bc

Way Back to his Heart

book_age16+
2.2K
FOLLOW
9.4K
READ
second chance
goodgirl
inspirational
drama
tragedy
betrayal
first love
lies
lonely
like
intro-logo
Blurb

'Young Dumb and Broke' sabi nga sa kanta. Sabi nila ang Relasyon, It takes risk. Angel entered into a relationship at a very young age. She was just Freshmen Highschool when she started having a Crush to Gino Delos Santos. Bukod sa Matalino, Gwapo at Tahimik, Hindi naman inaasahan ni Angel na sa buong Isang taon na pagiging stalker nito ay mapapaamo niya si Gino at Magiging girlfriend siya nito. Pero tumagal ng Dalawang Taon ang relasyon nila, It was nice and romantice. It was a very cute young love. But things get so complicated between them. Her Family despise Gino, and Gino's life became more complicated back then after the tragic death of his Mother. Siguro tama nga ang sabi nila na may mga bagay na hindi kayang lutasin ng mga Mas Bata at hindi ito ang panahon para sa kanila. After many years, Angel never expected to see Gino again. She felt so unfair. Bakit yung Feelings ay nandun pa rin? He was all moved on and and She is stuck in the past. Can she find her way back to his heart? or what happened in the past, stays in the past..

chap-preview
Free preview
Chapter One
Morning Coffees Angel "At saka paano mo ba masasabi kung huli na ang lahat?" Naabutan ko si Cleo at Patty na naguusap.  "Jusko naman Patty! Ilang beses nang ganito. Pinapairal mo lagi ang pride mo." Siguro nag away na naman si Patty at Bryle. They have been in a relationship for 8 years. Tagal na no? Away bati nga lang sila. Laging  ganito ang eksena. Si Cleo, Patty, Bryle at Glide ang mga kaibigan ko mula college pa. Si Glide ay isang beki, and I love Bekis talaga. Si Patty at Bryle ay  mag-jowa. Kung gaano ang itinagal ng barkada namin ganon din katagal ang relasyon nila. Si Cleo ay isang hopless romantic na kagaya ko. "Eto na nga mag sosorry na ako eh" Tumayo si Patty at nagpunas ng luha "Mahal mo diba? Aarte ka pa!" singit naman ni Glide sa kanila. Tahimik akong nagpunta sa counter at iniayos ang mga pera sa machine dahil malapit na kaming magbukas ng shop. Napagdesisyunan namin na magpatayo ng sarili naming coffee shop kasama ang buong barkada dito sa Garrisons. This has been our dream ever since College. "Anjan kana pala Angel hindi kita napansin." Napabuntong hiningang saad naman ni Cleo sa akin . "Hindi na ako umimik mukhang matindi ang usapan hehe" sabj ko naman sa kanya "Gigigil din ako sa kapatid kong 'yan" Napailing iling naman na saad ni Cleo. Magakatid nga pala si Cleo at Patty. Parang 'CleoPatra'. Noon daw kaseng nagbubuntis ang mama nila, mahilig daw siyang manood ng mga Theatre acts ni Cleopatra. Well,  nahango narin ata don ang pangalan nilang dalawa. "Isang kape naman diyan Angel!" Napatingin kami kay Glide habang nag aayos ng tables. "Okay sige!" Mahilig ako sa coffee. Bata palang ako pinaglalaroan ko na ang mga kape namin sa bahay. Hanggang sa natuto akong humanap ng tamang blend para sa akin. Best seller din namin ang Salted Caramel Coffee dito. May kinontrata kaming farmers na magsusupply sa amin ng beans. I spent months in finding the right beans for our coffee. It's been a few months mula noong grand opening namin. I can say, okay naman. Dahil nasa Business District kami, mabenta. Nang makita kong nag-bukas na sila Glide ay isinuot ko na ang apron ko at itinali ko na ang buhok. I always loved interacting with customers. Kami kami lang din muna at ang ibang staffs ang nag-aasikaso dito araw araw. Nakakapagod pero worth it naman. Nakakatuwang makasalamuha ang iba't ibang tao. Bantay ako lagi dito sa Counter. Ina-assistsan ko ang Cashier namin. Karamihan sa mga bumibili ng kape ay ang mga business men o empleyado. We also provide VIP Rooms for meetings. "Welcome to Coffee Rush! Ang gigising sa umaga mo!" Maligayang bati ni Glide sa mga customer na pumapasok. Mabilis din kase ang service namin dahil may separate counter kami for buy-and-go customers. Napaka convenient nito para sa mga nag-mamadaling pumasok. Lahat ng Regulars namin ay halos kilala ko dahil nakakausap ko sila araw-araw. Maliban nalang sa isang Regular Customer namin. Napatingin ako sa Relo ko. It's 8:15 am na pala. Oo nga naman at ito ang Time slot niya lagi kung bibili siya ng inumin niya. Kaagad akong nag-tago dito sa likod nang makita ko siyang pumila. "Salted Caramel Coffee, Sir?" Alam na alam na ni Vana ang order nito. Ito naman lagi ang binabalikbalikan niya. "Yes please.." "Right away Sir. " Ngumiti naman si Vana sa kanya. But he always wear that poker face. Parang wala siyang ibang emosyon kundi blanko lang. "Ang gwapo talaga ni Sir Gino. Mabuti na lang at Regular Customer natin siya. Nakikita ko siya lagi" Nagulat ako nang bigla kong marinig ang boses ni Glide sa likod ko. "Hanggang kailan ka ba mag-tatago diyan?" Hindi ako nakasagot kay Glide at binaling ko ulit ang tingin ko kay Gino na kinuha na niya ang kape niya at diretsong nag-lakad palabas. Dalawang beses nag-kakape si Gino. Sa umaga at bago umuwi. Kaya dalawang beses ko rin siyang nakikita. Naging regular customer namin siya nang matikman niya ang Salted Caramel Coffee namin. Iyon ang kape niya mula noon. It was just our soft opening. Isa siya sa mga customers na nag-karoon ng free coffee that day. And up until now, He doesn't know I own  this shop. Dahil nag-tatago ako palagi tuwing nandyan siya. I never expected to see Gino again in my life. Freshmen lamang ako noong unang beses na magkagusto ako sa kanya. Napakaswerte ko naman at sa isang taong panliligaw at pangungulit ko sa kanya ay napasagot ko siya. We dated for 2 years. Masaya, malungkot at kwela. Mula noon ganon na si Gino. Ako ang masigla sa aming dalawa at nagbubuhay ng mood. Gino would always just throw me blank expression but he hugs me, and he kissed me before. Kahit Poker Face siya, naramdaman ko naman ang pag-ibig niya noon. Naramdaman kong natunton ko nga ang puso ni Gino at ako ang naging laman nito noon. But Gino just disappeared. It's been 10 years. Sinong mag-aakala na makikita ko pa ang una at ang huling naging Ex-boyfriend ko? "Hug Kita" Patty pouted as soon as she saw me come out. Alam naman ng mga kaibigan ko ang tungkol kay Gino. "Ang Angel namin.." Sumama rin si Glide sa yakapan namin ni Patty. "Ano ba, ang pangit nito.Nakakasama aa Negosyo natin" Kumalas naman ako sa yakapan namin. Narinig ko ang mga bagay bagay tungkol kay Gino. He is handling their family business at mukhang naging maganda ang buhay niya buhat nang umalis sila sa noon sa Candor, isang City din sa San Vidad. May kalayuan mula sa mga Main Cities gaya ng Guanzons, Gilberts at Garrisons. Maybe he doesn't even remember me now. Matagal na panahon na ang lumipas. Pero parang kahapon lamang na nawala sa akin si Gino. Kahit pilitin kong isipin na tapos na ang lahat. It's still here. I've been battling with my mind and my heart that I am over with Gino these past months. Ngunit nanaig ang katotohanang hindi pa magaling ang sugat na iniwan ni Gino sa akin. Ten years, and it's still him... We had a busy day. Mas marami ang customers namin ngayong Araw. Tag-lamig na at mas papatok ang mga mainit na inumin ngayon. Our store closes at 10pm. Tuwing 7pm naman ang Out lagi ni Ginom Kaya namab sinasamantala kong bumili ng supplies na  kailangan dito sa Shop tuwing 7pm. At ito nga, nakapamili ako ng mga Table Napkins, Sticky pads and pens para sa aming Freedom wall at iba pang gamit dito. I live here at Coffee Rush. Actually, nabili ko ang loteng ito para sana sa magiging bahay ko. But I thought of investing this on our business. Kaya naman nag-pagawa ako noon ng kwarto ko sa itaas. Mag-isa lang naman ako at okay na ako sa isang kwarto lang. Saka na ako bibili ng mas malaking bahay kapag sumagana pa lalo ang negosyo. Hindi lang naman ang Coffee Shop ang source of income ko. Nakapag-ipon din ako noon sa Royale Cafe, then I purchased some stocks. Magandang Investment din daw ang stocks. "Paano, Angel mauuna na kami" Pagpapaalam naman si Patty, Bryle at Cleo sa amin. Malayo pa kase ang uuwian ng tatlo kaya lagi ko naman silang pinapauna. Isa pa wala naman namg masyadong Customer kapag ganitong gabi. "Ma'am pwede po bang lalabas ako saglit? nandito po kase iyong kapatid ko may ibibigay lang po ako" pakiusap naman sa akin ng cashier namin. "Oo naman sige na." Inayos ko ang mga stacks ng Papercups dito sa counter. Mahilig talaga akong mag-ayos dito dahil ito naman talaga ang posisyon ko. "Sumainyo ang lahat ng kagwapuhan, Sir! Ano ang kapeng maibibigay ko po sa inyo" Napayuko kaagad ako nang marinig ko ang malakas na boses ni Glide. That's the Signal! Ito ang usapan naming isisigaw niya kapag nandiyan si Gino at hindi ako nakatago. "Salted Caramel Coffee please" Tinakpan ko ang bibig ko nang marinig ko ang boses niya. Nasa counter na siya! "Is it okay? W-wala yata ang kahera niyo?" "Right away Sir!" Akmang dudungaw na sana siya dito pero bigla ulit sumigaw ng malakas si Glide at parang na-distract naman siya nito. "Thank You, Sir! Come again!" nang mai-abot ni Glide ang kape ay kaagad ding namang umalis si Gino. It was just his voice but it made me feel these chills. Bakit ganon? "Huminga ka na, Day, wala na si Heartquake mo!" Binansagang 'Heartquake' ni Glide si Gino dahil tuwing dumarating daw ito sa Shop ay parang natataranta ako at parang gumuguho daw ang buong mundo ko. Pero matagal nang gumuho ang mundo ko nang iniwan ako ni Gino. Dinibdib ko ang pang-iiwan niya sa akin. He was the only one that I loved. Pinangarap at matagal kong pinagtygahan ang pagsuyo sa kanya. Nang mapasa'kin si Gino ay parang nasa akin na din ang buong mundo. Kaya naman noong nawala na siya ay parang ang buong mundo na rin ang nawala mismo sa akin. Pero kung anong itinagal kong kinalimutan ang lahat ay siya ring bilis na bumalik lahat lahat na para bang kahapon lamang iyong sugat. ** Mayroon talaga akong ugali na kapag 12 ng gabi ay lumalabas ako. Masarap lumabas lalo na kapag ganito kalamig. And as usual, I am wearing my jacket and my cute mask :-). Mausok rin kase sa labas at medyo sensitive ang aking ilong. Kung pwede nga lang ang kape na lang ang  aamoyin ko buong araw. Mas solve pa ako doon. Tinali ko rin muna ang buhok ko at ang sintas ng rubber shoes ko. Maluwag ang kalye ngayon kaya naisipan kong dumaan sa Pedestrian lane. Habang hinihintay ko ang ilaw ng Traffic Lights na maging Red ay may nakita ako sa kabilang tawiran na kararating lang. Kanina kase ay mag-isa lamang ako. Nang maging red na ang ilaw ay nagumpisa na akong maglakad. Medyo kaunti na rin ang sasakyan at talaga namang maluwag na ang daan. Napatigil ako sa paglalakad nang unti unti kong mamukhaan ang lalakeng patawid na rin sa lane na dinadaanan ko. It was Gino. Wait! Taga dito lang din ba siya? Nakapambahay lamang kase ito. But he just walked passed me. Mukhang hindi niya ako nakilala. Pero sabagay, naka-mask naman kase ako. "Miss!" Mistula akong napako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ni Gino. Teka, Lilingon ba ako? o baka iba naman ang tinatawag niya. Pero feel ko kase ako 'yon eh! "Miss? Hindi mo ba ito susi? Parang nahulog mo ito kanina." Lumakas iyong boses! Pakiramdam ki nasa likod ko na siya. Hindi ko siya nilingon at tumakbo ako patawid sa kabilang kalye. Hindi ko na alam ang iniisip ko! Nakatatlong beses na kitang nakikita ngayon Gino! dalawang beses lang dapat eh! "Miss!" Naramdaman ko paring nakasunod siya! Bakit ang bilis niya tumakbo! "This is your key? right?" Napatigil ako nang marinig ko iyong salitang 'key' kinapakapa ko ang jacket ko. Wala ang susi ko doon! Napatigil ako sa pagtakbo. Yumuko ako nang lumingon ako sa kanya. Nilahad ko lamang ang kamay ko at hindi nag-salita. "Tsk" narinig ko pang sabi nito nang mailagay niya ang susi sa palad ko. And after that, I saw him walk away. "It's really you, Gino" mahinang saad ko. Hindi man lang ako nakapag salita o tinignan siya sa mata. I am so afraid to do it. Pero hindi na bale. As long as I can see you, It doesn't matter if I can't find any way back to your heart.. **

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taming His Heart

read
46.5K
bc

A Deal With Isaiah

read
2.9K
bc

My Bodyguard, My Lover

read
19.2K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
73.1K
bc

Secretly Married To The Campus King (Filipino)

read
273.9K
bc

Third Castillion

read
103.5K
bc

POSSESIVE MINE

read
976.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook