-=Rebecca's Point of View=- Katulad ng mga nagdaang mga araw ay maaga akong nagising ng umagang iyon, pero kumpara sa mga nagdaang mga araw ay espesyal para sa akin ang araw na ito. Ito kasi ang unang araw ng pagpasok ko sa bago kong trabaho, nailagay ko na ang mga requirements na kailangan kong ipasa sa isang brown envelope mamaya, naihanda ko na din ang susuotin ko papunta sa trabaho. Mamaya ay ibibigay sa akin ang tatlong terno ng uniform na siyang gagamitin ko habang nasa trabaho ako, kaya nga nagpasya akong maagang umalis para naman hindi ako ma-late sa unang araw ng pasok ko. "Magandang umaga, handa ka na bang sumama sa akin sa trabaho?" Nakangiting tanong ko kay Giselle. "Opo," medyo nabubulol pa nitong sagot na lalong nagpapa-cute dito. Habang lumalaki ay mas lalong nagiging