CHAPTER 27: Pagkamuhi

1026 Words

-=Rebecca's Point of View=- Pakiramdam ko ay tuluyang nablangko ang isip ko nang muli kong makita ang lalaking minahal ko, at pinag-alayan ko ng sarili ko, ang ama ng pinakamamahal kong anak na si Giselle. Halos apat na taon na ang nakakaraan, ngunit hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha nito, lalo na ang kulay berde niyang mga mata. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang mga pagbabago ni Oliver lalo na at mahigit tatlong taon na din ang nakakalipas nang huli ko itong nakita, mas lalo itong gumuwapo sa itsura nito, nakadagdag ang pagma-mature nito kumpara noon, at maliban pa doon ay mas nagkalaman ang katawan nito na lalong nagpakisig sa kanya. Hindi ako makapaniwala na dito ko muling makikita si Oliver matapos ang paghihintay ko sa kanya sa kagubatan, ngunit agad naman napalitan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD