CHAPTER FOUR

1397 Words
CHAPTER FOUR Siam Alonzo KAHIT NA alam kong sa eskwelahan ko na-misplace ang aking notebook, halos itaob ko pa rin ang aking apartment kakahanap dito. GG, mamsh. Hindi ko tuloy naipasa ‘yong manuscript sa editor ko, lintek. Lahat ng details, prompts ideas, dialogues, drabbles and dues ng mga old and new stories ko ay naroon sa itim na notebook na ‘yon. Doon ko rin sinusulat 'yong mga scene ideas ng isang story. Nang mapagod ako sa kahahanap, napaupo na lang ako sa gilid ng aking kama at napa-facepalm. “Saan ka ba napunta?” bulong ko sa sarili. Muli kong binalikan ang mga nangyari sa buong araw ko. At sa hindi malamang dahilan, lumitaw sa memorya ko si Sir Neu na may hawak ang kaliwang kamay nito na isang itim na notebook. Napalunok ako sa kaba sa isipang baka ito ang nakakita o nakapulot sa gamit ko. Harujusko! Huwag naman po sana! I gulped at the thought. Tanggap ko pa kung si Yesza ang nakapulot no’n. Makakaya ko pa ‘yong pagfa-fangirl niya pero Sir Neu? Jusko! Hindi ko makakaya ‘yong kahihiyan na mararamdaman ko kung sakaling i-approach ako nito at interogahin tungkol sa mga nakasulat doon. Baka iyon pa ang maging dahilan ng pagkasuspende ko bilang guro. Ayokong makita ang sarili sa daily news. Newsflash! Moral values teacher ng Bleu Academy, na-suspende dahil sa umano’y isang erotic-romance writer pala! ‘Tapos, maba-bash ako. Kung ano-ano sasabihin ng mga tao sa’kin. Parang ganito: “Moral values teacher? ‘Tapos bata pa ang tinuturuan? Grabe! Ano’ng tinuturo niya sa mga bata?” “Imbis na mabuting asal, baka malanding asal pa ang ituro.” I sighed. I hate overthinking pero hindi ko maiwasang isipin ang mga possibilities. ‘"THE f**k is this, Mr. Alonzo?!” Halos mapatalon ako sa bulyaw ni Sir Neu. Ipinakita niya ang notebook sa’kin–ang hinahanap kong notebook. Magkasalubong ang mga kilay niya at galit na nakatitig sa’kin. I hitched an air to breathe as my chest started to puff up due to pressure and nervousness. My palms start to sweat and shake. I felt a dry lump in my throat, I gulped. “Sir, ano po... I-I’m an erotic writer and I wrote my details on that notebook.” I could feel my heart wanting to jump out from my chest. “Do you have any idea how your damn profession affects my staffs, my students, and my school?!” Napakislot ako sa aking kinatatayuan nang ibato niya ang notebook ko kung saan parte ng office niya. Lalong nadagdagan ang takot sa puso ko sa lakas ng bulyaw niya. Nangilid ang mga luha ko sa sunod niyang sinabi. “You’re fired, Mr. Alonzo! You’re fired!” Kasabay ng pagdilat ng aking mga mata ang mabilis kong pagbangon ng upo. Agad kong inilibot ang aking paningin. Nasa mismong apartment ako, sa kwarto ko. Nakaupo sa kama habang dama ko ang t***k ng aking puso at ang pawis na namuo sa aking noo pababa sa aking leeg. Panaginip lang pala. Pinatong ko aking palad sa kaliwang dibdib ko at tumingin sa orasan na nakapatong sa bedside table ko. Alas dos pa lang ng hating gabi. My dream seems so real. It felt real. Parang narinig ko talaga ang boses ni Sir Neu nang sabihin nito sa panaginip ko ang katagang, “You’re fired!”. Sa lakas ng pagkaka-bulyaw niya, iyon ang gumising sa’kin mula sa bangungot. I bend my knees and place my forehead on it. I gripped onto my hair as I groaned in frustration. What if he really is the one who has found my notebook? What if he already knew my secret and tell it to everyone? Or what if gamitin ni Sir Neu iyon sa pambo-blockmail sa’kin? Lintek! Dalawang taon akong nag-ingat, ngayon pa ako pumalya! Bangag na naghanda ako para sa panibagong araw ng pagtuturo ko. Nang magising ako kaninang alas dos, antok na antok man, hindi na ako nakatulog pa. Well, I tried to at least take a nap but when I closed my eyes, ang galit na galit na mukha ni Sir Neu