CHAPTER 1: The Boy Who Never Came Back
-=Rebecca’s Point of View=-
Hindi ko na alam kung gaano na ba katagal akong nakatingin sa direksyon na iyon ng gubat, sa loob ng tatlong taon ay patuloy akong nagbabakasakali na baka bumalik siya, ngunit mukhang totoo nga ang sinabi ng Tiyahin ko, hindi na siya magbabalik pa.
Sa loob ng halos apat na taon na nagdaan ay hindi ako nagmintis na magpunta sa malapit sa gubat sa pag-asang makita kong muli ang lalaking nagmamay-ari ng berdeng mga mata.
Noong una ay hindi naniwala ang mga kamag-anak ko ng sinabi ko sa kanila na may nakilala akong lalaking may berdeng mga mata, niloko pa nga nila ako na baka daw engkanto ang nakikita ko noon at hindi totoong tao siya, pero napatunayan ko din sa kanila na totoo ang sinasabi ko ng dahil sa isang anghel, matapos ang siyam na buwan ay sinilinang ko ang isang anghel na nagmamay-ari din ng kaparehong berdeng mga mata ng ama nito.
At ang anghel na iyon ay ang pinakamamahal kong anak ni si Giselle, magtatatlong taon na ito ngayong taon. Mahigit apat na taon na din ng huli kong nakita ang lalaking may berdeng mga mata, halos apat na taon magmula ng mawala ito ng walang paalam ay umasa pa din akong babalikan ako nito at tutuparin nito ang pangako nitong magmamahalan kami habang buhay, ngunit sa pagdaan ng mga araw, na naging linggo, buwan at taon ay hindi ko na muling namasdan ang mga mata ng taong mahal ko.
Hindi ko gustong mapalitan ng labis na galit ang puso ko mula sa pagmamahal ko dito, ngunit sa tuwing lumilipas ang mga araw at natatapos iyon na puno lamang ako ng pagkabigo ang nararamdaman ko, hanggang sa namalayan ko na lang na ang pagmamahal ko sa lalaking iyon ay tuluyan nang napalitan ng labis nagalit.
Pakiramdam ko ay pinaglaruan lang ako ng taong iyon, kinuha ang kainosentihan ko at nang magsawa ito ay tuluyan na ako nitong iniwan, iniwan ako nito kahit nga baa lam nito na dinadala ko ang simbolo ng pagmamahalan naming, mali pala simbolo pala ng pagmamahal at katangahan ko dito, samantalang dito ay simbolo ng naging pangloloko nito sa akin.
“Bumalik ka na naman ba sa gubat?” narining kong tanong Aling Tessy.
Si Aling Tessy ang matalik na kaibigan ni Nanay noong nabubuhay pa siya, kaya naman malapit ang loob ko dito, wala na din itong pamilya kagaya ko, kaya naman mas naging malapit ang loob ko dito.
Meron naman akong kamag-anak, ngunit kahit kalian ay hindi ko naramdaman na tinuring nila akong kamag-anak, kaya nga sa tuwing pinagmamalupitan ako ng mga ito ay sa gubat ang nagiging takbuhan ko, sa gubat kung saan ko nakilala ang lalaking merong berdeng mga mata.
Tuluyan akong tinakwil ng mga kamag-anak kong iyon ng mabuntis ako, kaya naman si Aling Tessy na ang kumupkop sa akin magmula nga noon hanggang sa tuluyan ko nang ipanganak ang anak kong si Giselle.
Tanging pagtango lang ang naging sagot ko dito, agad ko naman kinuha ang anak ko mula dito, at biglang napalitan ang galit sa puso ko ng makita ko ang ngiting iyon ng magtatatlong taon ng anak kong si Giselle.
“Na..nay.” paputol putol nitong sinabi habang pilit nitong inaabot ang mukha ko, hindi ko naman naiwasang marinig ang malalim na pagbuntung hininga ni Aling Tessy.
“Hanggang ngayon ba ay umaasa kang babalik pa si Oliver?” narinig kong tanong ni Aling Tessy, kung noon ay bigla na lang kakabog ng mabilis ang puso ko kapag narinig ko ang pangalan na iyon, ngunit sa nakalipas na taon ay galit na lang ang nararamdaman ko sa tuwing maririnig ko ang pangalang iyon.
Sa totoo lang ay hindi naman talaga Oliver ang pangalan ng lalaking iyon, hindi ko nga talaga alam ang pangalan nito, kaya tinawag koi tong Oliver ay sa kulay ng mga mata nito, siguro dapat noong unang beses pa lang na hindi nito sinabi ang tunay nitong pangalan ay naghinala na din ako na hindi ako dapat magtiwala dito, pero ito kasi ang nagiging takbuhan ko kapag nalulungkot ako, hanggang sa hindi ko namalayan na nahulog na pala ang loob ko dito, hanggang tuluyan ko nang ibigay sa kanya ang puso ko at ang buong pagkatao ko.
