Hindi alam ni Sid kung tama nga ba ang ginagawa niya. Gusto niya si Mari pero hindi pa niya ito lubusang kilala. Nag-aalala siya para rito at hindi niya ito gustong makita na nahihirapan.
Kahit na ilang araw pa lamang niya itong nakakasama ay nagiging malapit na ang dalaga sa kaniya. Gusto niya ang pagiging masungit nito ay diretsong kausap. Naaliw siya sa kakaibang experience nito pagdating sa pag-ibig.
"Sorry. Nag-alala lang talaga ako sa iyo, Mari," ani Sid sa dalaga na halatang umiwas sa kaniya.
"Pasensiya na rin dahil naitulak kita. Wala ka namang dapat na ipag-alala sa akin. Hindi naman kita boyfriend." Tumawa si Mari sa sinabi nitong iyon at naunang naglakad patungo sa cottage na malapit lamang sa ginanap na kasal.
"Kilala mo ba ang ikinasal?" tanong ni Sid dito.
Umiling si Mari at malapad na ngumiti. "Hindi pero masiyado akong friendly kaya naimbita ako. Maraming ikinakasal ngayon... marami ring mga gustong ikasal pero hindi naman naikakasal."
Malalim ang sinabi nito na hindi niya lubos na maintindihan.
"Ibig mo bang sabihin na gusto mo ring ikasal?"
Tumango si Mari at nalungkot. "Gusto kong magkaroon ng pamilya... may inaalagaan na asawa... may mga anak na inaaruga at gusto kong matawag na Nanay o Mama. Alam mo iyon... pangarap ko ang magkaroon ng masayang pamilya pero..." Bumuga nang malalim si Mari. "Mailap sa akin ang pangarap na iyon. Nagkahiwalay ang parents ko, naiwan sa akin ang mga kapatid ko at ako na ang tumayong magulang nila. Nagkaroon nga ako ng boyfriend na tumagal naman ng taon pero... nagawa pa rin akong lokohin."
Pareho sila ni Mari gusto na rin niyang magkaroon ng sariling pamilya. Pero masiyado pang busy si Denise sa pamilya nito kaysa sa relasyon nilang dalawa.
Humanga si Sid kay Mari nang malaman na ito ang bread winner ng mga kapatid. Isang ideal na katangian ng isang babae na hinahanap niya.
"Marami namang lalaki riyan na handa kang mahalin... handa kang alagaan at pakaingatan."
Nilingon siya ng dalaga at saka umiling. "Wala akong kilalang lalaki na matino, Sid."
Nagdilim ang kaniyang anyo sa sinabi nito. "Hindi ako matino kung ganoon?"
"Wala akong sinabi, Sid. Huwag kang masiyadong defensive. Eh, ikaw... mukha kang mayaman at sa tingin ko mayaman ka nga talaga. Tingin ko rin may girlfriend ka hindi lang isa... kun'di marami sila."
Tumawa siya sa sinabi nito. "Hindi ako mayaman... may sarili lang akong business. At wala rin akong maraming girlfriend."
Umiling-iling si Mari sa kaniyang sinabi. "Ganiyan ang mga linya ng mga lalaki na madalas manloko."
Nilapitan ni Sid si Mari at tinitigan sa mga mata nito. "Sa tingin mo niloloko kita?"
Lumunok ang dalaga habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Nagawi ang kaniyang mga mata sa nakauwang na labi nito. Hindi niya alam kung bakit namamagneto siyang lumapit pa sa dalaga.
Pumikit si Mari habang dahan-dahan niyang inilalapit ang mukha rito. Hinagkan niya ang mga labi nito at hindi niya inakala na magugustuhan niya ang lasa ng labi ng dalaga.
Tinugon ni Mari ang kaniyang halik. Lasang-lasa niya ang alak na ininom nito. Inilagay ng dalaga ang dalawang kamay sa kaniyang balikat at hinaplos ang kaniyang alun-alon na buhok.
Nag-init ang katawan ni Sid at gusto niyang angkinin ang dalaga. Binuhat niya ito at dinala sa loob ng cottage nagkatitigan ang kanilang mga mata ay nagulat siya nang tumawa si Mari.
"Gusto mong maglaro ng apoy?" nakangising tanong nito at itinulak siya.
Idinistansya ni Sid ang kaniyang sarili sa dalaga. "I'm sorry. Akala ko kasi..."
"Akala mo kasi gusto ko?" Tumawa pa rin ito nang malakas. "Sid, hindi dahil tinugon ko ang halik mo gusto ko."
"Ibang klase ka talaga, Mari." Sinapo ni Sid ang noo niya at tumingin sa nakangising dalaga na nakapikit habang nakasandal sa upuan ng cottage.
"Sa tingin ko playboy ka... o baka isang babaero. Nandito ka sa Isla Margarita para---"
"Hindi mo ako kilala para sabihin na babero ako at---"
Hinila ni Mari ang necktie na suot niya. "Hindi nga kita kilala pero alam kong kumilatis ng tao. Sabihin mo nga sa akin kung bakit mo ako hinalikan?"
Humigpit ang brief na suot ni Sid may gustong kumawala sa loon niyon.
"Dahil gusto ko... hindi ko alam... gusto kitang halikan." Lumunok si Sid at tumingin muli sa mga labi ni Mari.
Iyon na yata ang mga labi na hindi niya pagsasawaang halikan.
"Dahil gusto mo?" mahinang tanong ni Mari at inilapit ang mukha sa kaniya. "Hindi iyon dahilan para halikan mo ako." Binitawan siya ni Mari at tumayo ito. "Babalik na ako sa hotel room ko. Huwag mo na akong lalapitan, Sid. Hindi ako nakikipaglaro... masiyadong sensitive ang puso ko para masaktan."
Pinigil ni Sid si Mari at hinawakan ang kamay ng dalaga. "Paano kung sabihin ko sa iyo na gusto kita... maniniwala ka ba?"
"Gusto mo akong... makatalik?" Umiling-iling si Mari at itinaas ang isang kamay. "Tsk."
"Gusto kita... attracted ako sa iyo. Hindi ko alam pero gusto kita. Siguro dahil may qualities ka na hinahanap ko sa isang babae."
"Wala ka bang girlfriend para sabihin sa akin iyan?"
Bumuga nang malalim si Sid. Kung sasabihin niya rito ang totoo iiwasan siya ni Mari.
"Wala..." mahinang sagot niya rito.
"Nagsisinungaling ka," mabilis namang sabi ni Mari.
"Hindi kita pinipilit na paniwalaan ako." Nagseryoso si Sid at tumitig sa mga mata ng dalaga. "P'wede bang maging magkaibigan tayong dalawa?"
Sandaling hindi nagsalita si Mari bago ito pumayag. "Friends... with benefits?"
Tumawa si Sid sa biro sa kaniya ni Mari. Muli itong umupo sa cottage at tinanggal ang sandals na suot.
"Kung p'wede lang na mag-stay ako rito ng matagal... gagawin ko."
Tinabihan ni Sid ito sa pag-upo. "Bakit hindi mo gawin?"
"Hindi p'wede... marami akong trabaho. Ikaw ba? Bukod sa pagiging playboy mo at pakikipagkaibigan sa mga babae na hinahalikan mo, ano ang trabaho mo?"
"Playboy ba talaga ang tingin mo sa akin, Mari?" seryosong tanong ni Sid. Napipikon na siya sa pagtawag nito sa kaniya na playboy. Kahit na on and off ang relasyon nila ni Denise ay hindi niya nagawang makipagrelasyon sa ibang babae.
Pero iba si Mari... iba ito sa mga babaeng nakilala niya.
"Medyo. Iyon kasi ang nakikita ko pero kung mali ako pasensiya na."
"Ikaw ba?"
Ngumisi sa kaniya si Mari. "Itatanong mo ba kung playgirl ako? No. Isang lalaki lang ang minahal ko at iyon ang ex kong gago. Maliban sa mga ex ko na mas nauna pa sa lalaking iyon. At hanggang ngayon... kahit na niloko ako ng gagong iyon mahal ko pa rin siya. Pero ganoon talaga ang kapalaran ko e. Ang mahalin, ang lokohin at paiyakin nang paulit-ulit. Siguro nga ipinanganak na lang ako na masaktan... at tumandang dalaga."
"Tumandang dalaga? Wala sa itsura mo. Maganda ka Mari."
Hinawi nito ang maikling buhok. Madaldal na ito dahil sa ininom na alak bago pa man sila mag-usap.
"Salamat."
"Mahal mo pa rin ba ang ex mo?"
Ngumiti si Mari at saka umiling. "Minahal ko noon. Alam mo ba na seryoso akong magmahal... 100 percent kung magtiwala ako sa mga lalaki na minamahal ko. Hanggang sa nakakalimutan ko nang mahalin ang sarili ko."
"Gago nga talaga ang ex mo, Mari. Sino ba siya?" Nanggigil bigla si Sid dahil sa lalaking ex nito na gusto niyang suntukin o 'di kaya ay bugbugin.
"Sinabi mo pa! Hayaan mo na lang siya... kailangan siya ng magiging anak niya."
"You mean?"
"Nakabuntis siya... at ang masakit sariling bestfriend ko pa," malungkot na pagkukuwento nito. Muli itong tumayo at binitbit ang sandals na tinanggal nito. "Pupunta na ako sa hotel room ko."
"Ihahatid na kita," anyaya ni Sid sa dalaga.
Pumayag si Mari sa kaniyang alok. Inihatid niya ito sa hotel room nito ngunit nagulat si Sid dahil magkatabi lamang pala ang hotel room nilang dalawa.
"Magkatabing room lang bpala tayo." Nagkamot ng ulo si Sid at itinukod ang isang kamay sa pinto.
Namilog ang mga mata ni Mari. "Coincidence nga talaga... friend."
Binuksan ni Mari ang pinto at tumingin sa kaniya. "Isang katok mo lang ako kung kailangan mo ng kausap. Sa ngayon hindi ako available dahil kailangan kong matulog." Ngumiti si Mari bago isara ang pinto ng kuwarto nito.
Bumuga nang malalim si Sid at nagpasyang pumasok na rin sa kaniyang kuwarto. Humiga siya sa malambot na kama habang nasa isip niya ang nangyari kanina sa kanila ni Mari.
Tumunog ang kaniyang cellphone at kinapa niya iyon sa kaniyang bulsa. "Hello," matabang na sabi niya.
"Babe, kanina pa ako tumatawag sa iyo pero hindi ka sumasagot. Busy ka ba? Nagtatampo ka pa rin ba dahil hindi ako natuloy na umuwi at kailangan kong mag-stay pa rito kina Mom at Dad."
Napawi ang ngiti sa mga labi ni Sid. "Sorry. Busy lang talaga ako ngayon."
"I love you," malambing na sabi ni Denise.
Hindi sinagot ni Sid ang paglalambing sa kaniya ng kasintahan. Pinutol niya ang long distance call nito at saka inihagis ang kaniyang cellphone sa tabi niya.
"Nakakapagod ka nang mahalin, Denise," mahinang ani Sid.
Gusto na niyang putulin ang relasyon nila nito ngunit madi-dissappoint niya ang mga magulang ni Denise na tumulong sa kaniyang negosyo.