ang nakikita ko. Kaya heto ako, kulang na nga sa tulog, kabado pang pumasok. Laman ng isip ko ay si Sir Neu at ang aking notebook nang makarating ako ng eskwelahan. At hindi ako sa faculty room dumiretso kundi sa Class 3-C. Baka sakaling, naroon lang ang hinahanap ko. “Good morning, Sir Siam!” masiglang bati ng ilang batang estudyante sa’kin. Binigyan ko lang ang mga ito ng isang maliit na ngiti bago dumiretso sa teacher’s table. Hinalughog ko ang maliit na drawer nito ngunit wala. Tumingin ako sa ilalim ng table, sahig lang ang nakita ko. Bago ako lumabas ng room, nagtanong-tanong muna ako sa mga Class 3-C students kung may napansin ba silang itim na notebook. Ang sagot nila, wala po, sir. Napabuntong hininga ako. It is such a relief na hindi primary students ang nakapulot no’n. Ang nag-lo-lock lang naman ng lahat ng pinto sa Bleu Academy ay si Mang Ed. So, posible siya ang nakakita no’n pero malabo. Kung si Mang Ed, kahapon pa sana nito isinauli iyon. Shete! Wala akong ibang culprit ngayon kundi si Sir Neu. That black notebook he was holding yesterday... And that dream... Iwinaglit ko lang ang pagiisip nang magsimula ang unang klase ko sa mga bata. At ni-resume ko lang ang pakikibaka ko kay brain nang mag-lunch. Sorry kay Yesza pero hindi ako makapakinig sa kinukwento niya. Sir Neu and my missing notebook makes my thought gone praning. Pakiramdam ko para akong masusuka sa pressure sa thought na si Sir Neu ang nakapulot no’n. I’ll start digging my own grave then if he was. Mabuti na lang, hindi nagtanong si Yesza kung bakit hindi ako masyadong nagku-kwento ngayong araw. May pakiramdam siguro na problemado ako. Kahit papaano naman naisasantabi ko ang pamo-mroblema kapag oras na ng pagtuturo. Nang maghapon na at oras na ng uwian, agad ko nang dinismiss ang huling klase ko. My students are eager to end my class and so am I. Nang matapos ko silang i-assist palabas ng classroom, inayos ko na ang mga gamit ko na naka-kalat sa teacher’s table. I closed the door and was ready to head toward the faculty when I felt a hand on my left shoulder. Bahagyang napakislot ang puso ko sa pagkabigla ngunit tuluyan ko nang naramdaman ang mabilis na pagtambol nito nang si Sir Neu ang nalingunan ko. “Mr. Alonzo,” Halos hindi ko marinig ang pag-tawag niya sa’kin at halos mabingi ako sa t***k ng aking puso. Hearing my own heartbeat, I scanned his face in a second. He’s wearing a serious expression. Medyo salubong ang kilay niya at nakakunot noo. Ang may kakapalan niyang mga labi, hindi ko alam kung nakasimangot ba o hindi. He’s only on his white long sleeve polo and a loosen necktie pairing with black pants and leather shoes. Sa totoo lang, bigla akong na-intimidate sa kanya. Sa ekspresyon pa lang niya, alam ko nang siya ang nakakita sa nawawalang notebook ko. Naiiyak na ako sa loob-loob ko. Nagkatotoo ‘yong conclusion ko at ‘yong panaginip. “Mr. Alonzo, come back to life!” Saka lamang ako natauhan nang sa wakas ay marinig ko ang baritono niyang boses at ang pagpitik ng daliri niya sa tapat ng mukha ko. My eyes widened in surprise and muttered, “Sir?” He heaved an impatient sigh as he put his both hands inside his pockets. “Follow me to my office. Now.” Puno ng otoridad na sabi niya at may diin ang huling salita. Hindi man lang ako nakatango at nauna na siyang maglakad. Hindi lang doble o triple kundi kuadropol ang kaba na naramdaman ko. Pakiramdam ko nga ‘yong puso ko nasa lalamunan ko na at handa nang lumabas. Parang batang nagmamaktol nang sumunod ako kay Sir Neu. Nakasimangot na parang maiiyak at mabibigat ang mga hakbang. Ready your explanation. Ready yourself, Siam. Ready your mind and emotion when he will say, “You’re fired!” Pesteng notebook! Ngayon pa naging pahamak!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD