Ifs, Maybe and Whys
Gino
“Hoy, Gino buksan mo nga ‘tong pinto mo!”
Bagsak ang balikat kong nagtungo sa pintuan. Nang binuksan ko ito ay tuloy-tuloy na pumasok si Ate na may dala dalang mga tuxedo’ng naka plastic pa.
It’s just 6am. Sa pagkakaalala ko ay 4am ako natulog. It’s weekend at sana ay natutulog pa rin ako hanggang ngayon.
“Hoy, ano ka ba mag-ayos ka naman. Wala ka bang house keeper?” Nakita kaagad ni Ate ‘yung mga canned beer at ballot ng chichirya sa living room. Hindi ko kaagad nalinis. Sesermonan na naman ako nito.
“Bakit ang dami mong ininom? Hindi puwede sa ‘yo ang inom nang inom baka—“
“Okay na ako ate.” Maagap kong sumagot.
“May problema ka ba?” nilapag ni Ate lahat ng dala n’ya sa couch at humarap ito sa akin.
“Wala akong problema bukod sa kumpanya,”naglakad ako para lagpasan siya. Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng tubig sa ref. Nakabuntot pa pala siya sa akin kaya nagulat ako no’ng niluwangan niya ang pagkakabukas sa ref.
“Puro tubig at beer laman ng ref mo? Akala namin ni Daddy maayos ang buhay mo mula nang humiwalay ka sa amin, ano ‘to?” iritang saad naman ni Ate.
“Naghohoard ka ba?”
“Ate, tinatamad naman ako bumili palagi. Nag-stock lang ako—“ Bigla namang dumiretso si Ate sa trashbin ko na parang may nakakuha ng atensyon n’ya.
“What’s this?”
I couldn’t speak as she showed me the empty container of my sleeping pills. Hindi ko tinignan si Ate nang makita ko ang luhang lumandas sa mga mata n’ya. Mahal ko si Ate gaya nang pagmamahal ko kay Mama noon. Kaya ayaw na ayaw kong nakikita na umiiyak s’ya.
“Hindi na ako magtatanong,” I know her smile was faked.
“Mamalengke lang ako para makapagluto ako ng agahan mo. Isukat mo muna ‘yung mga tuxedo habang wala ako,” Napatingin naman ako sa mga dala ni Ate kanina doon sa couch.
“Para saan ‘yan?”
“Sa birthday party ni Nyda. Medyo engrande ito. You should come. Darating sina Kerr at San.”
***
Kung hindi ko lang kapatid si Kerr at San matagal ko na silang hinulog sa daanan kahit umaandar pa ang sasakyan. Kahit ano’ng gawin ko para lang hindi marinig ang usapan nila ay walang talab dahil walang makakapigil sa dalawang babaerong sabik na sabik makakita ng scandal. Buti na lang nagdridrive ako at kahit papaano nadidivert ang attention ko.
“s**t. Ang sarap nang—“ Napatigil sa pagsasalita si Kerr nang binato ko s’ya ng car pillow.
It’s good to be back in Guanzon… Nag-addjust pa rin ako sa Garrisons pero parang ang tagal ko nang hindi nakakauwi rito.
Talaga namang hindi papaawat ang mag Villafuerte dahil ang venue na nakuha nila ay ang Santa Presilla. Parang ito ang malacanang ng Guanzons.
May ilang photographers ang kumuha sa larawan naming habang papasok kami sa venue. Napakalawak ay napakaraming guest ang imibitado ngayong gabi.
Humiwalay si San at Kerr sa akin. Mas mabuti na rin dahil alam ko namang iba nag pakay nila rito.
Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Ate kasama ang asawa n’yang si Tyron. Babaero si Tyron pero napaka-sweet n’ya kay ate na para bang ayaw na n’yang pakawalan ito. Hindi naging okay si Tyron para sa akin dahil alam ko na isa s’ya sa nagpaiyak kay Ate.
Habang papalapit ako sa kanila ay nakita ko ang mag-asawang si Nyda at Luke na lumapit sa kanila. Hindi na sana ako tutuloy pero nakita na ako ni Nyda at nginitian na ako nito. Hindi naman ito ang unang beses na magkiktia kami nito. Lagi naman siyang present kapag may party sina Tyron o si Ate. Syempre, kapatid ni Nyda ang asawa ng ate ko.
Nyda is a beautiful lady. Maswerte ang magkaibigang si Tyron at Luke dahil nakapangasawa sila ng maganda.
“Gino, mabuti at nakarating ka!” Tuwang-tuwa na nakipagbes si Nyda sa akin. Tinanguan lang naman ako ni Luke.
“Ito ang kapatid kong puro trabaho,” My sister clung into my arms. That was so sweet of her. No’ng namatay talaga si Mama ay siya ang tumayong Ina sa amin.
“Naku! Tamang-tama. Outsourcing services kayo ‘di ba? So you also do consultancy?” Luke asked.
“Yes we do.”
“I want to refer a friend. Hindi pa kasi n’ya afford ang mag-establish ng sarili n’yang accounting department so I suggested na mag-outsource muna s’ya” pahayag naman ni Luke.
“That’s true. Gano’n muna ang dapat n’yang gawin” sumang-ayon naman si Tyron.
“I can assure competent accountant for that friend of yours.” I proudly said.
Samantala ay nang may dumating na waitress sa high table naming ay kumuha si Luke ng champagne para sa aming lahat.
“Galing ‘yan sa kaibigan ko. Galante ngayon,”Napahalakhak naman si Luke.
“Oh? Angel!”
I was about to sip the champagne from my glass when Nyda called someone. Iniwan pa nito ang kanyang wine glass sa mesa para lang salubongin ang taong tinawag n’ya.
“Happy birthday!”
It is impossible for me not to recognize that voice. Hindi naman sa naduduwag pero ayaw kong lumingon. I want to find a way to escape. Nahagip ko ang mga tingin ni Ate sa akin sa gilid ng mata ko. She must also be shocked.
“Si Angel nga pala pinsan ni Luke... Sobrang busy ng tao’ng ito dahil sa negosyo, ngayon lang s’ya nakapunta sa party ko ulit” Sa tabi ko pa talaga pwinesto ni Nyda si Angel.
“Hi… Angel good to see you again” It was Tyron’s voice.
“A-Angel…”
Nang tinawag ni ate si Angel ay tumalikod kaagad ako. Bago pa mag-iba ang ihip ng hangin.
“Excuse me…” nagpaalam naman ako kay Nyda.
Lumipat ako sa mas maharap na table. May bandang kumakanta sa stage, I was sure it wasn’t Kerr’s but he is the one singing at the front right now.
My decision to get away from them is just wise. Hindi lang rin ako makaka-relate dahil may mga asawa na sila. I’d still prefer to be alone and enjoy my drink.
Ininom ko ang lahat ng laman ng wine glass ko at kumuha ulit ako nang may waiter na dumaan sa harapan ko. I’m alone in this hight table that I found.
Siguro ay out of curiosity kung bakit ako napasulyap sa direksyon kung nasaan sila Ate. Angel is still there. She is currently wearing ang black backless long gown. Nakulot naman ang buhok nito.
Talagang ang laki ng pinagbago ni Angel. She’s a fully grown woman now. Dati parang elementary lang ang height nito at parang hindi pa ganap na dalaga.
“She’s pretty.” San joined me. Kaparehas ko rin na dalawa ang hawak na wine glass.
“Nagsisisi ka ba?” nang-aasar na naman ito. Hindi ko pinagkakatiwalaan ang mga ngisi nito kahit kailan.
“Nope. I made the right call,” I answered. Parang dumaan lang sa lalamunan ko ‘yong alak. I suddenly wanted harder than this.
But San’s question got me thinking…
If Angel wasn’t my ex, am I still there? Talking with her? Mapapansin ko kaya ito?
If Angel wasn’t my ex, and this is the first time that we would meet, will she notice me?
Maybe yes or maybe I would be the one to approach her. Hindi na si Angel na ex ko ang nakikita ko ngayon. Ibang-iba na s’ya. I feels like she is a different person and at the same time, she was still my cute ex.
Cute? Sinabi ko ba talaga iyon? Am I remembering our past? Funny… dahil matagal ko na itong binaon sa nakaraan.
Kung hindi ba kita iniwan noon, tayo pa rin kaya hanggang ngayon?
Kung sakaling nakalimutan mo na ako, mayro’n ka na bang iba?
But why am I thinking this way? Ito na ba epekto ng alak? Pero kaunti pa lang ang naiinom ko.
O sadyang hindi ko tanggap na nakita ko ulit si Angel?
Why?
Why would fate show someone that I tried hard to forget?
Okay na ako sa buhay ko kahit wala nang ganap. Kaysa ibalik pa ako sa nakaraang matagal ko nang tinakasan.
***
San went home because he had to attend an early meeting tomorrow. I know Kerr is drunk somewhere here, probably hanging out with girls. Si ate naman ay may kausap sina ni Tyron, ayaw ko namang sumingit dahil trabaho siguro iyon. Gusto ko man lang sanan magpaalam sa host ng party bago ako umalis. Medyo mahaba pa ang byahe ko pabalik ng Garrisons. It’s already 11pm. Siguro mga 3am na naman ako makakauwi.
“Gino!” I craned my back when someone called me. It was Luke.
“Tamang-tama. Magpapaalam sana ako sa inyo. Uuwi pa ako sa Garrisons.”
“Really? Tama lang pala na lumapit ako sa ‘yo. Kasi,’yung pinsan ko naparami yata ng inom. Gusto ko sanang ihatid kaso ayaw naman n’ya at hindi ko rin naman maiwan si Nyda. Uuwi pa s’ya ng Garrisons, doon ka rin pala uuwi?”
Hindi pa man natatapos ni Luke ang sasabihin n’ya nang makita ko sa si Angel na akbay ni Nyda at ng isang babaeng hindi ko kilala.
“Sure.”
Why would I refuse? He asked me nicely, isa pa, alang-ala na lang sa Ate ko na parte na rin ng pamilya nila…
I’ll set aside my pride first.
Kinuha ko muna ‘yung sasakyan sa parking lot at umikot ako papunta sa harapan dahil doon ako susunduin si Angel.
Si Luke ang nagpasok kay Angel sa kotse ko. Dito mismo sa tabi ng driver’s seat dahil pinigilan n’ya ako kanina nang tangkahin kong bumaba.
Syempre, kahit walang malay ito, kailangan ko pa rin isuot ang seatbelt n’ya.
When I held the seatbelt beside the window, She tilted her head causing me to stare at her.
Kaagad akong umilag nang kamang hahawak siya sa ‘kin. Pero nauntog naman ako dahil do’n.
“Ri Jeong-hyeok-shiiii…”
Napailing-iling na lang ako nang marinig kong nagsasalita pa s’ya.
I think, hindi naman gano’n nagbago si Angel.
***
Kakagatin ko pa lang sana ‘yung bread na binili ko rito sa convenience store pero narinig ko nang may pamilyar na boses ang tumawag sa akin.
Bago pa man siya makalapit sa akin ay nilapag ko sa tray ‘yung bread at tumayo ako. Pero mukhang wala na yatang ibang bakanteng table. Puro estudyante na gumagawa ng project o nagrereview ang nakaupo sa mga tables, siguradong matatagalan sila rito.
“Saglit lang naman ako. Kakain lang ako. Sige na umupo ka na lang” ang sabi naman nito at umupo sa upuan na nasa tapat ko.
Dahil wala naman akong ibang choice. Umupo na lang ako.
Kinuha ko’yung earphones sa bag ko at sinaksak sa cellphone ko. Makikinig na lang ako ng fm radio.
“Nokia rin ang cellphone mo? Parehas tayo!” Kahit maingay na ang musika sa earphones ko rinig na rinig ko pa rin ang boses n’ya at pinakita pa nito ang cellphone n’yang kaperahas kong unit.
Nokia na de-pindot din sa kanya na may fm radio.
Pagkatapos ko kumata sa bread ko ay nalasahan kong medyo matamis ang mango jam na palaman nito. Kya binuksan ko ang back iced coffee na binili ko. Actually, tatlong canned coffee ang binili ko dahil nakukulangan ako sa isa.
Habang umiinom ako ay napapansin kong nakatingin lang sa akin ‘yung babae. Medyo naiilang na ako sa kanya. Buntot pa rin siya ng buntot.
Nang maubos ko ang isang can ng black coffee ay naglabas siya ng maliit na notebook. Hindi ko naman sinasadyang mahagip ‘yung nakadikit na picture do’n, pero nagulat talaga ako kasi picture ko ‘yung nando’n!
“Ano ‘yan? Bakit may picture—“ hindi ko rin namalayan na tinangaka ko talagang agawin sa kanya ‘yung maliit na notebook.
“Wait lang. Nililista ko ‘yang iniinom mo.” Sabi naman nito at nagpatuloy sa pagsusulat.
“Sa susunod black coffee na ang bibilhin ko sa ’yo” sinarado naman n’ya ang notebook.
“May pera ako pang-bili.” Inirapan ko naman siya.
“Eh ‘di ibigay mo sa akin para ako bibili… Hehehe”
“Hindi ko pabirito ang black coffee…” Napayuko naman ako. Napahinga ako ng malalim. Kahit ano’ng subok mo palang pagtakpan ang lahat, hindi mo kakayanin. Sometimes you let it out…
“Umiinom lang ako dahil mas matapang. Baka lang tumapang din ako…”
Napatigil ako nang maramdaman kong malapit sa mukha ko ang dalawang kamay ng babaeng ‘yun.
Inilagay pala ulit n’ya sa tenga ko ang earphones ko, hindi ko namalayan na nahulog pala kanina kaya pala naririnig ko siya.
Napapikit ako at inenjoy ang musika. Sandaling nabingi ang mundo ko at nakahinga ako ng maluwag.
“Matapang ka naman Gino, ‘yon ng ang gustong-gusto ko sa ‘yo. Tahimik ka lang pero lumalaban sa buhay”
Sakto namang natapos ang music no’ng narinig ko ang sinabi niya. Masasabi kong mas masarap ang napakinggan ko sa kanya kaysa sa musikang saglit na bumulabog sa isipan ko.
Na-enjoy ko naman kahit papaano ang pagkain ko at pagkatapos no’n lumabas na ako ng convenient store. Hindi na ako magtataka na sumunod naman ‘yong babae sa akin
“Halla! ‘yong babae! Pamilyar na eksena ‘yan sa akin!” Nagulat naman ako nang makalabas kami. Sa tapat ng convenient store ay may waiting shed at kasalukuyan siyang nakatingin sa babaing humahabol ng bus, parang may hinahabol itong lalake sa bus.
“Dao Ming Si!” Lalo pa akong nagulat nang sumigaw ulit ito. Hindi ko naman maintindihan ang pinagsasasabi n’ya.
***