-=Rebecca's Point of View=- Limang araw na ang nakakalipas nang lisanin ko ang probinsya namin kasama ni Giselle, at ngayon nga ay unti-unting nababawasan ang natitirang pera na iniwan sa akin ni Aling Tessy, at hindi ko mapigilan ang mag-alala dahil hanggang sa ngayon ay wala pa din akong mahanap na trabaho, gustuhin ko man na umalis ay hindi ko alam kung kanino ko maipagkakatiwala si Giselle. Sobra na nga ang ginagawa kong pagtitipid, pero hindi pa din sapat iyon para matipid ko ang perang nasa akin, oo nga at tinitipid ko na ang sarili ko, pero hindi naman maaring tipirin ko din ang mga pangangailangan ng anak ko, lalong-lalo na ang gatas nito na may kamahalan din. "Anong gagawin natin?" Nag-aalalang tanong ko kay Giselle. Agad naman itong napangiti sa pag-aakalang nakikipagkuwentuh