-=Rebecca's Point of View=- Hindi maalis-alis sa dibdib ko ang kakaibang nararamdaman ko hanggang sa makarating ako sa naturang venue, habang nasa biyahe ay nakatanggap ako ng text mula kay Ma'am May kung saan kami magkikita-kita. Inabot pa ako ng mga twenty minutes hanggang sa makarating ako sa venue, at katulad nga ng sinabi ni Ma'am May ay agad akong nagtungo sa kuwarto na nabanggit nito. "Magandang hapon po, Ma'am May," nakangiting bati ko sa kanya nang maabutan ko ito doon. "Magandang hapon din naman, Rebecca, mabuti ay nandiyan ka na, hintayin lang natin ang iba," sagot naman nito. Agad ko naman napansin ang pag-aalala nito, kaya naman hinawakan ko siya sa balikat habang sinasabi na magiging maayos din ang lahat, at huwag itong mangamba. "Salamat, Rebecca. Hindi ko lang kasi ta