-=Rebecca's Point of View=- Titig na titig ako sa mga mata nito, hindi ko nga napansin ang itsura nito, dahil parang awtomatiko ang mga mata kong napatingin sa berde nitong mga mata, hanggang sa marinig ko itong magsalita, at saka pa lang akong natauhan. "Is there anything I could do for you, beautiful lady?" Ang narinig kong sinabi nito, at ang unang pumasok sa isip ko ay hindi siya ang lalaking hinahanap ko. Mag-aapat na taon na ang nakalipas, ngunit hinding-hindi ko makakalimutan ang boses ng taong minaha ko, at oo nga matagal na ding panahon magmula nang magkita kami, pero may something sa boses ni Oliver na hinding-hindi ko maipagkakamali sa iba, at maaring bahagyang magbago ang boses nito ay hindi pa din magbabago ang epekto nito sa akin. Agad naman akong napatingin sa mukha ng n