Abandoned Heart
Angel
“Miss De Guzman, kailangan kang humabol sa finals kundi uulitin mo ang subject na ‘to.” Napapikit ako habang kinakausap ako ni Miss Melendez, ang teacher ko sa Algebra.
Lagi akong may problema sa Math, hindi ko pa nasubukang nagkaroon ng grade na line of ‘8’. Ang pinakamataas na grade ko sa math ay 79, ‘di man lang umabot sa 80.
Nakailang remedial classes na kasi ako, hindi pa rin nagbabago ang mga scores ko sa exam at wala pa sa 74 ang standing ko kaya nakakaalarma. Bakit ba kasi may Math? Puwede bang wala na lang?
“For now, ibibigay ko itong workbook na sasagutan mo. Kailangan mong masagutan lahat ng ito before departmental test. Pambawi na rin ito sa mga scores mo sa quizzes and long exam, isa pat puwede ka na mag-review habang nagsasagot.”
Napanganga na lang ako nang makita kong may kakapalan ang workbook na ibinigay n’ya. Napakadugo dhail puro number ang nakikita. Diyos ko! Mauuna ako mamatay bago dumating ang periodical test.
“Nand’yan ka na pala, Gino!” Kaagad akong napalingon sa pintuan nnag marinig kong nagsalita ang isa sa mga teacher dito sa Faculty Department ng Mathematics. Namataan ko nga si Gino na palapit do’n sa babaing teacher na bumati sa kanya.
“Gumaguwapo pa rin ang Ace ng Math, ah,” kahit si Miss Melendez ay pinuri rin si Gino nang dumaan s’ya sa table n’ya at nagtinginan pa kami saglit. Nakakahiya! Narinig n’ya kaya?
‘Ace of Math’ iyon ang isa sa mga tawag kay Gino. Tuwing Math Contest kasi ay s’ya ang pinapasabak ng school namin. Natatalo n’ya ang mga Seniors at kahit math ng kolehiyo ay kayang-kaya n’ya. Minsan napapaisip talaga ako kung ano’ng klaseng utak ang mayro’n si Gino, eh. Nakakainggit dahil kaya n’ya lahat ng subjects.
“Wow, perfect mo na naman ang reviewer na binigay ni Professor Ban sa ‘yo? Grabe mukhang malakas ang laban natin sa Regionals, ah?”
Lumapit ang ibang teacher do’n sa teacher na kausap ni Gino, kahit si Miss Melendez. Syempre, hindi ako nagpahuli. Lumapit din ako at nakitingin sa pinagkakaguluhan nilang reviewer ni Gino. Nakakalula ang mga numbers tapos may alphabets. Bakit magkatabi ang numbers at alphabets? Paano?
“Ano ‘yan bakit may mga ibang lengwahe?” pinigilan ko ang kamay ni Teacher nang akmang ilipat nito ang phina ng reviewer. Napatingin naman sila sa akin dahil nakisingit ako.
“Sino ka? Ba’t ka nandito?” gulat na tanong no’ng teacher. Maging si Gino ay napatingin sa akin.
“Hehe. Wala po. Sige po. Tuloy n’yo na po.” Umatras naman ako at dahan-dahan akong lumabas ng Faculty.
Syempre alam kong nasa loob si Gino at hapon na. Hihintayin ko na lang s’ya para sabay na kami umuwi. Pero napapansin ko ay palagi na kaming nagsasabay. Sigur napagado na si Gino na magreklamo sa akin kaya pinapabayaan na lang n’ya na sumusunod ako sa kanya. Pero iyon naman talaga ang balak ko noon pa man. Kukulitin ko s’ya hanggang sa mapagod na s’ya at sagutin na n’ya ako. Third Year na si Gino, sana bago s’ya mag-fourth year ay sagutin n’ya ako.
***
Sabay kaming napapailing ni Glide habang pinapanood si Patty at Bryle na nag-aaway. Ito na naman sila, nag-aaway sa babae o kaya sa ibang bagay. Pero mas madalas na babae ang pag-awayan nila. Lapitin din kasi si Bryle, ako na nagsasabi minsan malambot din kasi ang isang ito. Tapos si Patty selosa talaga s’ya madalas ay tamang hinala pa nga.
“Sana hindi ka ganito kung ikaw naman ang magkakajowa, Angel.” Dismayadong napabalik na lang sa trabaho si Glide nang lumabas na silang dalawa. Kami ang in-charge ngayon sa counter dahil nga nag-aaway naman silang dalawa.
“Malabo. Wala nga akong jowa, eh,” Napanguso naman ako at napasandal habang pinagmamasdan si Glide na nag-aayos ng pera sa counter.
“Gusto mo ba magkaroon? Sabihin mo agad sa akin kung desidido ka na, ako maghahanap para sa ‘yo,” Nakapamaywang na saad naman ni Glide at tinuon ang titig sa akin na para bang Nanay ko at pinapagalitan ako.
“Ayan, hindi ka kasi sumasagot kasi sa totoo lang ayaw mo,” Kinurot pa ako nito sa tagiliran at parang inis na inis sa akin.
“Gusto ko naman…” napayuko ako at pinagdikit ang dalawang hinlalaki ko.
“Tanda mo ‘yung blind date na inarrange ko sa ‘yong bakla ka, tinakbuhan mo. Wala pang sampung minuto!”
“Eh kasi masyadong guwapo…”
“Sige, gusto mo ng pangit? Maraming pulubi sa tabi-tabi, Ikaw na mimong pipili” tinarayan na naman ako nito. Parang pati sa akin ay nainis na s’ya. Wala naman akong ginagawa.
“Oh, bentahan mo ‘yang ex mo,” inalis naman ni Glide ang apron n’ya at dumiretso sa kitchen. Napatingin naman ako sa entrance at nakita ko si Gino na may sling bag na dala at nakapang-office attire ito. Ang pogi talaga, ito ‘yung tipo ng kapogian na mapapakagat ka sa labi eh, kailan ba naging hot si Gino? Medyo lumaki ang katawan n’ya. Payat si Gino noon pero ang guwapo pa rin.
“Salted Caramel Coffee?” inunahan ko s’ya sa pag-order. Hindi naman ito nakaimik.
Habang ginagawa ko ang coffee ni Gino ay kinikilig ako. Ako ang gumawa ng recipe nito. Dahil tanda ko pa iyong favorite na coffee ni Gino noon. Nawala na kasi iyon. Kaya naisipan kong gumawa ng sarili kong Salted Caramel Coffee.
“Miss Angel! Napakaganda mo naman talaga ngayon,” Napatigil ako nang marinig ko ang boses na iyon. Shems! Nandito na naman si Greg! Iyong isa sa customer naming nanloloko sa akin!
“Isang Iced Americano naman, ‘tapos ikaw ang mag-serve. Namimiss ko na ang napakainosenteng mukha mo at ang balingkinitang baywang mo… hmmm… naamoy ko rin mula rito ang pabango mo…” Gumilid nama ako kaunti upang tapunan s’ya ng masamang tingin. Napakamanyak talaga ng lalaking ito! Kung hindi lang s’ya importanteng customer sisipain ko talaga ito eh!
“Heto na po, Sir.” Ibinigay ko na kay Gino ang coffee n’ya. Akala ko take out iyon kasi nakapila s’ya sa counter ng Take out at do’n s’ya nagbayad sa cashier na naka-assign doon pero umupo si Gino sa isang upuan malapit sa bintana.
Nang matapos ko ang order ni Greg ay sinerve ko iyon sa kanya, nasa tabing bintana rin ang table n’ya. Naiilang na nga ako kasi sobrang lagkit ng tingin n’ya. Napakamanyak pati mata! Jusmiyo! Sayang kaguwapuhan kung manyak naman!
“May lakad ka ba mamayang gabi?” Nanigas ako sa kinauupuan ko nang maramdaman ko ang kamay n’ya sa likod ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko bababa pa ang kamay n’ya. Napatingin ako sa counter, wala si Bryle. S’ya lang kasi ang kinakatakutan ni Greg.
Oo nga pala at nag-away sila ni Patty kanina.
“Greg, alisin mo nga ‘yang kamay mo. Ang daming tao rito.” Maayos ko s’yang pinakiusapan pero tumaw alang ito nang mahina sa akin. Palibhasa kasi ay anak mayaman ang isang ito kaya walang kinatatakutan. Landlord ang Daddy n’ya ng maraming establishments dito.
“Bakit? Hmmm? ‘Di k aba nag-eenjoy sa paghawak ko sa ‘yo?” Napapikit ako nang magsimulang bumaba ang kamay n’ya. Napakalapit na ito sa pang-upo ko. Hindi ko gustong mag-eskandalo dahil ang daming customer.
“Angel…” Napamulat ako kaagad nang marinig ko ang boses na ‘yon…
Kasi…
Sampung taon na ang nakalipas mula no’ng huli kong narinig na binanggit n’ya ang pangalan ko…
Teka?
Bakit parang may bumabara sa dibdib ko? I am sure I was afraid a while ago…
Pero parang may ibang pakiramdam ang pumalit sa takot ko.
“Medyo matabang itong kape, puwede ko bang papalitan?” Lumingon ako sa likuran ko at nagtama ang mga tingin naming ni Gino. Magkatabi pala sila ng table ni Greg… Nakita n’ya kaya ang pambabastos nito sa akin? Kung gano’n nakakahiya naman… Bakit s’ya pa ang nand’yan?
“Storbo ka ah!” Nagulat naman kami nang biglang tumayo si Greg at hinampas ang lamesa. Nanlilisik ang mga titig nitong naka tingin kay Gino.
“Kita mong nag-uusap pa kami!” Lumapit pa ito kung nasaan si Gino. Hindi ko maintindihan parang kakaiba si Greg ngayon. Hindi naman s’ya ganito kabangis lagi. May pagkabastos pero hindi s’ya nanghahamon. Base sa tingin n’ya ngayon ay parang susuntokin na n’ya si Gino kaya pumagitna ako sa kanila.
“Bakit hindi ka umupo at mag-usap tayo ng maayos?” kalmadong saad naman ni Gino. Hindi ko alam kung papaano pa n’ya nagagawang kumalma ngayon.
“Sino ka para utusan ako, Ha!” Tila nabulabog ang buong coffee shop nang sumigaw pa ito. Pero parang wala lang kay Gino. Hindi ba dapat nasisindak na s’ya?
“I’m Gino… Gino Fontanilla,” Inayos ni Gino ang kanyang sarili at tumayo ito. Naglahad pa ito ng kamay kay Greg nag alit nag alit pa rin hanggang ngayon.
Fontanilla na nga pala ang apilyedong gamit ni Gino.
Hindi tinanggap ni Greg ang kamay na nilahad ni Gino at tinabig n’ya lang ito. Stll, Gino face him with a calm face. Wala man lang akong nakikitang takot kahit kaunti lang.
“Wala akong pakialam—“
“If you hit me now then say good bye to your business. Sa pagkakatanda ko, may utang sa aming malaking halaga ang pamilyo mo. Aren’t you a member of the Hidalgo Realty?”
Napaawang ang bibig sa sinabi ni Gino. Ibinaba rin ni Greg ang kanyang kamay.
“Haven’t you heard my name? I’m the current director of Font Financial other than that I own an outsourcing company. Ano pa ba ang kailangan mong marinig?”
Game over para kay Greg. That was a total blow in face. Napansin ko namang parang naglakas loob lamang si Gino na sabihin iyon. Bakit ko alam? Mahal ko s’ya. I know when he is not okay. Alam ko namang hindi ugali ni Gino ang magyabang sa kung ano’ng meron s’ya. I know Gino is the current successor to his father’s company. Sika tang Fon Financial sa San Vidad dahil maraming business ang nakikipag-partner sa kanila. Palagay ko ang outsourcing company ang tinututukan ni Gino ngayon.
Ganunpaman, nakikita ko pa ring ayaw ni Gino ang special treatment regardless of what he achieved… Siguro nga ito ang isa sa mga napakaraming dahilan kung bakit ko s’ya nagustuhan.
***
Tahimik na umalis ng shop si Greg kanina at napalitan ko ang kape ni Gino. Gaya ng dati ay dito pinagpatuloy ni Gino ang trabaho n’ya. Kaya inspired akong nagpaiwan dito sa Counter.
Nakikita ko pa s’ya mula rito. Kanina ko pa gustong kuhanin ang cellphone ko para picturan s’ya pero baka mapansin. Saka may kausap ito sa cellphone n’ya.
“Goodevening po,” Napatingin ako sa entrance nang marinig ko ang isa sa mga crew naming na bumati.
“Lola?” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko s’ya at napalingon ako kay Gino! Paktay!
“Lola! Sa labas tayo dali!” Mabilis akong tumakbo paalis ng counter at sinalubong ko s’ya. Hinarangan ko ang direksyon kung saan n’ya maaring makita si Gino.
