-=Rebecca's Point of View=- Nanatili lang akong tahimik habang nakasunod kay Ma'am May, hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat kong sabihin, kahit si Ma'am May ay nanatiling tahimik. Laking-gulat ko naman nang biglang huminto sa paglalakad si Ma'am May, muntik ko na ngang mabangga ito, kung hindi lang ako naging maagap. "Bakit mo naman nagawa iyon, Rebecca?" Halata ang pagkainis sa boses ni Ma'am May habang tinatanong iyon, pero naroon ang pag-aalala niya sa akin. Mas lalo tuloy akong nangliit nang marinig iyon, mabait si Ma'am May, at kaya naman siya naiinis ay dahil nag-aalala siya sa akin. "Pasensya na po, Ma'am," nakayuko kong sinabi dito. Narinig ko naman ang malalim na paghinga ni Ma'am May, at ilang sandali nga lang ay naramdaman ko ang kamay nito sa balikat, at nang mag-an