-=Rebecca's Point of View=- Nagpatuloy ang pagtatrabaho ko bilang tagalinis sa kumpanyang iyon, masasabi kong medyo mahirap din siya, pero para sa anak ko ay kakayanin ko. Wala naman din kasing madaling trabaho, halos lahat naman ata ng trabaho ay may kanya-kanyang hirap, nasa iyo na lang iyan, kung paano mo malalagpasan, at makakayanan ang hirap na iyan. Sa totoo lang ay wala naman akong problema sa bigat ng trabaho, dahil katulad nga ng sinasabi ko noon, mas mabigat pa ang ginagawa ko noong nasa probinsya pa lang ako, pero nakakadagdag din kasi ng stress ang walang tigil na pagsasalita ng masama ni Macey, at nang mga kasama nito sa Finance. "Narinig ko kay Bryle na inaaway ka na naman nila Macey?" Narinig kong tanong ni Rhodora nang maabutan ako nito sa locker. "Ahh oo nakita kasi n