-=Rebecca’s Point of View=-
Ilang oras pa lang halos ang tinutulog ko ng magising ako ng bandang alas tres ng madaling araw, awtomatiko na din kasi akong nagigising kapag ganoong oras na, kailangan ko pa kasing ihanda ang ititinda kong biko sa palengke.
Kung ano anong kakanin ang tinitinda ko sa palengke, mula biko, palitaw, kutsinta at kung ano ano pang kakanin na maari kong ibenta.
High school lang din kasi ang tinapos ko, gusto ko sanang magpatuloy sa kolehiyo, ngunit pinigilan naman ako ng tiyahin ko na siyang kapatid ng yumao kong Tatay, at dahil sa tinapos ko ay hindi naging madali para sa akin ang makahanap ng magandang trabaho.
May kaya ang mga kamag-anak ko sa Tatay, ngunit ng mawala ang parehong mga magulang ko ay impyerno na ang naranasan ko sa kanila, hanggang sa tuluyan na nga nila akong itakwil.
Agad ko naman naramdaman ang p*******t ng katawan ko ng dahil sa paghahanapbuhay, ngunit hindi ko ininda iyon, dahil kailangan kong magpatuloy, hindi ako puwedeng magpatalo sa pagod at sakit ng katawan dahil may umaasa sa akin.
“Magandang umaga Rebecca.” Narinig kong bati sa akin ni Aling Tessy, hindi ko namalayan na nakababa na pala ito mula sa kubong tinitirhan naming, nasa labas kasi ang kusina kaya doon ako nagluluto.
“Magandang umaga din po, bakit ang aga niyo pong nagising?” tanong ko dito, sandali kong iniwan ang putong niluluto ko ng tuluyan ko iyong maisalang, dumiretso naman ako sa lamesa kung nasaan ang takure ng mainit na tubig na pinakuluan ko.
Sandali akong nagkanaw ng kape para sa aming dalawa, at matapos nga noon ay agad kong binalikan si Aling Tessy at inabot dito ang kapeng hawak ko.
“Mukhang masama ang panahon.” Narinig kong sinabi nito, pagkagising ko pa lang kanina ay napansin ko na ang kakaibang lakas ng hangin sa hindi kalayuan.
Ayon sa narinig kong balita mula sa radyo ng nasa palengke ako ay may papasok daw na bagyo sa bansa, ngunit ayon naman sa balita ay hindi masyadong maapektuhan ang lugar naming kaya hindi ko masyadong binigyan iyon ng atensyon.
“Sabi nga po sa balita, pero huwag kayong mag-alala, kasi sabi sa balita ay hindi naman tayo tatamaan ng bagyong iyon.” Pagpapalakas ng loob ko dito.
Naghanda na din ako ng almusal namin habang hinihintay kong maluto ang mga paninda ko, sinangag ko ang natirang kanin namin kagabi at nagluto na din ako ng tinapa, muli akong nagkanaw ng kape para sa aming dalawa dahil bagay iyon sa pagkain na niluto ko.
“Huwag ka na lang munang magtinda.” Nag-aalalang sinabi ni Aling Tessy ng makaupo na ako sa hapag kainan.
“Hindi po maari Aling Tessy, alam niyo naman na kailangan kong kumita para mga pangangailangan natin sa bahay, malapit na din po kasing maubos ang gatas ni Giselle.” Ang sinabi ko dito.
“Nag-aalala lang kasi ako para sayo, mukhang hindi basta basta ang sama ng panahon, kahit na nga ba sinabi sa balitang hindi tayo direktang matatamaan ng bagyo ay siguradong maapektuhan pa din tayo.” Nag-aalala pa din nitong sinabi.
“Huwag po kayong mag-alala, pipilitin kong mabenta ang lahat ng paninda ko ng mas maaga para mas maaga akong makauwi, at kung sakali mang tuluyang lumakas ang sama ng panahon ay agad akong uuwi.” Nakangiting pangako ko dito, hinawakan ko pa ang kulubot nitong kamay para mas panghawakan nito ang pangako ko.
Wala na din itong nagawa kung hindi ang hayaan akong umalis, bandang alas cinco ng matapos ang lahat ng paninda ko at matapos mailagay ang lahat ng iyon ay agad na nga akong umalis.
Nakita ko pa ang pagkaway ni Giselle sa akin hanggang sa tuluyan na akong mawala sa paningin nito, malayo layo ang lugar naming mula sa palengke na nasa bayan, may isang oras din na lakaran ang kailangan kong lakarin para lang makarating ako doon, meron din naman mga tricycle, ngunit masyadong mahal ang sinisingil nila, kaya naman tinitiis ko na lang ang malayong paglalakad.
Isang oras din ang nilakad ko bago ako nakarating sa palengke, naabutan ko naman si Aling Precy na nagtitinda ng baboy sa mismong palengkeng pinagtitindahan ko, sa gilid ng tindahan din nito ako nagtitinda at nagbabayad na lang ako dito.
“Magandang umaga po Aling Precy.” Nakangiting bati ko dito, sandali ko munang pinunasan ang pawis sa noo ko bago ko tuluyang nilapag ang paninda ko.
“Magandang umaga din naman Rebecca, naku napakasipag mong bata ka, hindi mo ba alam na may bagyo?” tanong nito habang patuloy sa pagwawasiwas nito ng hawak na pamaspas.
“Ayon naman po sa balita ay hindi naman po tayo direktang matatamaan ng bagyo.” Sagot ko naman dito, nagkibit balikat na lang ito sa sinabi kong iyon.
Bahagya naman akong napatingin sa kalangitan at wala akong nakitang kahit na isang maitim na ulap sa himpapawid, maliban pa doon ay makikita ang araw sa kalangitan, kung hindi lang dahil sa malakas na hangin ay walang makakapagsabi na may masamang panahon na padating.
Natigil lang ang pag-uusap naming iyon ni Aling Precy ng meron ng bumili sa paninda ko, isang oras pa lang ang nakakalipas ay nakakasampung biko at sampung puto na ang nabebenta ko, kung magtutuloy tuloy ang benta ko ay malamang mauubos ko na ang paninda ko bago pa man magtanghalian.
Nagpatuloy ang paglipas ng oras na patuloy ako sa pagtitinda ng mga kakanin ko, bandang alas dies naman ng tuluyan nang lumitas ang maitim na ulap na hinanap ko kanina bago ako nagsimulang magtinda.
Pinilit ko naman huwag pansinin ang bahagyang pagdilim ng kalangitan sa kagustuhan kong maubos ang mga paninda ko, kapag nabenta ko na kasi ang mga paninda ko ay balak kong dumiretso sa malaking grocery sa kanto para bumili ng gatas ni Giselle.
Bandang alas onse ng umaga ng tuluyan nang pumatak ang malakas na ulan, wala akong nagawa kung hindi makisilong sa tindahan ni Aling Precy.
“Ayan na nga ang sinasabi ko, mukhang apektado pa din tayo ng bagyo.” Narinig kong sinabi nito, mas lalo tuloy akong nag-alala para sa anak ko at kay Aling Tessy.
Makalipas lang ang smpung minute ng sinabihan na ako ni Aling Precy na magsasarado na siya ng tindahan niya, at habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang ula.
Wala naman akong nagawa kung hindi ang lisanin ang tindahan ni Aling Precy at maghanap ng ibang masisilungan, mabuti na lang at bukas pa din ang supermarket sa kanto kaya doon ako nakisilong.
Habang nakasilong sa naturang tindahan ay binuksan ko naman ang pandinig ko sa balita sa TV, at gayon na lang ang kabang naramdaman ko ng marinig kong nagbago ang dinadaanan ng bagyo at ang masama ay direkta nang dadaanan ang lugar naming.
Hindi ko na ininda ang lakas ng ulan na pumipigil sa akin para magpatuloy, ang tanging nasa isip ko ay ang makauwi at masiguradong ligtas ang anak ko.
Habang naglalakad pabalik sa bahay naming ay nagbakasakali akong merong madadaan na tricycle para mas madali akong makauwi, ngunit nakaka dalawampung minute na ako sa paglalakad ay wala akong nakitang kahit na anong sasakyan.
Mas lalo akong natakot ng mapansin kong malapit ng umabot ang tubig mula sa ilog sa tulay na dinadaanan ko.
Kaya naman kahit hirap na hirap at basang basa ay mas binilisan ko pa ang paglalakad ko, tuluyan ko na ding binitawan ang hawak kong bilao para mas mapabilis ang paglalakad ko.
Ang isang oras na lakaran ay naging dalawang oras ng dahil sa masamang panahon, basang basa ako ng makauwi ako sa bahay.
“Aling Tessy!” malakas kong tawag dito ng nasa baba pa lang ako ng bahay, agad ko naman narinig ang pagsigaw nito sa taas, kaya dali dali akong umakyat doon.
Naabutan ko naman si Aling Tessy na yakap yakap ang anak ko, at nang matitigan koi to ay kitang kita ko ang pangamba sa mga mata nito.
MInabuti ko na munang magpalit ng damit at matapos nga noon ay agad kong kinuha ang anak ko dito.
“Anong gagawin natin Rebecca?” nag-aalala nitong tanong sa akin, kapansin pansin ang pangangatal ng mga labi nito sa sobrang takot.
