-=Rebecca's Point of View=- Maaga akong nagising kinabukasan ng umaga, wala kasi akong pasok ngayon araw na ito, at nangako ako sa anak ko na ngayong araw ay mamasyal kami nito. Gusto kong ibili ng mga bagong damit, at laruan si Giselle, sobrang tagal na din kasi nang mabilhan ko ito ng mga bagong gamit. Kaligayahan para sa isang magulang ang mabilhan ng mga bago ang kanilang anak, kaya nga hindi ko kinayang maglabas ng pera para lang sa pangkain ko kahapon. Imbes kasi na gastusin ko pa iyon ay mas gugustuhin ko pang itabi iyon para sa anak ko. “Good morning, aalis na ba kayo?” Ang nakangiting tanong ni Rica nang maabutan ko ito sa sala. “Magandang umaga din Rica, oo, mamamasyal kami ni Giselle, ibibili ko na din siya ng mga bagong damit,” nakangiting sagot ko dito. “Maganda yan, ma