-=Rebecca's Point of View=- Maaga pa lang kinabukasan ay inasikaso ko na ang iba pang mga requirements na hindi ko naihabol kahapon, gusto ko na kasi talagang magsimulang magtrabaho sa malaon, at madali. "Pasensya na po talaga, Manang Thelma," paghingi ko ng paumanhin dito. Muli ko kasing hiniling na bantayan nito si Giselle, dahil nga sa aayusin ko pa ang mga requirements na hindi ko natapos kahapon, pero kapag nagsimula na naman akong magtrabaho ay maari ko ng isama ang anak ko sa trabaho, at iiwan ko na lang sa nursery doon. "Ikaw talaga, Rebecca, sinabi ko na ngang ok lang na bantayan ko si Giselle lalo na, at malapit ka ng magsimulang magtrabaho, ibig sabihin ay mabawas-bawasan na bonding namin ng apo ko, hindi ba Giselle?" Nakangiti nitong tanong sa anak ko na agad namang humagik