-=Rebecca's Point of View=- Nang magising ako ng umagang iyon ay muling sinakalay ng kaba ang dibdib ko nang maalala ko ang nagawa ko kahapon, sa totoo lang ay hindi ako halos nakatulog sa kakaisip kung paano ko ba malulusutan ang problemang kinakaharap ko. Nag-aalala kasi ako na magsumbong nga si Macey sa HR ng dahil sa ginawa kong p********l sa kanya, at hindi malabong gawin niya ang bagay na iyon, dahil sa nakita kong ugali ni Macey ay hindi ito papayag hanggang hindi ito nakakaganti. Ok lang naman sa akin kung sampalin din niya ako, pero panigurado ko na mas higit pa ang gagawin niya, at alam din niya kung gaano kahalaga sa akin ang trabahong ito, kaya nga natagalan kong huwag pansinin ang mga panglalait, at pagmamaliit nila sa akin. Napabuga na lang ako ng hangin, wala din naman k