-=Rebecca's Point of View=- Sabi nga nila easier said than done, at iyon nga mismo ang nararanasan ko habang tumatagal ako sa pagtatrabaho bilang tagalinis sa kumpanyang iyon. Maayos naman ang pakikitungo sa akin ng ibang mga empleyado sa kumpanya, maliban na lang talaga kay Macey at sa grupo nito, pinipilit ko na ngang iwasan si Michael para wala ng maging issue, pero hindi pa din ito tumitigil sa pakikipagkilala sa akin, at dahil doon ay nagpapatuloy ang pangmamaliit sa akin ng grupo ng mga tagahanga nito. "Kaya mo ito, Rebecca, huwag mo silang intindihin, ang intindihin mo ay ang anak mo, at ang kinabukasan ninyong mag-ina," ang paulit-ulit kong iniisip. Mahigit twenty days na ako sa kumpanya, at nagagamayan ko na naman ang trabaho ko dito. Sa totoo nga lang ay mas magaan talaga ang