“Oo Aling Tessy, umaasa akong babalik pa siya, dahil gusto ko siyang sumbatan sa ginawa niyang pangloloko sa akin.” Puno ng galit kong sinabi dito.
“Rebecca anak, mas mabuti nang alisin mo ang galit sa puso mo, hindi ka tuluyang makakalaya kung patuloy mong kinikimkim ang galit diyan sa dibdib mo, isipin mo na lang ang kapakanan ng anak mo.” Masuyong pinayo ni Aling Tessy.
Gustuhin ko man sundin ang gusto nito ay hindi ko pa din magawang alisin ang galit sa puso ko para sa lalaking iyon na may berdeng mga mata, inalay ko dito ang buong puso at pagkatao ko, ngunit anong ginawa nito niloko lang ako nito at sinaktan.
Hinayaan ako nitong mag-isang palakihin ang anak naming, ngunit kahit iniwan ako nito ay hindi ko pinagsisihan na ipinanganak ko si Giselle, dahil siya ang pinagkuhanan ko ng lakas ng loob.
Kaya naman pinilit kong magsumikap para ibigay ang pangangailangan nito, magmula sa pagtitinda sa palengke, hanggang sa paglalabada ay kinuha ko na, at ilan pang mga marangal na trabaho.
Minsan na din may nag-alok sa akin na pumasok sa beer house, sa edad kong bente dos ay masasabing maganda pa din ako, lalo na kung maayusan daw ako, kaya ganoon na lang ang pagpipilit sa akin ng baklang bugaw sa bar na malapit lang sa palengkeng pinagtitindahan ko, ngunit kahit anong pilit nito ay hindi ako nagpasilaw sa perang sinasabi nito.
Ayokong dumating ang araw na ikahiya ako ng anak ko kapag nagkaisip na ito, at maliban pa doon ay hindi ko maatim na ipakain ko sa anak ko ay galing sa ganoong trabaho.
Muli kong binalik si Giselle kay Aling Tessy, kailangan ko pa kasing magluto ng pananghalian naming, kahit pagod mula sa buong araw na paghahanap buhay ay ako na din ang nagluluto ng pagkain namin.
Matanda na kasi si Aling Tessy, kaya naman hindi ko na masyado itong pinagkikilos pa, kung meron lang sana akong ibang puwedeng pag-iwanan kay Giselle ay iniwan ko na ito sa iba, alam ko naman na medyo nahihirapan na din ito lalo na at nagsisimula ng maglikot ang anak ko.
Ngunit ng nalaman ni Aling Tess yang balak ko ay labis itong nagalit, dahil ayon dito ay ang pag-aalaga na lang nit okay Giselle ang nagbibigay ng lakas sa matanda, kaya naman hinayaan ko na lang din ito sa gusto niya.
Ilang sandali lang ay natapos na din ako sa pagluluto, tanging talbos ng kamote, bagoong isda at tinapa ang nakayanan kong ihanda ng gabing iyon, naubos kasi ang pera ko ng dahil sa pinagbili ko ang malaking bahagi ng kinikita ko sa mga pangangailangan ni Giselle, gaya ng gatas, diaper at mga vitamins nito.
Bago tawagin si Aling Tessy ay pinagkanaw ko muna ng gatas si Giselle, at matapos nga noon ay agad ko nang tinawag si Aling Tessy.
“Kain na po tayo.” Nakangiting aya ko dito, muli kong kinuha ang anak ko dito at pinadede ko gamit ang gatas na kinanaw ko para dito.
Mabuti na lang din at hindi naman ito naglikot kaya napagsabay ko ang pagpapadede dito at pagkain ko ng hapunan.
Matapos kumain ay agad kong pinatulog si Giselle, at nang tuluyan na itong makatulog ay tinabi ko ito sa nahihimbing na din na si Aling Tessy.
Imbes na matulog ay pinagtuunan ko naman ang mga maruruming labada naming, kahit pagod ng dahil sa maghapong pagtatrabaho ay kinaya kong tapusin ang mga labada ko.
Bandang ala una ng madaling araw ng tuluyan na akong matapos sa paglalaba, hapong hapo na ang katawan ko ng magawa kong makarating sa kuwarto ng bahay ni Aling Tessy, maingat akong tumabi sa natutulog kong anak, at ilang sandali nga lang ay agad na akong ginupo ng antok ng dahil na din sa pagod.