-kita na ni Mari ang itsura ng lalaki. Mukha itong mayaman, at guwapo. Mukha rin itong mabango at... macho. Ibinaba ni Mari ang tingin sa suot ng binata. Hot na hot ito sa suot na hawaiian polo at white shorts. Naka-tsinelas lamang ang lalaki habang papasok sa cottage. Umupo ito sa kaniyang tabi. Malayo ang distansiya nito sa kaniya. Kumuha rin ito ng beer at saka binuksan iyon. "Maganda rin itong gimik ng hotel. Libre ang drinks para sa mga broken hearted." "Ha?" Kumunot ang kaniyang noo. "Hindi mo siguro nabasa ang pangalan nitong cottage. Tambayan ng mga sawi." Tumawa ito nang malakas. Siraulo ba ito. Bumaba siya ng cottage at nakita niya ang nakasulat sa labas. Tama nga ang lalaki sa sinabi nito. "Wala akong pakialam sa pangalan ng mga cottage," naiinis na sabi niya rito. Inubos niya ang beer na hawak at nagbukas ulit ng isa. "Ano nga pala ang pangalan mo? Miss... short hair?" nakakunot ang noo nitong tanong sa kaniya. "At bakit ko naman sasabihin sa iyo ang pangalan ko. Alam mo kanina ka pa, e? Close ba tayong dalawa, ha?" "Teka lang miss. Hindi naman siguro masamang itanong ang pangalan mo. Bukod sa hindi ko naman iyan p'wedeng ipalit sa pangalan ko. Alam mo, huwag kang masiyadong mataray, miss. Nakakatanda ang sobrang stress." Sumandal ito sa upuan at itinaas ang paa sa lamesa. "Nandito tayo para mag-relax at hindi para humanap ng kaaway." "Pilosopo ka!" naiinis na aniya rito. Dahil sa inis at galit kay Karl ay pinagbuntunan niya ng sama ng loob ang isang bucket ng flavored beer na sampung piraso ang laman. Naubos niya iyon habang nasa tabi niya ang binata. "Ang lakas mong uminom." "Wala kang pakialam." Ibinagsak niya ang bote ng alak sa lamesa at saka tumayo pero bigla siyang natumba. Inalalayan siya ng lalaki at binigyan siya ng slice lemon para sipsipin. "Nakakatulong ito para mawala ang pagkahilo mo. Para ka kasing mauubusan ng alak, miss. May kasama ka ba, tatawagin ko siya. Hindi ka p'wedeng matulog dito." "Hoy!" Idinuro niya ito. "Huwag mo nga akong sermunan. Alam mo... ang mga lalaki pare-pareho lang iyan. Mgagaling lang kayo kapag nanliligaw kayo ng isang babae. Pagkatapos, ninyong mapasagutin at kunin ang mahalagang bahagi sa kanila. Iniiwan na lamang ninyo nang basta-basta. Siraulo rin kayong mga lalaki! Alam ninyo, sana hindi na lamang kayo ipinanganak sa mundo!" pasigaw na aniya rito. Narinig niya ang pagtawa nito. "Miss, hindi lahat ng lalaki ay katulad ng ex mo." Sinimangutan niya ito. "Baliw ka!" "Ano ba ang pangalan mo para--- Miss, Mataray." Tinapik nito ang kaniyang pisngi. Ipinikit niya ang mga mata. Gusto na niyang matulog... inaantok na siya at ang katawan niya parang pagod na pagod. Nginisihan ni Mari ang lalaki na tumatapik sa kaniyang pisngi. NAIILING si Sid habang nakatingin sa lasing na lasing na dalaga sa kaniyang tabi. Wala siyang choice kun'di bantayan ito kaysa naman hayaan itong mag-isa. Minabuti niyang humiga na rin sa bakanteng upuan ng cottage. May mga guards naman na naglilibot. At kung makikita ng mga ito ang mga basyo ng bote sa kanilang tabi ay malalaman kaagad ng mga ito na lasing sila. Habang nakahiga ay naalala ni Sid ang kaniyang kasintahan. Hindi na sila masaya ni Denise, hindi na katulad ng dati. Naalala niya si Denise sa babaeng kasama niya ngayon. Ang pagiging madaldal ni Denise kapag kasama niya. Ang mga kalokohan nilang dalawa. Lahat ng iyon ay nagbago mula nang ayain niya ito ng kasal. At magtungo ito sa ibang bansa. Damang-dama ni Sid ang galit ng babae sa katulad niya. Ang gigil nito dahil sa sakit nararamdaman nito. Humilik nang malakas ang babae. Natawa si Sid at napailing. She's different from other girls that he met. Mukhang may magiging kaibigan na siya habang nag-a-unwind sa Isla Margarita. KINABUKASAN ay nagising si Sid na mataas na ang sikat ng araw. Wala na ang babaeng kasama niya sa cottage pero may iniwan itong papel. Na ang nakalagay ay "Mari, ang pangalan ko. Salamat" itinupi ni Sid ang papel at inilagay iyon sa kaniyang bulsa. Naglakad siya patungonsa lobby ng hotel at tinungo niya ang kaniyang hotel room number thirty seven. Pagpasok niya roon ay ang paglabas naman ng babae na nakasama niya kagabi sa cottage. "Kapit-bahay pala kita," nakangiting sabi niya rito. "Good morning, Mari," bati niya sa dalaga bago siya pumasok sa sarili niyang kuwarto. Napansin niya ang pagsiko ng lalaking kasama nito na parang girly kumilos. Humiga siya sa kaniyang kama at saka muling pumikit. Inaantok pa siya dahil hindi siya nakatulog. Biglang tumunog ang kaniyang cellphone sa bulsa at kinuha niya iyon. Pagkatapos ay sinagot ang long distance call ni Denise. "Babe, I've been calling since yesterday.!" Bakas ang galit sa boses ni Denise. Bumuga siya nang malalim at umupo sa kama. "Tumawag ka ba para awayin ako?" "Babe, I'm just worried. Baka kung sino-sinong babae na lang ang---" "Damn it! Nagagawa mo pa talagang magselos? Denise, ikaw itong wala sa tabi ko. At aakusahan mo ako ng kung ano-ano." Ini-off niya ang kaniyang cellphone sa inis. Muli niyang ibinagsak ang katawan sa kama at nagpasyang matulog. Puro na lamang ito pagdududa. Tumatawag lamang ito kapag kakamustahin siya. At hindi nito binabanggiy ang kasal nilang dalawa. Nagmumukha na siyang tanga at patuloy na umaasa. Hindi na niya alam kung mahal pa ba talaga siya ni Denise o kung mahal pa ba niya ang kaniyang fiancé.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD