Chapter Four

1466 Words
Wish upon a lantern Gino Napabagsak ang balikat ko habang naglalakad bitbit ang dalawang malaking paperbag ng mga bulaklak at chocolates. Ngayon kasi ay valentines at lahat ng estudyante ay nagbibigay ng mga bulaklak o chocolates sa mga taong napupusuan nila. Bawat subject naming kanina ay may nag-excuse para lang maibigay sa akin ang mga regalo nila. Nakaramdam ng inis ang mga kaklase kong lalake lalo na ang aming professor dahil sa naantala ang aming klase. “Happy Valentines Gino!” Nagulat ako nang may babaeng tumambad sa harapan ko. Mayroong hawak itong paso na maliit at may red rose na nakatanim doon. Isang stick pa lang ang bumubunga at medyo may kaliitin ito. Ito ‘yong babaeng madalas sumusunod sa akin. Medyo may kakulitan talaga siya at parang hindi niya alam sumuko. Hindi ko siya pinansin at nilampasan ko siya pero naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Hindi ko talaga siya papansinin! Pero hanggang sa waiting shed ay nandoon siya. Hawak-hawak pa rin niya ang paso habang naghihintay kami ng bus. Nang makita ko ang Bus na paparating ay umabante ako. Hindi ko naman inaasahang sasama pa rin siya hanggang sa makapunta ako sa harapan ng pintoan ng bus. “Hanggang saan ka ba susunod?” iritang tanong ko sa kanya. “Sa bahay niyo. Ihahatid kita para maiuwi mo ito. “Lumawak pa nga ang ngiti nito. Napatiuna naman siya sa pagpasok sa Bus. Dahil mahihirapan na naman akong maghintay ay sumunod na lang ako. “Dito oh, bakante!” Nakita ko naman siya na nakatayo sa bakanteng upuan sa pang-apat na row. Iisa nga lang  ‘yong upuan dahil may taong nakaupo malapit sa bintana. Dahil nangangawit na ang balikat ko, pinatos ko na ang bakanteng silya na iyon. Pero nakatayo lang siya. Dahil puno na lahat ng upuan. “Kawawa naman ‘yong babae, binigay pa niya sa boyfriend niya ‘yong upuan niya” “Oo nga eh! Nako kaunti na lang talaga ang matinong lalake ngayon. “ Hindi nakailag sa pandinig ko ang mga sinasabi ng dalawang babae sa tapat ng row namin. Nagtinginan naman kami ng babaeng ito. Ngumiti lang naman siya sa akin na parang okay lang siya pero kanina pa siya nao-outbalance. Dahil parang natamaan ang pride ko bilang lalake ay nang tumigil sa stoplight ang bus ay tumayo ako. “Okay lang ako. Sige na umupo—“ inagaw ko naman ang paso na hawak niya at hinatak ko ang kamay niya para makaupo siya sa kinauupuan ko. Kumapit na lang ako sa mga kapitan nang umandar ang bus. Sanay naman akong nakatayo dahil punuan talaga ang bus dito. ** “Sir, nagsimula na po ang recruitment day” Habang nakamasid ako sa bintana ng office ko at ineenjoy ang view ng umaga dito sa syudad ng Garrisons ay binulabog naman ako ni Gord. Dahil sa outsourcing ang aming business ay nangangailangan kami ng maraming staffs sa iba’t-ibang position hindi lang dito sa office naming kundi sa ibang branch ng aming office. “Okay. Bibisita ako sa Conferrence hall mamaya” ang sabi ko naman kay Gord. “Ito na po pala ang coffee niyo” Napalingon ako sa mesa nang inilapag ni Gord ang favorite coffee ko. Actually bumili na ako kanina bago ako pumasok pero alam ni Gord na nagkakape pa ako tuwing 10am. “May event ba dito mamayang gabi?” tanong ko naman kay Gord. “Ah, sa Garrisons Park po. May Sky Lantern Festival mamaya. It’s a free event. You might wanna go” Napangiti naman ako sa sinabi ni Gord. Alam na alam niyang nagpupunta ako sa mga public events especially if it’s free. Bakit nga ba ako nagpupunta? Wala lang. I feel like I wanted to do something until I’ll feel sleepy. Kahit anong pamatay oras, pinapatos ko naman. “I’m getting old, I’ve been living for so long but my life is still empty. No surprises, no goals, no love. It’s like I’m walking without a soul.” Dumungaw ulit ako sa bintana habang hawak-hawak ang kape na ibinigay ni Gord—the coffee I always get at Coffee Rush. “No need to worry. It’s my choice” maagap kong saad kay Gord nang maramdaman kong natahimik ito sa sinabi ko. “Kailan.. po ba kayo nawalan ng gana sa buhay?” And then that question strike me. It made me quiet. “Alam mo bang napakataas ng ambisyon ko noon?” I eventually speak up as I sip into my coffee. Yeah, I remember the days when I’m still looking