My Heart isn’t Healing
Angel
8 am ang pagbubukas ng Faculty Department dito sa amin. Pero 7 am nandito na ako. Dahil dadagsa ang mga tao na mag-aabang dito.
Ngayon kasi ang pag-release ng rankings ng buong 3rd year sa school naming. Bukod sa mga 3rd year na estudyante, nandito rin ang mga fans ni Gino at ng ibang kakaklase niyang medyo guwapings din.
Napatingin ako sa tatlong tumabi sa akin. May banner pa talaga silang pinagawa para kay Gino. Samantalang nag-dala lang ako ng sandwich na ginawa ko sa bahay at kape.
“Maganda na ba ako? Amoyin mo naman kung maamoy ni Gino ang pabango ko”
“Oo naman Lexi, sobrang ganda at sobrang bango mo. Pagkatapos nating makita ang rankings at kapag nandiyan nia si Gino mapapansin ka na niya!”
Nag-roll eyes na lang ako habang pinapakinggan sila. ‘Yan ang grupo ni Lexi, isa ring diehard fan ni Gino. Maganda siya at anak mayaman. Marami ring nagkakagusto sa kanya pero si Gino talaga ang gusto niya.
“Ayan na Ayan na!” Nang lumabas ang dalawang teacher mula sa Faculty habang hawak-hawak ang malaking tarpaulin ng rankings ay kaagad silang dinumog ng mga estudyante.
“Teka nga lang! Ano ba! Mas excited pa kayo sa mga 3rd Year!” Nainis na napasigaw si Mr. Tamayo nang napasubsub siya sa bulletin board. Karamihan yata kasi ng nandito ay kagaya kong mga fans lang.
“Rank 1 si Gino!!” Nagsigawan ang karamihan sa mga babaeng katabi ko nang makita nila ang pangalan ni Gino sa Rankings.
Lalo akong kinilig nang makita ko ang average ni Gino. Ang layo sa mga sumusunod sa kanya. Napakatalino talaga ng GinoBabes ko.
Nang mapatingin ako sa gilid ko ay nakita ko ang grupo nila Gino na apparating.
Nakipagsapalaran ako makaalis sa siksikan ng mga babaing kinikilig pa rin. Gusto kong puntahan si Gino at ibigay ang dala ko para sa kanya.
Pero bago pa man ako makaalis sa kumpulan ng mga tao ay may ilang grupo nang tumakbo sa kanila
.
Pero as usual, hindi naman interesado talaga si Gino sa mga babae eh.
May mga inaabot pa silang chocolates at mga bulaklak bilang congratulatory gift pero hindi naman niya tinatanggap.
“Gino! Kape!” Tumalon-talon ako para makita si Gino, ang tatangkad kasi ng mga babae sa harap tapos ako pandak.
Nagulat naman ako nang biglang may humawak sa kapeng tinataas ko at nawala na ito sa kamay ko.
**
Inabangan ko ang Sky Lantern Festival dito sa Garrisons ngayong gabi. First time kong makapunta sa ganitong event. Tuwing nakikita ko kasi ang mga posts sa f*******: tungkol sa festival na ito ay sobrang naiinggit ako. At isa pa, ang highlight ng event ay ‘yung magwiwish ka. Ang tanong ay matutupad ba?
Inamoy ko ang rose na nasa pasong hawak ko. Nabili ko doon sa bungad kanina. Naaliw lang ako kasi may mga mini pot ng mga bulaklak doon. Syempre paborito ko ang red rose, kaya bumili ako.
Napahinto ako nang mapansin kong lahat sila at inaangat na ang mga lantern nila. Nako! Hindi pa ako nakaisip ng wish.
Dahil natataranta na ako, hindi ko alam ang iwiwish ko. Pakiramdam ko, nasa akin na ang lahat ng gusto ko.
Napatingin ako sa paso ng rose na hawak ko. May isang tao akong naalala.
Nasa akin na nga ang lahat. Nakuha ko na ang lahat. Ikaw lang naman itong nawala.
I ended up writing Gino’s name on the paper. It is okay I can’t think of another wish next time.
I let go of my lantern. Itatangay talaga siya ng hangin. Dahil masyado akong naka-focus sa lantern ko, hindi ko alam na may tao pala sa harapan ko.
Habang pataas ng pataas ang lantern, nakikita ko na rin ang mukha ng lalaking nasa harapan ko.
Gino…
Parang naging tahimik ang buong mundo ko at ang boses kong tumawag sa kanya sa isipin ko ang tanging narinig ko.
Sumabay pa ang lamig at lakas ng hangin ang nararamdaman ko.
Hindi naman ito ang unang beses na nakita ko si Gino. But this is the first time we stared at each other afte ten years.
Sampung taon na ang nakaraan, Bakit ang sakit pa rin?
Parang piniga ang puso ko sa kaloob-looban ko. I want to caress is, because I know how painful it is feeling. But I can’t do that.
“G-Gino”
Hindi ko namalayan na nasabi ko ang pangalan niya. Gano’n na yata kaingay ang isipan ko.
“K-Kumusta ka na?” Napayuko ako. We have been staring each other for a minute now.
“Mabuti.” Gaya ng pagkakakilala ko noon kay Gino, tipid itong sumasagot at maglalakad na palayo.
Naiwan ako dito na tuliro. Nakabalik lamang ako sa ulirat nang may nakabunggo sa akin at napaupo ako sa sahig.
“Ahh! Sorry Miss!” Hindi ko rin namalayan na nabasag na ang hawak kong paso ng rose kanina.
Bakit ako naiiyak?
Dahil ba nabasag ang paso?
Puwede naman akong bumili ng bago.
Napatingala na lang ako nang may naramdaman akong humawak sa braso ko.
Tinayo ako ni Gino nang walang kahira-hirap.
Akala ko nakalayo na siya. Yumuko naman ito upang kuhanin ang rose na nasa sahig. Hindi naman siya nasira o naapakan ng iba. Basag nga ang talaga ang lalagyan nito.
“I saved the rose… at least” iniabot naman sa akin ni Gino ‘yong rose.
“Thank You…” I said. And the he walked away from me.
“Buti pa ‘yong rose, naligtas mo. Ako hindi na talaga”
I saw my tears drops on the petals of the rose. Tumatawa ako na umiiyak, naweweirdohan na ako sa sarili ko.
**
“Oh, ba’t nandito ka sa counter? Baka dumating si Gino.” Tila nagtaka naman si Glide nang makita niya akong nagaayos ng apron ko dito sa counter.
“Nakita na niya ako kagabi. ‘Di na dapat ako nagtatago” sabi ko naman sa kanya nang hindi siya tinitignan. Hindi na umimik si Glide at tinulungan ako sa paghahanda ng mga kakailanganin ngayong araw.
“Goodmorning, Welcome to Coffee Rush!” masayang binate naman ni Bryle ang mga nagsidatingang customer.
Nag-assist ako dito sa bagong hire naming na barista dahil marami ang magtatake out.
Nang sumulyap ako sa mga nakapila ay nakita ko nga si Gino doon, abala na naman siya sa tablet niya.
“Dagdagan mo na ‘yong salted caramel coffee na ginagawa mo—“
“Black coffee nga. Isa” Hindi naituloy ang sasabihin ko sana nang biglang narinig ko ang boses ni Gino.
Dahil araw-araw namang salted caramel coffee ang inoorder niya, bigla akong nagtaka na nag-iba ang order niya.
Ako ang gumawa ng drink ni Gino. Tinapangan ko ang kape niya dahil pakiramdam ko makukulangan siya sa usual na black coffee na sineserve naming.
“Here’s your order sir—“ Nagulat ako nang bigla niyang hawakan iyong kape habang hawak-hawak ko pa. Ang ending, nahawakan niya rin kamay ko.
Para namang napaso ito nang maramdaman niya ang kamay ko kaya napasimangot ako.
“Nakalimutan ko palang sabihin na—“
“Tinapangan ko na po, Sir. Walang additional” nilapag ko naman ang kape niya sa counter at kinuha ang card niya na siyang pambayad niya.
Hindi naman na nagsalita pa si Gino at tahimik itong umalis sa pila.
Pero hindi siya umalis ng shop. Umupo pa ito sa mesa sa tabi ng bintana at nilabas ang laptop niya matapos nitong tinago ang tablet niya.
Hindi ba malalate na siya?
Nagtawag naman ito ng waiter, may lumapit sa kanya tapos ‘yung waited papunta pa lang dito pero sinalubong ko na agad siya.
“Ano raw?” tanong ko naman agad-agad sa kanya.
“Cake raw po. Tinanong ko kung anong klase tapos sabi niya kahit ano.” napakamot naman ito sa ulo.
“Alam na ni Angel ‘yan,”ngumisi naman si Cleo nang napandaan siya sa amin.
Ayaw ni Gino ang cake. Noong nililigawan ko pa siya ay nasubukan ko na ata lahat ng flavor. Pero may kaisa-isang flavor ng cake ang nagustohan niya, this changed Gino’s perception to cake.
“Pianono lang naman ang gusto niyan eh, kaso wala tayo no’n” Napahalukipkip naman ako.
“Angel, balita ko malaking kumpanya ang pagmamay-ari ni Gino. Kailangan nating mag-iwan ng magandang impression sa kanya, kahit mag-ex kayo” siniko naman ako ni Patty. Umiiral na naman ang pagka negosyante ng isang ito.
“Kaya kong gumawa ng pianono. Sabihan mo siyang maghintay siya”
Dumiretso naman kaagad ako sa kusina para maumpisahan ko ang pag-bake. Idadagdag ko na lang ito sa menu naming mula ngayon.
Syempre, marunong ako mag-bake ng pianono dahil gustong-gusto ito ni Gino noon.
Malambot na parang roll cake ito pero ang palaman ay yema.
Syempre may ready mix na kaming cake batter. Sinalang ko na lang iyon sa oven nang matimpla ko. Inabal ko na ang sarili ko sa paggawa ng fillings.
***
“Tingin mo magugustohan niya?” Lalo naman akong kinabahan sa tanong ni Glide. Nandito kaming lima sa counter at pinagmamasdan si Gino, kasalukuyan kasing sineserve ng waiter naming ang cake ni Gino.
“Ayan na, titikman na niya!” yinuyog naman ako ni Patty. napakagat ako sa mga daliri ko habang pinagmamasdan si Gino. Hindi yata ako humihinga eh!
Gino just had the first bite…
Napapikit ako nang sinundan pa niya iyon.
Hindi pa rin nagbabago ang taste niya sa cake… buti naman nagustohan niya.
“Ah Miss, puwede bang maka-order ng kinakain ng guwapong lalaki doon sa may bintana”
Napawi naman ang ngiti ko nang marinig ko ang sinabi ng dalawang babaing iyon na nagpunta dito sa counter.
“Parang ang sarap kasi ng kain niya. Para akong nanonood ng commercial.” Kinilig pa nga si Ate.
“Okay—“ pumaharap ako sa counter kaya napaatras naman si Glide.
“Bawal. Mag red velvet na lang kayo, libre ko” ang sabi ko naman.
“Sige, selos pa. Wala ka naman sa lugar” Napatingin naman ako kay Bryle na umalis sa counter. Mukhang nabadtrip yata sa akin.
Napanguso na lang akong nag-serve sa kanila ng dalawang slice ng pianono na kakabake ko lang.
***
Nang matapos sa office si Gino ay bumalik siya ng shop. Kaninang umaga tumambay siya rito hanggang sa maubos niya ‘yong cake. Malakas kasi wifi naming kaya gusto niyang tumambay.
Nag-order siya ng kape doon sa waiter namin. Pero napatingin ako sa oras, malapit na kaming magsarado.
“Alis na ako, Angel… kaya mo na ba?” lumapit naman sa akin si Glide habang bitbit nito ang bag niya.
“Oo naman. Sige na magiingat” Yinakap ko naman siya bago siya tuluyang umalis.
Naghintay lang ako sa counter ng mga customer. Nakaalis na ang iba. May ilan na lang na bumibili ng coffee pero take out. Nakadalawang kape si Gino sa waiter namin kanina.
Past 10pm na pero wala pa siyang balak yatang umalis. Pero okay lang, gusto ko pa siyang titigan kahit magdamag na siya dito.
Napaka hardworking pa rin talaga ni Gino hanggang ngayon. Kung puro siya aral noon, ngayon puro siya trabaho.
“Excuse—“ Napaayos ako ng tindig nang mapatingin si Gino rito sa counter. Wala na siguro siyang mahanap na waiter.
“Coffee?” saad ko. Tumango lang naman ito at bumalik sa pagtitig sa kanyang laptop.
Nakatatlong kape na siya, hindi kaya magpalpitate naman ang isang ito?
Pero iyon naman ang sinabi nya. Mahirap namang pangunahan.
Sinerve ko mismo sa table niya ag kape niya. Pero palingon-lingon ako sa kanya.
“Ahh!” Inihipan ko kaagad ang kamay ko. Dahil hindi nga ako nakatingin sa ginagawa ko kaya natapunan ng kaunti ‘yung kamay ko ng mainit na kape.
“Are you okay?” Napatingin si Gino sa kamay ko. “Opo.” Sagot ko naman.
But my heart isn’t. Seeing you this close makes me ask a lot of questions.
Bakit mo nga ba ako iniwan? Bakit ka naglaho bigla?
It’s been ten years and my heart isn’t healing…
Nang tinalikuran ko si Gino ay may bigla akong naalala. Napatingin ako kay Gino habang ininom niya ang Black Coffee…
Gino, may problema ka ba?
**