Kahit ako man ay labis na ding nag-aalala para sa kaligtasan naming at ng sumilip nga ako ay nakita kong isang talampakan na ang taas ng tubig, ibig sabihin ay lumagpas na ang tubig sa ilog sa tulay na dinaanan ko kanina.
“Manalangin na lang po tayo.” Ang sinabi ko dito, wala na din naman kaming mapupuntahan at maliban pa doon ay delikado na kung pipilitin pa naming dumaan ng tulay.
Kaya naman sabay kami nitong nagdasal, ngunit parang mas lalong lumakas ang hangin at ulan, pakiramdam ko nga ay magigiba ang kubong tinutuluyan naming, kaya naman agad akong nagdesisyon na lisanin bahay namin.
“Saan naman tayo pupunta?” tanong nito habang patuloy sa pag-iimpake ng mga gamit namin.
“Susubukan po nating puntahan ang bahay ni Tiya Sophia.” Sagot ko dito, si Tiya Sophia ang kapatid ni Tatay at ang siyang nagmamaltrato sa akin noong nakatira pa ako sa kanila, kasama na din ang mga anak nito na sina Amanda, Lorraine, at Diego.
“Pero papatuluyin naman kaya tayo ng mga kamag-anak mo?” nag-aalala pa din nitong tanong.
Natigilan naman ako sa sinabing iyon ni Aling Tessy, sa totoo lang ay walang kasiguraduhan kung papatuluyin nga ba kami nito, ngunit umaasa na lang ako na kahit paano ay maawa ang mga ito sa kalagayan naming.
Hanggang tuhod na ang tubig ng makababa kami ng kubo, kaya mas lalo kong naramdaman ang peligro kung magtatagal pa kami sa kubo.
Nasa kanlurang bahagi ang bahay nila Tiya Sophia, nasa mataas na lugar din ito at maliban pa doon ay gawa sa bato ang tatlong palapag na bahay ng pamilya nito, kaya naman doon ko naisip na makisulong dahil ito ang pinaligtas na maari kong mapuntahan.
Gamit ang plastic na nahanap ko ay agad kong tinakpan si Giselle, sinigurado kong hindi ito mababasa ng ulan, gusto ko sanang matakpan din si Aling Tessy, ngunit tumanggi ito at sinabing gamitin ko na lahat ng plastic kay Giselle.
Wala na din akong nagawa kung hindi sundin ito.
Patuloy ang paghagupit ng hangin at ulan sa dinadaanan naming, makailang beses na din akong nawawalan ng balance ng dahil sa hangin, idagdag pang muli na naman akong nabasa ng dahil sa ulan, mas pinag-aalala ko ang kalagayan ni Aling Tessy, matanda na ito at madami na itong iniindang sakit, kaya masyadong makakasama dito kung hindi agad ito makakasilong at makakapagpalit ng damit.
Halos wala na akong makita sa dinadaanan ko ng dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan, ngunit nagpatuloy pa din kami ni Aling Tessy, mabuti na lang din at kabisado ko ang papunta doon.
Inabot din ng halos isang oras ang paglalakad naming iyon hanggang sa makarating na kami sa bahay nila Tiya Sophia.
“Tiya Sophia!” sigaw ko mula sa gate ng kanilang bahay, gusto ko na ngang tuluyang pumasok, ngunit natakot naman akong magalit si Tiya at hindi na kami nito tuluyang patuluyin.
Patuloy ako sa pagsigaw sa labas, pilit kong nilalabanan ang ingay ng hangin na lumulunod sa boses ko, makalipas nga lang ang sampung minute ay nakita ko na ito na sumilip mula sa terrace sa second floor ng bahay nito.
Nakita ko ang pagbuka ng bibig nito, ngunit dahil sa lakas ng hangin ay hindi ko marinig ang sinasabi nito, kaya naman wala akong nagawa kung hindi buksan ang gate ng bahay nito at pumasok sa loob.
Agad akong lumapit dito, kaya naman sa wakas ay narinig ko na ito.
“Anong ginagawa ninyo dito?” sa wakas ay narinig ko ng tanong nito.
“Parang awa ninyo na po Tiya, payagan ninyo po kaming makituloy sa inyo hanggang mawala lang ang bagyo.” Pagmamakaawa ko dito.
“Anong awa?! Lumayas kayo sa pamamahay ko!” hindi naman ako makapaniwala sa narinig mula dito, hindi ko akalain na wala man lang itong mararamdamang awa para sa amin, kahit balik-baliktarin ang mundo ay magkadugo pa din kami, kapatid pa din siya ni Tatay, ngunit hindi ako tumigil patuloy pa din ako sa pagmamakaawa dito, sakto naman ng sumilip ang pinsan ko na si Lorraine.
“Lorraine, parang awa mo na, tulungan mo naman akong kumbinsihin si Tiya na patuluyin kami, maawa kayo sa anak ko.” Patuloy na pagsusumamo ko dito, ngunit para akong tuluyan nawalan ng pag-asa ng makita ko ang pag-ismid nito.
“At bakit ko naman tutulungan ang anak ng engkantong iyan.” Malupit nitong sinabi, para namang nadurog ang puso ko sa sinabing iyon ni Lorraine.
Ilang beses ko na din bang narinig mula sa kanila na anak daw ng engkanto si Giselle, kaya nga ganoon na lang nila ako tinakwil.
Para akong nablangko ng makita kong pumasok sa loo bang mag-ina, ni wala silang naramdamang awa para sa aming tatlo.
Saka lang ako natauhan ng maramdaman ko ang paghatak sa akin ni Aling Tessy, nangangatal na ito sa sobrang lamig, ngunit nakikita ko pa din ang determinasyon sa mga mata nito.
Agad naman akong natauhan ng dahil doon, hindi ko na alam kung saan kami magpupunta, ang kasunod na bahay kasi ay dalawang oras pa ang layo mula sa bahay nila Tiya Sophia.
“Mabuti pang bumalik na lang tayo sa kubo.” Ang sinabi ni Aling Tessy, tutol man ay wala na akong nagawa kung hindi sundin ang sinabi nito, wala na din naman kaming ibang mapupuntahan, kaya muli ay naglakad kami pabalik sa kubo.
Hanggang bewang na ang taas ng tubig ng makabalik kami sa bahay, basang basa kami ng makapasok kami sa loob, isang parte ng bubong na din ang tinangay ng malakas na hangin kaya naman may ulan na din na pumapasok sa loob.
Agad kong tinulungan si Aling Tessy na magbalik ng basang damit nito, nag-aalala talaga ako nab aka anong mangyari dito.
Wala na kaming nagawa kung hindi ang magdasal, ngunit patuloy pa din ang pagbuhos ng ulan na para bang wala na iyong katapusan.
Isang oras pa ang lumipas at umabot na din sa sahig ng bahay ang baha, at mukhang hindi pa din hihinto ang pag-ulan.
Ilang sandali nga lang ay tuluyan nang umabot sa hita ko ang tubig, buhat buhat ko si Giselle para hindi ito mabasa ng tubig.
Habang tumatagal ay mas lalong tumataas ang tubig, hanggang sa tuluyan na iyong umabot sa dibdib ko, at muli ay basang basa ang suot na pinampalit naming kanina.
“Mukhang katapusan na natin.” Malungkot na sinabi ni Aling Tessy habang maluha luha itong nakatingin sa akin.
“Hindi Aling Tessy huwag kayong mawalan ng loob.” Pagpapalakas ko sa loob nito, kahit na nga ba pinanghihinaan na din ako ng loob.
Muling tumaas ang tubig hanggang umabot na iyon sa dibdib ko, nakakaramdam na din ako ng pagod dahil sa pagbuhat ko kay Giselle na kanina pa umiiyak.
Ayokong isipin na sa ganito lang matatapos ang buhay naming mag-ina, madami pa akong pangarap para sa anak ko, gusto ko pa itong makapag-aral at makapagtapos, ayokong matulad ito sa akin na hindi man lang nakatuntong sa kolehiyo.
Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, kaya naman malaya na iyong dumaloy sa mga mata ko.
“I’m sorry anak.” Puno ng pagsisising sinabi ko dito, sobrang sakit sa akin na tanggapin, pero mukhang hanggang dito na lang talaga kami.
Tuluyan na sana akong susuko at tatanggapin ang katapusan naming mag-ina ng bigla naman akong nakarinig ng parang may sumisgaw sa labas.
Kahit mahirap ay pinilit kong maglakad papunta sa mga pintuan at gayon na lang ang galak ko ng may makita akong rescue boat.
“Tulong.” Halos mapatid na ang ugat sa leeg ko sa lakas ng sigaw kong iyon, mabuti na lang at narinig ako ng sakay noon, kaya naman agad itong bumalik.
Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng tuluyan na kaming makasakay sa rescue boat.
“Ligtas na tayo Aling Tessy.” Maluha luha kong sinabi dito, nakabalot ito ng makapal na kumot.
“Oo nga anak, may awa talaga ang Diyos.” Nakangiti nitong sagot, ngunit kapansin pansin naman ang pagkahapo sa mukha nito, naisip ko na lang na dahil iyon sa paglalakad naming sa bagyo.
Mahigpit ko namang niyakap si Giselle na sa ngayon ay nahihimbing sa pagtulog, hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nalagpasan naming ang sigurado sanang katapusan naming.
Hindi ko napigilan ang sarili kong halikan ang matambok na pisngi ng anak ko, sobrang saya ko na ligtas ito.