Kabanata 4

1029 Words
BINISITA ni Sid ang kaniyang auto shop sa Tarlac para tignan kung sapat pa ba ang mga stocks doon. Hindi naging maganda ang araw niya kahapon dahil sa kaniyang fiancee at sa babaeng empleyado ng Sassy Wedding and Events. Hindi pa rin kumukontak sa kaniya ang kaniyang nobya. Galit din siguro ito dahil sa ginawa niyang cancellation para sa appointment nila. Hindi niya na gustong maghintay sa wala. Napapagod na rin siyang intindihin ito at pakiramdam niya ay siya na lamang ang nagmamahal dito. Nasa office siya nang pumasok si Jared, ang kaniyang kasosyo sa negosyo niya. Mukhang galing ito sa gig kagabi dahil bitbit pa nito ang gitara at magulo ang buhok. Amoy alak ito at mukhang antok na antok. "Kumusta, bro?" tanong nito bago humiga sa sofa na nasa office niya. "Dito muna ako matutulog bago ako umuwi sa bahay. Kahapon pa ako hinahanap ni Sanya, ayoko muna siyang makausap." Ipinikit nito ang mga mata at saka siya napailing. "Bakit kasi hindi mo kausapin si Sanya. Tell her na gusto mo nang nakipaghiwalay sa kaniya. Hindi iyong ganito na nagtatago ka." Pinaikot niya ang ballpen na hawak at saka sumandal sa kaniyang upuan. Bumangon naman ito sa sofa at sumandal doon. "Alam mo naman kung gaano ka-war freak ang babaeng iyon, bro. Kakausapin na naman no'n si mama. At si mama sasabihin na naman na makipagbalikan ako kay Sanya... nakakasawa na." Binato niya ito ng ballpen. "Gago!" "Bakit kasi hindi ka na lamang umuwi ngayon. Kausapin mo sila, tell them na ayaw mo na sa kanila. Don't pressure yourself, bro." "Iyan ba iyong ginawa mo kay Denise?" natatawa naman nitong tanong sa kaniya. "No! She's doing her own decissions. Supportive akong fiance." Nagkibit balikat siya at ipinagpayuloy ang ginagawa. Tinawan naman siya nito at bumalik ulit sa pagkakahiga sa sofa. "Inaantok na ako, bro. Kausapin mo na lamang ako mamaya kapag nagising ako." Nagtaas ito ng kamay at tinalikuran siya. Bumuga siya nang malalim at napailing. Kailan nga ba magbabago ang playboy niyang kaibigan. Mukhang wala pang direksyon ang buhay nito. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang ginagawa. Inaayos niya ang mga label ng products nila at itinatatawag naman niya ang iba sa supplier para sa deliveries. Nang matapos ay lumabas siya sa kaniyang opisina at iniwan si Jared na tulog na tulog pa. Hindi na niya inabalang gisingin ang kaibigan dahil pagod ito at naiintindihan naman niya iyon. Sa labas ng office niya ay naroon ang kaniyang assistant. Ibinigay niya rito ang records ng mga supplies. Habang palabas siya ng kaniyang shop ay may napansin siyang babae. Nakasuot ito ng plain white t-shirt, jeans at slip on sandals. Habang nakasandal sa hood ng puti nitong kotse na tila may hinihintay. Umagaw ang attensiyon niya sa print ng t-shirt nito na ang nakalagay ay "Love is a LIE" napailing si Sid sa kaniyang nabasa. Marami pa rin pa lang sawi ngayon. Mayamaya ay tumunog ang cellphone niya habang nakatuon ang pansin niya sa babae. Tinignan niya ang screen ng phone niya at sinagot ang international call ni Denise. "Babe, next month na ako uuwi. I'm sorry, babe. I love you and I miss you." "Okay," matipid niyang sagot. Hindi nagsalita ang kaniyang nobya sa kabilang linya. Alam nito na hindi na niya nagugustuhan ang mga nangyayari. "Babe. I promise." Ulit pa nito na naglalambing ang tinig. "Yeah. Take care." Hindi na niya hinintay ang susunod na sasabihin nito. "I have an important meeting. I have to go," aniya bago ibaba ang long distance call nito. Ibinalik niya ang tingin sa direksyon ng babae kanina ngunit sumakay na ito ng kotse kasama ang isang lalaki na may dala-dalang maleta. Bigla tuloy niyang naisip na magbakasyon para makapag-unwind at makapag-isip ng tama. Patuloy ang ginagawang pagsermon ni Joaquin sa kaniya habang nakasakay ito ng kotse niya. Ngayong ang kanilang duty sa Tarlac para sa ibubukas na shop ng boss nilang si Miss Sassy. Siya ang ginawa nitong wedding planner trainor ng mga mag-aaply sa kanilang small company. "Ilang balde ang naubos mo kakaiyak kay Karl?" tanong nito sa kaniya habang nakasandal sa upuan at nakahalukipkip. "Aba! Malay ko, hindi mo sinabi para isinalok ko sana." "Ano na ngayon ang magiging plano mo? It's either maging ninang sa baby nila o maging abay sa kasal nila?" "Naging tanga ako sa pag-ibig, alam na alam ko iyon. Pero hindi mo ako masisisi dahil sinubukan ko lang na magmahal... sinubukan ko lang na maging masaya. At kung ganiyan ang sasabihin mong bakla ka... better to keep your mouth shut. Hindi ko pa naranasan na itapon ang kaibigan ko sa ere." Tinignan niya ito ng masama. "Concern lang naman ako sa iyo, Mari. Bakit ba napaka-hot mo?" Umikot ang mga mata nito. "Imbes na prinoproblema mo ang buhay ko, bakla. Ano kaya kung tignan mo iyong mga ipinasang resume ng mga aplikante natin. Kung hindi lang talaga nakiusap si Miss Sassy sa akin hindi ko ito gagawin. Hindi na part ng pagiging wedding planner ko ito, a." Bumuga naman ng malalim si Joaquin. "Sinabi mo pa pero ngayon lang naman, e. Bukas balik na ulit tayo sa bakasyon. Teka nga." Nilingon siya nito na nakataas ang isang kilay. "Sasama ka ba sa Isla Margarita o pass ka na naman?" "Ayoko sana pero pinilit ako ng kapatid ko. Gusto naman niya na maging masaya ako kahit sandali. Ayoko na nakikita ng mga kapatid ko na mahina ako. Ayoko na pati sila maapektuhan sa nangyayari ngayon sa buhay ko. Alam mo iyong broken family na nga kami tapos ako... broken hearted pa. Sa totoo lang ayoko nang magmahal, paulit-ulit na lang akong nasasaktan, e. Siguro tatanda na lamang akong mag-isa o kaya magpapabuntis para lamang magkaroon ng anak. iniisip ko ang mga iyon, bakla." Bumuga siya ng malalim at tumingin dito sandali. "Ipinanganak na yata akong sawi." Ibinalik niya ang tingin sa kaibigan na matamang nakikinig sa kaniya." "Bruha! sabi mo nga sinubukan mo lang na magmahal. At sumugal ka sa pagmamahal na inakala mo magtatagal." Nasapol ang puso ni Mari sa sinabing iyon ng kaniyang kaibigan. Tama naman ito dahil kapag nagmamahal siya halos ibigay na niya ang lahat... hindi siya nagtitira para sa kaniyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD