-=Rebecca's Point of View=- Mabilis na lumipas ang mga araw, patuloy ako sa pagtatrabaho bilang tagalinis sa kumpanyang iyon, at habang patuloy akong marangal na angtatrabaho ay patuloy pa din ang ilang mga tao na nangmamaliit ng kanilang kapwa. Tama, ang tinutukoy ko ay sina Macey at ang mga kaibigan nito sa Finance. Buong akala ko kasi kapag hindi ko na sila pinansin ay titigil na sila, ngunit parang mas lumalala nga sila, gusto talaga nilang i-down ako. Hindi ko sila maintindihan, ginagawa ko na nga ang lahat para iwasan si Michael, dahil unang-una ay wala akong gusto sa taong iyon, at pangalawa ay wala akong panahon na pumasok sa isang relasyon. Magmula nang makilala ko si Oliver sa gubat, at nagkaroon kami ng ugnayan ay para bang wala ng lalaki ang kayang pumantay pa dito, iyong t