Chapter Three

1675 Words
Not so Lucky Day Angel "Coffee Para sa umagang-" Pagka-bukas ng pintoan ng bus ay kaagad akong tumambad doon para abangan si Gino, Ngunit nang makita niya ako ay agad itong bumalik sa Bus. Hinintay ko siya pagkatapos makalabas ang ilang estudyante pero hindi pa siya bumababa. Natakot ba siya sa akin? Pumasok ako sa Bus para ibigay ang coffee. Nagtinginan na lamang kami nang bigla na lang umandar ang Bus. Dito dapat bababa si Gino dahil dito malapit ang School namin kaso hindi na siya nakbaba. At pati ako ay nasama na rin dito sa Bus. "Gino. Hihi" Napangiti na lamang ako nang makasingit ako sa tabi ni Gino. Bigla namang nag-suot lamang ito ng earphones na para bang hindi niya ako naririnig. Sumandal na lamang ako sa tabing upuan kung saan din nakasandal si Gino. Sa susunod na babaan pa siguro kami makakababa dito. Per station lang kase tumitigil ang Bus dito. Hindi ko alam pero napapangiti pa rin ako habang pinapakinggan ko ang musika sa radyo ng bus na ito. Ipinapatugtog kase ang paborito kong kanta na 'Close to you' ng Carpenters. Bagay na bagay sa nararamdaman ko ngayon. Kahit hindi ako kinakausap ni Gino, kiniklig pa rin ako dahil magkalapit kami sa isa't isa. "Why do birds suddenly appear Every time you are near? Just like me, they long to be Close to you" Hindi ko naman napigilan ang pagsabay sa musika. "Why do stars fall down from the sky Every time you walk by? Just like me, they long to be Close to you" Hinabol ko kaagad si Gino nang tumigil ang Bus sa pangalawang babaan. Tumakbo ako para makahabol sa likoran niya. Napahawak naman ako sa string ng backpack kong naka suot sa balikat ko habang naglalakad ng masigla sa likod ni Gino. Iniisip ko pa lang na sabay kaming papasok ni Gino sa School ay kinikilig na ako. Tandang tanda ko pa noong unang kita ko kay Gino. Palakad-lakad lang ako sa Science Building dahil doon ang room ng mga Special Section. Nakikita ko lagi si Gino na nag-rerecite. Sino ba naman ang hindi magkakagusto dito? Matalino na nga, aba eh artistahin pa. "Hanggang saan ka ba susunod?" Nang malapit na kami sa gate ng school ay narinig ko na ang mala-anghel na boses ni Gino. "Parehas naman tayo ng papasukan diba?" "Ako si Angel, naalala mo ba ako?" Turo ko naman sa sarili ko. "Nope." tipid na sagot nito at nag-patuloy lamang sa pag-pasok sa Gate. Syempre sumabay pa rin ako kahit nakasimangot na ito sa akin. "Coffee-" "Nope" maagad na inurong naman ni Gino sa akin iyong kape na inaalok ko sa kanya. Nang makarating kami sa Science Building ay mabilis na itong naglakad at tuluyan na akong naiwan nang sumabay ito sa mga kasama niya. "GoodLuck Gino!" Winagayway ko naman ang kamay ko para magpaalam muna sa kanya. Nakasabay ko naman siya sa Bus at sa pag-pasok ng school. Malaking bagay na iyon sa akin. ** Nakahinga na lang ako ng tuluyan akong nakalabas ng building nila Gino. Hindi ko naman inaasahan na doon pala nadestino ang deliveries na ito. Mabuti na lang at hindi kami nag-kita. Pero bakit nga ba ako nag-tatago? Nang makarating ako sa tawiran ay napaisip ako. Ilang buwan ko na ding tinatakbuhan at iniiwasan si Gino. Samantalang noong High School kami ay bubuntot ako sa kanya kahit saan ko siya makita. Minsan ding sumasagi sa isipan ko na sana magkausap pa rin kami ni Gino gaya ng ibang normal na tao. I wish Gino could smile at me. Pero hindi naman madaling takasan o kalimutan ang nangyari sa amin. or maybe it is just me who is struggling. Maaring wala na kay Gino ang lahat. And a part of me hopes that Gino still feel broken just like how I am feeling. "Mukhang naubos energy mo ah" Pinagbuksan naman ako ni Cleo ng pintoan nang makita niyang papasok na ako dito sa Cafe. "Oo. Ang hirap mag deliver. Mag-hire nalang tayo ng mga delivery man." bagsak ang balikat ko na nagtungo sa high chairs malapit sa counter kung saan makikita mo ang mga barista na gumagawa ng coffee at iba pang inomin. "Parang trinangkaso ka na agad. Isang foot bridge lang naman ang nilakad mo" napailing-iling na sabi naman ni Cleo. "Nakita lang niya si Gino. Kaya ganyan" Biglang sigaw naman ni Glide nang makuha niya ang order ng isang customer sa malapit sa window glass. "Bakla ka. Alam mong diyan ang office niya?" Hindi makapaniwalang sabi ni Glide nang mag-punta naman si Glide sa counter. "Hoy babaita. Sasabihan sana dapat kita kaso nag-magaling kang umalis agad." Napasimangot naman ako nang maalala ko nga ang pag-mamadali ko kanina. Nakakainis naman Angel talaga oh! Minsan muntanganka rin eh! Medyo stressful ang araw na ito dahil mas madami ang bilang ng customer ngayong araw. Dala na rin siguro ng malamig at mahangin na panahon kaya nagiging patok ang kape sa mga tao. As usual, I am the last one in here. Pinauna ko na rin ang ibang staff dahil mukhang kaya ko naman na mag-sara. Besides I just live upstairs. Itong coffee shop na ito, dito na muna sigur iikot ang mundo ko sa mga susunod na taon. I am loving the City. Iba ang effect ng mga lumang sturctures dito sa akin. It feels nostalgic.. "Good Evening! Welcome to Coffee Rush-" Napatigil na lamang ako nang bigla kong maalala na sarado na pala kami at bakit ako nagregreet sa taong pumasok. Nang mag-angat ako ng tingin ay parang mas gusto kong nilamon na lamang ako ng lupa. Hindi na dapat ako tumatambay dito kapag gabing gabi na. Sana sumunod na lang ako sa mga babala sa balita. "A-are you ...still open.." Lalo akong natulala nang mag-salita pala ito. Ibig sabihin hindi na ito imagination ko! Totoo na ito! Ang customer lang naman na nasa harapan ko ngayon ay si Gino! Bakit ba siya magkakape ng ganitong oras! Hindi k aba nag papapalpitate! "Wala pong staff sorry" Nang makita ko ang magazine na binabasa ko kanina dito sa lamesa ay kaagad kong itinakip ito sa aking mukha. "I think that's the shop's uniform" Napayuko naman ako sa sarili ko. Nakasuot pa rin pala ako ng apron! Ang tanga lang Angel! Ano bang pinagagawa mo sa buhay at pati apron hindi mo matanggal. "Okay po" saad ko naman at tumayo na lang ako. Mataas ko pa ring hinawakan ang magazine upang matakpan ang mukha ko. Hindi ko naman inaasahan na sa harapan pa talaga ng counter uupo si Gino. Ang daming bakanteng table at bakit dito pa siya uupo! Buset! Hindi ko tuloy magawa ng maayos ang kape niya dahil may hawak pa rin akong magazine na tinatakip ko sa mukha. Nagmumukha na akong buang dito! "Here's your order sir"inilapag ko naman doon sa harapan niya ang kape at didiretso n asana ako sa kitchen at kahit huwag na siyang mag-bayad pero nagsalita pa ulit ito. "You know my coffee?" "Chamba lang po." Tumakbo ako sa kitchen at doon lang ako nakahinga ng maayos. Mukhang hindi naman yata ako namukhaan ni Gino! O di kaya saglit lang naman akong tumingin kaya hindi siguro niya ako mamukhaan. Pero teka..... Nag-usap kami ng Ex ko after 10 years! Kabayo ka! Parang wala lang. Sumisilip ako dito sa kitchen kung patapos na siya. Nag tatablet pa ito habang nagkakape. Mukhang isang oras pa ito. Kase ganyang ang karamihang customers. Oorder ng kape tapos dalawang oras dito sa shop. Pag naubos iyong kape patubig tubig na lang sila eh. Nang makita kong palabas na si Gino ay lumabas na ako ng kitchen. Nakita ko namang nag-iwan ito ng excat amount sa counter. "Napaka pride mo pa rin talaga. " Hindi ko namalayan ang pag-ngiti ko. Lumabas ako ng shop sa pag-aakalang makikita ko pa si Gino na nag-lalakad. At tama nga ako, He just walked passed the next two blocks from our shop. When I stared at him for a few seconds I realized that there was a time when my world revolved around him. ** 3pm pa lang tapos na ang klase ko. May sakit kase ang teacher naming para sa last period kaya naman napaaga ang uwian namin. Dahil Martes ngayon, mayroong 5 to 6pm si Gino sa physics. Kaya nag-hintay ako hanggang 6pm dito sa waiting shed. Nang makita ko sa hindi kalayuan si Gino at tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Medyo losyang na yata ako dahil ilang oras din akong nag hintay dito. Kanina pa nga ako nababagot mag-bilang ng kotse eh. As usual. Hindi naman ako pinansin ni Gino nang makapunta siya sa dito sa Shed. Nang may Bus na dumating ay kaagad akong nakipagunahan sa loob. May isang bakante sa pangatlong row kaya inupuan ko kaagad ito. Nakita ko naman si Gino na kakapasok lang at wala na siyang maupuan. "Gino! Dito ka na oh!" Tumayo ako at inioffer ang upuan ko sa kanya pero hindi naman ako pinansin nito. Pero tumayo na lang din ako at pinaupuan ko na lang sa ibang tao ang upuan ko. Nang lumapit naman ako ay napansin kong lumayo ng kaunti si Gino. Tse, napaka pabebe talaga. Pero ano pa nga ba, maswerte na ako dahil nakasabay ko siya papasok at nakasabay ko pa siyang uuwi. Kahit lagpas na ako ng bababaan okay lang! In the name of love! Nagulat na lang ako nang biglang nag-preno ang bus. Hindi naman ako masyadong nauga pero nakita ko kase si Gino kaya sinadya kong bumitaw sa kapitan upang mabagsak ako sa kanya pero.. Yes, expectation versus reality, umilag si Gino kaya napasubsob ako sa isang pasahero. "Ano ba 'yan!" nasigawan pa nga ako nito. Napatingin naman ako kay Gino na parang wala lang ulit ang nangyari sa akin! Hindi ba dapat sasaluhin niya ako? Ano ba 'yan! Manood ka nga ng KDRAMA Ginobabes! Nang bumaba si Gino ay bumaba na rin ako. Hindi ko na siguro siya susundan hanggang sa bahay nila. Papanoorin ko na lang siya maglakad mula dito. Okay na ako dito.. kuntento na ako sa ngayon... 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD