CHAPTER 3: Matapos ang Unos

1360 Words
-=Rebecca’s Point of View=- Ilan pang pamilya ang nakasama naming sa rescue boat, kitang kita ko din sa mga mata nila ang labis na takot sa muntik muntikanang nilang pagkamatay ng dahil sa pagtaas ng tubig. Matapos mailigtas ang ilan pang pamilya ay agad na ding bumalik ang mga rescuer, sa isang paaralan kami dinala ng nagligtas sa amin. Gayon na lang ang pasasalamat ko ng abutan kami ng mainit na sopas ng pumasok kami sa isang classroom kung saan kami mananatili. Sa isang sulok naming napiling pumuwesto ni Aling Tessy, maingat kong nilapag si Giselle, mabuti na lang kahit paano ay may sapin na ang sahig kaya naman hindi malalamigan ang anak ko na patuloy pa ding nahihimbing, ginamit kong kumot ang blanket na binigay sa amin kanina ng nagligtas sa amin. “Aling Tessy kumain na po muna kayo.” Nag-aalala kong sinabi dito, nanginginig pa din ito dahil sa basa nitong damit, wala naman akong tuyong dami na nadala, dahil inabot din iyon ng baha, kaya naman nakiusap ako sa isang pamilyang kasama naming sa classroom kung maari akong humiram ng pamalit, mabuti na lang at mabait ang mag-asawa at pinahiram kami nito ng damit para sa akin at para na din kay Aling Tessy. Agad ko naman binalikan si Aling Tessy, at agad itong pinalitan ng tuyong damit, binalot ko dito ito ng blanket na galing sa rescuer. Nanginginig pa din ito kaya naman minabuti kong subuan na lang ito. “Magpalakas kayo Aling Tessy matatapos din ito.” Nakangiting sinabi ko dito, habang patuloy ako sa pagsubo ng sopas dito, minabuti kong ibigay na din dito ang sopas na para sana sa akin, dahil alam kong mas kailangan nito iyon. Minabuti kong ipatong ang blanket na ginamit ko dito kanina, ngunit patuloy pa din ito sa panginginig. “Tumawag na kaya ako ng tulong.” Nag-aalala kong sinabi dito, akma akong tatayo ng pigilan naman ako nito ng hawakan nito ang kamay ko. “Huwag na anak, matutulog lang ako at siguradong mawawala din ito.” Nakangiting sagot nito, at kahit anong pagpupumilit ko ay hindi ito pumayag. Wala nga akong nagawa kung hindi ang hayaan ito, ilang sandali lang ay nakaramdam na din ako ng antok, mula sa pinaghalo halong pagod, takot at lamig kaya naman hindi ko na napigilan ng tuluyan akong makatulog habang katabi ko ang nahihimbing kong anak. Nagpatuloy ang malakas na bagyo, tumigil lang iyon ng bandang alas dos ng madaling araw, saka lang napayapa ang loob ko ng wala na akong narinig na marahas na tunog ng hangin. Sakto naman ng magising si Giselle, kaya naman kumuha ako ng mainit na tubig sa water dispenser na nasa loob mismo ng classroom at ilang sandali lang ay payapa na itong dumedede, matapos dumede ay muli itong nakatulog. “Kamusta na ang pakiramdam ninyo?” nag-aalalang tanong ko kay Aling Tessy ng makita ko itong dumilat. “Tubig…” halos pabulong nitong sinabi, kaya naman agad ko itong kinuha ng tubig at matapos itong uminom ay muli na naman itong nakatulog. Naisipan ko namang lumabas sa classroom at tumingin sa labas, tuluyan na ngang naging payapa ang kalangitan na para bang hindi iyon nagngangalit kani kanina lang. Sa wakas ay nagpakita na ang mga nagtatagong bituin sa kalangitan gayon din ang bilog na bilog na buwan na tumatanglaw sa madilim na kapaligiran. Umaasa akong malalagpasan namin ang nangyaring sakuna sa buhay namin, alam ko din naman na hindi kami agad kami makakauwi sa bahay namin at malakas ang kutob ko na tuluyan na iyong nagiba ng dahil sa bagyo. “Tomorrow is another day.” Sa loob loob ko, ngunit agad kong tinama ang sarili ko dahil ngayon nga pala ay ang tomorrow ng kahapon. Napapailing na lang ako ng bumalik ako sa loob, muli akong tumabi kay Giselle, bahagya pa itong napakislot, mabuti na lang at hindi ito tuluyang nagising. Nagising na lang ako magmula sa liwanag na nagmumula sa siwang ng bintana sa classroom na tinutuluyan naming, sa wakas ay tuluyan ng nagpakita ang haring araw. “Gising ka na pala hija, mabuti pang pumila ka na sa labas at namimigay na sila ng almusal.” Nakangiting sinabi sa akin ng mabait na babaeng nagpahiram sa amin ng damit ni Aling Tessy. Agad naman akong bumangon, sandali akong napatingin kay Giselle na tulog pa din, gayon din si Aling Tessy. “Naku lumabas ka na ako ng bahala sa anak mo.” Nakangiting sinabi nito, kaya naman saka lang ako tuluyang lumabas at gaya nga ng sinabi nito ay nasa gitna ng school ang isang mesang may nakalagay na malalaking kaldero. Agad akong pumila para makakuha ng almusal at ng ako na ang bibigyan ay tinanong ako ng nagbibigay kung para sa ilan, kaya naman sinabi kong para sa tatlo sana. Inabutan ako nito ng tatlong nakapack na pagkain at dalawang baso ng sopas, kahit mapaso paso ay pinilit kong madala iyon pabalik sa classroom. Sakto naman ng makabalik ako dahil narinig kong umiiyak si Giselle, dali dali akong naglakad papasok sa loob, nakita ko pa ang mabait na babae na inaalo ang anak ko, ngunit dahil hindi naman nito kilala ang babae ay patuloy lang ito sa pag-iyak, tumigil lang ito ng makita ako nito. Tulog pa din si Aling Tessy kaya naman minabuti kong pakainin na muna si Giselle, tuwang tuwa ito habang sinusubuan ko ng sopas, walang kamalay malay ito sa hirap na pinagdaanan namin. Hanggang sa matapos akong kumain ay hindi pa din nagigising si Aling Tessy nag-alangan naman akong gisingin ito, alam ko naman kasing mas mabuting makapagpahinga ito ng matagal, kaya naman minabuti kong kumain na muna ito habang hinihintay itong kusang magising, tinabi ko na lang ang pagkain nito kapag nagising ito. Naisipan kong ilabas si Giselle para naman maarawan ito, tuwang tuwa naman ito ng may makita itong mga batang naglalaro sa isang bahagi ng paaralan. Maski ako ay nawili sa panonood sa kanila, kaya naman hindi ko na namalayan ang oras, nalaman ko na lang na mag-aalas onse na pala, kaya naman agad na akong bumalik sa loob, ngunit laking pagtataka ko ng hindi pa din gising si Aling Tessy. “Hija mabuti pang gisingin mo na ang kasama mo para makakain na.” narinig kong sinabi ng mabait na babae na kasama naming, kasama na nito ang asawa nito. “Oo nga po.” Nakangiti kong pagsang-ayon dito, agad naman akong naglakad palapit sa nakahigang si Aling Tessy. “Aling Tessy, gising na po kayo, kailangan niyo nang kumain.” Nakangiti kong sinabi dito, ngunit hindi man lang ito dumilat sa pagtawag ko dito. Kaya naman muli kong inulit ang pagtawag dito, mas malakas kaysa sa nauna, ngunit katulad din kanina ay para bang walang epekto iyon, kaya naman minabuti kong ugain na ito, ngunit ganoon na lang ang gulat ko ng maramdaman ko ang temperature nito. “Aling Tessy!” natataranta kong tawag dito, mukha namang napansin ng mag-asawa ang pagkataranta kong iyon, kaya agad silang lumapit sa akin. “Anong nangyari?” nag-aalalang tanong ng babae. “SI Aling Tessy po kasi hindi na gumigising.” Kinakabahan kong sinabi dito, minabuti kong bigya sila ng espasyo para makalapit sila kay Aling Tessy. Sandali naman tinignan ng lalaki ang wala pa ding malay na si Aling Tessy, nalaman ko din kasi na assistant ito ng isang doctor sa bayan, kaya kahit paano ay may ideya ito sa ganitong mga pagkakataon. Ilang sandali din nitong sinuri si Aling Tessy at matapos nga noon ay malungkot itong lumapit sa akin. “I’m sorry hija.” Malungkot na malungkot nitong sinabi. Tuluyan nang dumaloy ang mga luha ko ng marinig na wala na si Aling Tessy, hindi ko matanggap na ganoon lang nawala ang taong nagmalasakit sa akin at sa anak ko, ni hindi ko man lang nasuklian ang kabutihan nito sa akin. Parang naramdaman naman ni Giselle ang kalungkutan ko kaya umiyak din ito. Hindi ko alam kung saan ko pupulutin ang sarili ko, pakiramdam ko ay nag-iisa na lang ako, kung hindi lang dahil sa anak ko ay baka tuluyan na din akong sumuko.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD