-=Rebecca's Point of View=- Buong akala ko ay magiging madali lang, at maayos ang lahat sa akin, magmula kasi nang mapadpad kami ni Giselle sa Maynila ay puro kabutihan, at tulong ang nakuha namin sa mga taong nakilala namin, ngunit mali pala ako. Unang araw ko pa lang sa trabaho ay naranasan ko na kung paanong maliitin ng mga taong mas mataas sa akin, at ito nga ang ilan sa mga grupo mula sa Finance department nang maglinis ako sa opisina nila. Minsan ko ng pinangarap na makapagtrabaho sa ganitong opisina, pero hindi nga nangyari dahil hindi naman ako natuloy sa kolehiyo, at maliban pa doon ay nagkaroon ako kaagad ng malaking responsibilidad sa katauhan ni Giselle, pero katulad nga ng paulit-ulit kong sinasabi sa mga nagtatanong sa akin ay hindi ko pinagsisisihan na dumating sa buhay k