“Bakit? Namimiss ko na ang kape mo tapos sa labas pa tayo?” Tila nalungkot naman ang boses nito.
“Basta… ano kasi magsasara na ito. Para mas matagal tayong magkasama…” sinayaan ko ang tono ng boses ko para maibaling ko sa iba ang atensyon n’ya.
“Teka, parang pamilyar ‘yon ah.”
“Ay sabi ko nga Tara na po….” Pinatalikod ko s’ya pero nainis yata si Lola sa ginawa ko. Huli na rin ang lahat nang lumingon ulit s’ya sa direksyon kung nasaan si Gino.
“Hindi ako puwedeng magkamali, si Gino ‘yan!” Nakatiim bagang si Lola na nagtungo do’n sa table ni Gino kaya mabilis ako ang tumakbo. Pero dala nang galit ni Lola, hindi na ito naghintay pa ng ilang segundo at kaagad na binatukan si Gino habang may kausap sa cellphone n’ya.
Parang napako si Gino sa kanyang kinauupuan dahil sa gulat.
“Tara na po, Lola. Kamukha n’ya lang po ‘yan…” mangiyak-iyak na saad ko at humawak ako sa braso ni Lola pero tinulak n’ya ako nang mahina para kumalas.
“Manloloko ka talagang lalaki ka! Pagkatapos mong iniwan ang apo ‘ko! Nandito ka na naman!”
I really agree to my Lola, ang tapang n’ya dahil nasabi n’ya iyan kay Gino, eh hindi ko nga masabi pero! Gulat na gulat talaga si Gino at nakaramdam ako ng hiya dahil natulongan n’ya ako kay Greg kanina tapos, makakakuha pa s’ya ng batok sa Lola ‘ko.
“Lola, hindi nga po si Gino iyan. Tara na po.” Nagmakaawa ako, pero hindi pa rin inaalis ng Lola ko ang masamang tingin n’ya kay Gino. Si Gino naman ay nakayuko lang.
“Ah Talagang hindi ka sasagot—“ Nang makita ko ang kamay ni Lola na nakaambang na babatukan na naman si Gino ay humarang ako, ako iyong sumapo ng pambabatok ni Lola. Ang sakit pa rin ng tira ni Lola kahit nasa 70s s’ya.
Naramdaman ko ang mabilis na pagtayo ni Gino at kaagad niya akong pinaatras.
“A-Ako nga po, Si Gino… kamusta na po kayo…” ramdam ko ang kaba sa boses ni Gino. Nag magtinginan kami ni Lola ay napansin kong namumula ang mga mata n’ya.
Hindi na sumagot si Lola at nagmartsa ito palabas ng shop kaya agad ko s’yang hinabol.
“Lola!” Nang mahabol ko s’ya ay hinawakan ko ang kamay niya upang humarap siya sa akin.
“Hanggang ngayon ba naman ipagtatanggol mo pa rin s’ya?” bakas ang galit sa boses ni Lola. Alam ko ring pinipigilan pa rin n’ya ang mga luha n’ya.
“Wala na po iyon. Okay na po ako kaya sana huwag na po kayong magalit kay Gino.”
“Okay? Hindi ka okay!” Napailing-iling si Lola. Nakita ko ang paglandas ng luha mula sa mga mata n’ya na naging sanhi upang makaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.
“Alam kong hindi ka okay…” mahinahong saad n’ya. “Hindi ka pa rin masaya. Kaya galit na galit ako sa kanya dahil wala s’ya sa lugar upang kuhanin ang mga tunay mong ngiti.”
Saksi si Lola sa mga panahong sawi ako mula nang iniwan ako ni Gino. Paano ba kasi maging okay kaagad?
You love a person and you treat them like they are your world… Kung sila ay nawala, parang nawala na rin ang buong mundo. Papaano ba maging okay kaagad?
Halos itapon ko ang buhay ko no’n dahil hindi ko matanggap na bigla na lang naglaho si Gino. I spent a long time in finding him. Para akong tanga na nagtatanong sa kalsada kung nakita ba nila si Gino. I was so desperate. Hindi ko naman pipilitin na bumalik s’ya, gusto ko lang ng closure…
“At sa palagay ko, mahal mo pa rin s’ya hanggang ngayon…” Tuluyan akong napaluha sa sinabi ni Lola. She was always right about me.
Mali ba?
Mali ban a mahalin ko pa rin ang tao’ng nanakit sa akin?
Is it such a sin for me to love him again?
Hinatid ko si Lola sa Bus station. Sa ibang araw na kami lalabas dahil talagang nasira ang mood n’ya ngayong gabi. Ngayon ko rin narealie na naka-apron pa pala akong lumabas.
Nadatnan ko pa si Gino sa shop pero kaunti na ang customer at naghahanda nang magsara ang mga staffs namin.
Nahinto ako rito sa malapit sa entrance nang makita kong kinuha ni Gino ang sling bag n’ya at naglakad palapit sa akin.
“Hindi mo kailangan, magsalita” Ngumiti ako sa kanya nang mapansin kong nagtinginan lang naman kami ng ilang segundo.
“Hindi.. Mali kailangan mo nang magsalita,” Napatingala ako sa ulit sa kanya. “Kailangan mo na akong bigyan ng sagot. Ten years is enough for you to find the real reason why did you leave me…”
Ayaw kong maiyak. Pero hindi ko na kayang pigilan kapag tatagal pa kaming nagtitinginan ni Gino. Pero narealize ko lang na hindi kami puwedeng matratuhan na parang isang normal na tao lamang dahil hindi naman kami gano’n.
We are ex-lovers.
And between two ex-lovers… there is one who could never forget… That’s me.
“Cellphone mo yata ito. Nahulog kaninang hinabol mo ‘yung Lola mo,” Napatikom ang bibig ko nang iniabot n’ya sa akin ang cellphone ko. Naglakad kaagad s’ya upang lagpasan ako na parang wala s’yang narinig mula sa akin.
I saw Glide at the counter. He may have seen all of it. Nalulungkot s’yang nakatitig sa akin.
***
Nagising ako nang may naramdaman akong nakaupo sa tabi ko. Nakatulog pala ako sa isa sa mga bench sa harapan ng Faculty habang naghihintay si Gino.
Gumuhit ang napakalawak na ngiti sa labi ko nang makita ko si Gino sa tabi ko. Kasalukuyan s’yang nagsosolve. Namilog ang mga mata ko nang mapansin kong workbook kop ala iyon!
“Wow, ang galing… matatapos mo na yata eh!” Nagulat talaga ako nang makita kong ilang pages na lang iyong hindi n’ya nasasagutan.
“Simpleng algebra lang naman ito, Tsk.”
“Hoy ano’ng simple, wala nga akong naipasa ni isa sa mga quiz ko d’yan…” kinontra ko naman s’ya.
“Naglagay ako ng notes sa gilid, basahin mo. Step by step ko sinolve lahat. ‘pag nabagsak mo pa ang departmental test mo, ewan ko na lang.”
Kinikilig ako ng sobra. Buti na lang naghintay ako sa kanya kahit matagal. Kasama ko s’ya sa upuan, nagsosolve s’ya ng dapat sana ay ginagawa ko, ‘di ba napaka sweet!
Kaunti na lang yata matutunaw na ako rito sa kinauupuan ko, eh! Nakakilig talaga kapag may jowa ka—este may nililigawan.
“Tapos na,” sinarado naman nito ang work book ko at inurong sa akin tapos, tumayo s’ya at kinuha n’ya ang kanyang bag. Kaya nag-ayos ako nang mabilis. Kailangan sasabay ako sa kanya pauwi!
“Gino, puwede ba akong magpaturo sa ‘yo kapag may hindi ako maintindihan?” tanong ko naman sa kanya nang makasabay ako sa paglalakad n’ya.
“Tuwing bakante ko lang.”
“Talaga! Yehey! Pagluluto kita lagi ng lunch!” Napatalon-talon naman ako habang sumasabay pa rin sa paglalakad n’ya.
“Pero—Ay!”
Dahil sa sobrang excitement ko hindi ko napansin ang dinadaanan ko at pababa na pala iyong sahig kaya naman na-out balance ako…mag-isa.
Iyong ma-out balance na may sasalo sa ‘yo? Walang gano’n kay Gino.
Bagsak sa sahig kung bagsak. Tinignan lang ako nito, nag tinginan pa nga kami, eh. Wala man lang initiative na itayo ako.
“Okay lang! Crush pa rin kita.”
Tumayo ako at pinagpag ang tuhod ko. Sinikap kong hinabol si Gino at sabayan sa paglalakad.
***
Ang daming ‘Bakit’