PRELUDE
PRELUDE
Siam Alonzo
Nakatayo ako sa tapat ng office table ng school’s director. Nakayuko, nakatitig lang sa magkasaklop kong kamay. Tamang dama lang sa kaba na ilang araw ko na ring nararamdaman.
Damang-dama ko ang mataman niyang pagtitig sa’kin. Mataman ngunit tagos hanggang kaluluwa. Mataman pero may talim na para bagang isang kilos ko lang e bigla na lang akong bumulagta rito.
Mahigit sampung minuto na ang nakalipas mula nang umupo siya sa kanyang swivel chair at walang nagbalak na magsalita sa aming dalawa.
The silence and feeling his glare were torturing me! Pakiramdam ko napaka-sama kong tao sa pagtatago lang ng isang sekreto.
Lumunok ako ng laway at napag-desisyunan kong iangat na ang aking ulo. The moment I lift up my gaze, ang seryosong titig niya agad ang sumalubong sa’kin. Marahil na rin sa tensyon, mabilis na yumuko ulit ako.
“Sir–”
“What, Mr. Alonzo?” He asked quickly as he cutted me off.
“So, care to explain what is this notebook all about, Mr. Alonzo?” naiintrigang tanong sa akin ng director ng eskwelahan na pinapasukan ko.
Napalunok ako ng laway. Hindi ako makasagot. Hindi ko alam ang isasagot ko kahit alam kong may ideya na siya kung ano ang mga nakasulat sa notebook ko na hawak niya.
Ponyawa naman kasi! Paano ba napunta sa kanya ‘yon?!
“S-Sir, let me explain.” Hindi ko naitago ang nerbyos sa boses ko.
Don’t tell me, ‘yang notebook pa na ‘yan ang magiging dahilan nang pagkaka-sesante ko bilang guro?!
“That’s why I am giving you a chance to explain,” mahinahon ngunit seryosong komento ni Director Neu Spencer. “Bakit may ganito ka? You’re a moral values teacher yet you’re writing such things? Paano kung estudyante ang nakapulot nito? Edi ninakaw nitong notebook mo ang kainosentahan nila?”
“But they didn’t, Sir.” Huli na para mapigilan ko pa ang mahinhin kong bibig.
Shuta ka talaga, Siam! Nasa piligro ka na nga, mas nilalagay mo sa alanganin yang career mo!
Napaurong ako ng bahagya nang tumayo si Sir Neu at pumunta sa harap ko. He lean against his office table while facing me, still holding my precious notebook.
“Oh. But they didn’t, you say. Bakit parang thankful ka pa?” Puno ng pang-uuyam ang boses niya.
Napabuntong-hininga ako. “Sir, I didn’t mean to be rude but can we just drop this issue off?” magalang na pasintabi ko. “Nakasulat sa notebook na ‘yan ang lahat ng prompts and drabbles ko para sa huling chapter ng librong isusubmit ko next week. Suspend me? Fine! Just give me my notebook.”
Suspend you? God! Siam, ‘wag kang paladesisyon at sana ayos ka lang!
His eyes darkened as a dry chuckle escapes his lips. “You’re amusing me, Siam. But I don’t think I will suspend you. I’ve had read what you wrote here. ‘Want to hear my judgment?” He told in a low voice.
Sa hindi malamang dahilan, tumango ako. Was our director hypnotizing me?
A sly smirk appeared on his lips. Okay, I’m convinced that he was.
“Nakukulangan ako. Erotic yet I can’t feel any heat or lust–”
“That was not my books all about, Sir.” I cut him off. I feel kind of... offended.
Walang sinasabi sa’king ganyan ang editor ko pero siya ‘tong director ko lang, makabigay ng judgment, parang siya itong nagbabayad sa mga gawa ko.
Hindi niya pinakinggan ang sinagot ko instead he askes something he’s not supposed to. The question was too personal between him – as our director and me – as his employee.
“Have you been touched, Siam?”
“N-Not yet.” I answered absentmindedly. “Er–Sir, saan ba patungo ang issue na ‘to? Kung hindi niyo ako sususpendihin, ibigay mo na lang ang notebook ko. You see, gabi na.” Pinilit kong kunin ang notebook ko but he playfully budge it. “That’s it, Sir! Uuwi na ‘ko!”
Tinalikuran ko na siya at naglakad palapit sa pinto ng office niya. Pinihit ko ang doorknob at akmang hihilain na pabukas para makalabas na ako sa office nang magsalita siya.
“When you step out of that door, I will tell everyone your little dirty secret, Siam.”
I stopped on my tracks at what he said. His voice full of authority is enough to make me pause. We often encounter but this is the real first time I saw him like this.
His expression darkened and eyes glinted with something... something he crave for and something I denied want to feel.
Sinara ko ulit ang pinto at humarap sa kanya. He stood straight while his left hand was in his pocket.
“As what I’ve told you, hindi ako nakaramdam ng init sa mga sinusulat mo. Your stories seems lifeless.” He showed a mocking smirk before he added, “Well, it wasn’t surprised me since I knew it from you that you’ve never been touch. Kulang ka sa experience, kung gano’n. Wala ka pang experience.”
Naiyukom ko ang aking palad sa sinabi niya. This is an insult to me now! Iniinsulto na niya ang mga sulat ko at ang buong pagkatao ko!
“Experience, Sir? Hindi ko kailangan ‘yon pagdating sa pagsusulat.”
E ano naman kung wala akong experience? Nandyan naman ang mga erotic novels na pwede kong basahin at kumuha ng ilang ideas. Hindi rin naman nawawala ‘yong mga po—
“But remember the quote, Siam,” unti-unti siyang lumapit sa kinatatayuan ko. “Experience is the best teacher.”
Nang tuluyan siyang makalapit sa’kin, isang mapusok na halik agad ang iginawad niya sa aking labi.