forward to the future. But this isn’t the future that I dreamt of. “Dahil pakiramdam ko, kayang-kaya ko naman. I have the knowledge, skills and I’m competent. I can get rid all what’s stopping me. At least that’s what I feel 10 years ago…” Biglang humina ang boses ko. 10 years ago, I was awesome. Now I am nothing. ** Gord was really right. There is indeed an event in here. Mula bungad ng park ay may nagbibibgay ng mga lantern paper. They said that you can make a wish with it. I’ve seen couples. Mas madami ang couples kaysa sa mga kagaya kong mag-isa. Well, gusto kong tumawa dahil hindi naman bagay sa akin ang event na ito. Napatigil ako nang mapansin ko may countdown. Nagbibilang ang lahat ng mga tao at may countdown din sa malaking screen. Mabilis kong kinuha ang papel na nakatali sa lantern at kinuha ang ballpen sa pocket ng coat ko. I need to write something atleast. Dahil nataranta ako I just put whatever comes to my mind. I wrote ‘my sadness’ Nakita ko na lang na binitawan ng mga tao ang kani-kanilang lantern at nagsimula na itong lumutang pataas. I was late, and the other person in front of me. Nagsusulat pa siya nang matapos ako. Naisipan kong sumubay sa kanya. So we both let go our lanterns… Napatingala ako at pinanood na itangay ng hangin ang lantern ko. Sana maitangay din ng hangin ang kalungkutan ko. The face of the girl in front of me unravels as my lantern is being blown by the wind “G-Gino” I didn’t even blink an eye while I’m staring at her. Napatingin ako sa hawak niyang maliit na paso ng isang red rose. Mukhang ito ang nakasagabal sa kanya kanina kaya natagalan siyang magsulat. Angel…is my ex-girlfriend. It’s been ten years since I left her. She’s changed so much. She looks really matured now. I never believe in the possibility that I’ll see her again… “K-Kumusta ka na?” Napayukong saad naman nito. Mukhang nailang siya sa pagtitig ko sa kanya kaya naman hindi na niya ako matignan sa mata. “Mabuti.” Tipid kong saad at nag-lakad ako para lampasan siya. “Ahh! Sorry Miss!” Napatigil ako sa paglalakad nang may narinig akong nabasag. Nang lumingon ako ay nakita ko si Angel na napaupo sa sahig, nakita ko rin ang hawak niyang paso ng rose na nabasag. Mukhang naitulak siya ng dalawang babaeng ‘yon. Hindi ko alam bakit gusto ng mga paa kong gumalaw. Pero pinigilan ito ng utak ko. She can stand up and she isn’t hurt anywhere… Pero bakit hindi siya tumatayo? Anong nangyayari sa kanya? Kaysa naman sa patayin ako ng konsensya ko. I walked towards Angel. Hinawakan ko na lang ang braso niya ng walang paalam at itinayo. I’m not sure if what I am doing is right. Dahil basag na ang paso at naikalat na sa sahig ang lupa noon. Hindi ko na pinulot iyon. But I pick up the rose. And then I gave it to her… “I saved the rose… at least” I said. Her hands took the rose from my hands slowly. “Thank You…” ** Nang makababa ako ay sumunod pa rin ‘yong babae sa akin. Inagaw pa nga niya ang dala ko nang nasa bus kami dahil ako ang tumayo at siya ang umupo. Kaagad kong kinuha ang lahat ng dala niya. Baka sakaling lubayan na ako nito. “Hanggang saan ka susunod?” Nainis akong lumingon ulit sa kanya dahil nararamdaman ko pa rin nakasunod siya. “Gusto mo ba mag-date? Treat ko” “Gabi na, mag-aaral pa ako” ang sagot ko naman sa kanya. “Ibig sabihin, pumapayag ka kaso may gagawin ka!” Napasigaw naman ito. Lumingon ulit ako sa kanya. Napatalon-talon pa nga ito. “No. Hindi ako makikipag-date sa ‘yo!” Hindi ko napigilan ang sarili ko at napataas din ang tono ng boses ko. Pinagtinginan pa nga ako ng mga tao na dumadaan. Medyo napahiya ako doon dahil ang sama ng tingin nila sa akin. “Walang bawian!” Dahil ayaw ko namang makipag-away sa gitna ng daan ay naglakad na lang ulit ako palayo sa kanya. “Huwag mo nga pala kakalimutang diligan ‘yang rose! Alagaan mo ah!” Napapikit na lang ako nang marinig ko pa ang boses niya kahit medyo nakalayo na ako sa kanya. Ngayon ko lang napagtanto na kinuha kop ala ang paso ng rose na binigay niya kanina. Ano ba Gino? Hindi k aba nagiisip? Bakit ko tinanggap!? ** Let's connect on sss. add me! and like our page Links are on my Profile Salamat! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD