Excess Love
Gino
Hindi ko naman hilig sumama sa mga camping hanggang sa naging requirement na siya sa grading system.
Dalawa ang location ng campsite pero parehong sa Ilocos lahat. Ang unang location ay sa Vigan—kung saan naka-assign ang 4th year at ang mga 2nd year.
Kaming 3rd year at ang mga 1st year ay sa Pagudpud.
“Gino, baka gusto mo juice… mainit pa naman,” Nang bumaba ako nang bus ay hinarang ako ng isang kaklase ko, hindi ko alam ang pangalan niya pero hindi naman ito ang unang panahon para lapitan niya ako at mag-offer ng kung anu-ano.
“May… tubig ako,” ang sabi ko naman sa kanya at naglakad upang lagpasan siya. As usual, naghiwa-hiwalay kami nina Andrei, marami silang feshies na kilala kaya panigurado do’n sila sasasama. Hindi naman ako interesado masyado sa mga babae.
“Ginoooo!” Napapikit ako nang mariin nnag marinig ‘ko na naman ang boses na iyon. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako nagkakaroon ng interest sa babae, eh.
“Sabi ng mga Faculty puwede maghiwa-hiwalay para mamasyal. Basta babalik sa tamang oras bago umalis ang bus papunta sa hotel.”
Narito kami sa Bangui windmills. Nagkahiwa-hiwalay nga kaming magkakaklase dahil may kanya-kanyang barkada naman sila. Naiwan rin ang ilang bagahe naming do’n sa bus, mamaya pa kami pupunta sa hotel upang mag-check in. Papasyalin muna daw naming ang mga dadanan naming toursits spots papuntang pagudpud—isa na rito ang sikat na Bangui windmills.
“May baon akong meryenda rito at tubig sabihan mo ako kapag gusto mo kumain,” saglit akong sumulyap kay Angel na tinitignan ang laman ng backpack n’ya.
Sasagot pa man din sana ako nang bigla nalang s’ya nadapa. Saglit akong napatigil at tinignan s’ya nakasubsob sa buhangin. Malambot kasi ang buhangin kaya malulubog ka.
“Sabi ‘ko nga—“
Nang magtangka itong bumangon ay hindi niya nagawa nang dahil sa bigat ng backpack n’ya. Kaysa naman mamatay ako sa konsensya, hinatak ko ang dalawang kamay n’ya pata makatayo s’ya.
“Oh!? Tinulungan mo ako!” gulat na gulat s’yang napatingin sa akin. Kaagad ko rin s’yang binitawan ang kinuha ang backpack na hawak n’ya. May kabigatan nga ito. Wala kasi akong baon na snacks kaya wala akong dinalang bag, iniwan ko sa bus ang bag ko dahil mga damit lang naman iyon.
“Teka ako na—“ sinubukan pa n’yang makiagaw sa akin pero nai-adjust ko na ang bag at sinuot ko na ito sa likod ko.
Kung tatanongin man n’ya ako kung bakit koi to ginawa, wala ako’ng sagot. Dahil maski ako hindi ‘ko alam. Sabihin na nating naawa lang ako sa isang tao.
“Wah! Ito na talaga iyong windmills! Nakakalula!” Nagawa naman n’yang tumakbo palapit sa kinaroroonan ng mga windmills. Malakas ang hangin at malakas dina ng hampas ng alon sa dagat. It’s relaxing, medyo natutuwa na ako’ng sumama sa fieldtrip.
***
I heard a knock upon my door as I was staring at my computer. Hinintay ko ang pagbukas nito at hindi ako sumagot.
“Hey,” Napatayo kaagad ako nang sumilip s’ya. Hanggang sa niluwangan niya ang pagkakabukas ng pintuan at pumasok s’ya.
“Grabe, sa ‘yo talaga iyong buong floor,” parang nagsight-seeing pa s’ya nang makapasok siya. Wala namang masyadong makikita sa office ‘ko. Pero parang namamangha pa ito.
“Tell me, ngayon ba iyong appointment sana natin?” mariin ako’ng napapikit ngunit tumawa lamang s’ya.
“Kahapon, pero alam ‘ko namang busy ka kaya tinunton kita rito…”
Tinulak ko ang swivel chair ‘ko para makaalis sa desk ko. Umupo ako sa couch sa tapat ng desk ko.
“Mag-uusap lang naman tayo, wala namang iba,” parang wala lang naman sa kanya ang pagka-delay ng appointment namin.
“Sir,” Napatingin kaming dalawa sa pintuan nang bumukas ito at dumating si Gord.
“Goodafternoon, Miss Aless.” Bati naman nito nang makita n’ya sa Aless sa harapan ko.
I am working on a project with Aless. Wala pang formalities, we are just exchanging ideas for now.
I met Aless at a Family Dinner twice. I never knew she is a daughter of a businessman.
“What about we get out here? Para ma-relax ka naman? I think Gord is thinking the same, right?” nang magtinginan naman si Gord at Aless ay nagtanguan silang dalawa. Maybe I really looked stressed. Kanina pa akong umaga rito sa office, I even skipped lunch.
“May Coffee Shop ako’ng nadaanan d’yan kanina. Gusto ko’ng subukan,” excited na sabi naman nito.
Katulad ng sinabi ni Aless ay lumabas kami ng opisina ‘ko. Pero hindi sumagi sa isipan ko na ang sinasabing coffee shop ni Aless ay ang ‘Coffee Rush’. I was supposed to talk to her that maybe we can find another place to talk but she grabbed my hands as she entered the door.
“Ano sa ‘yo? I’ll go for Latte,”saad naman nito nang makarating kami sa harapan.
“May cakes din sila pero, ayaw mo yata ng cakers? Would you like salad?”
Hindi ‘ko nasagot si Aless dahil napako ang tingin ko sa babaing nakatingin sa kanya.
“Aless…” napalunok ako nang tinawag s’ya ni Angel. Kakalabas lamang ni Angel nang saktong makarating kami rito sa counter kanina.
Angel and Aless are bestfriends when they were in high school. It’s a bit weird that I am hanging out with Aless and it’s hard to believe that her mom is close friend of my step mother. Si Mommy ang nag-arrange ng unang meeting naming ni Ales, it’s hard turn her down since Mom was good to us… kahit hindi n’ya kami buong anak.
Also, I think that a marriage will be on the discussion between families.
“Angel?”
I looked away as Aless stared at Angel. It was my fault not telling her that this shop is owned by Angel.
Nahagip ko ang mga tingin ni Angel sa akin sa gilid ng mga mata ‘ko. Hindi pa kasi binibitawan ni Aless ang kamay ko.
“Treat ‘ko na ang order n’yo, ano bang gusto n’yo?”
After a few seconds of silence, Angel emitted a lively voice. Naramdaman kong biglang nanlamig ang mga kamay ni Aless nang binitawan n’ya ang kamay ko. I thought they’d be happy to reunite but there is something between them that I don’t understand.
“Ah, Latte na lang sa akin… Gino would just go for Iced Americano,” nag-aalanganing saad naman ni Aless. I sensed a bit of awkwardness to her voice. I’d rather not ask or look at them.
“Ito na,” When I was brave enough to look up, I saw Angel’s smile to Aless. Gaya nang dati, na naniningkit ang mga mata nito tuwing ngumingiti. But Aless didn’t smile back.
“Sa office na lang tayo, may nakalimutan ako,” ako na ang umabot ng order mula kay Angel.
I don’t know what happened but something doesn’t feel right. Kanina lang ay napakasigla ni Aless, ngayon ay natahimik na s’ya. Hindi naman ako gano’n kamanhid para hindi iyon mapansin.
***
Napansin ko ang kakaibang traffic sa Garrisons. Mabuti na lang at nag-bibike ako papunta ng office o naglalakad. Pero hindi ko dinala ang bike ko kanina kaya naglakad ako.
Dumaan ako rito sa Jiggy Bar kung saan ako madalas mag-inom. Dahil wala naman akong pasok bukas, maglalasing ako ngayong gabi.
Nginitian ako no’ng guard nang makapasok ako. Hindi naman ito ‘yung bar na may mga stripper o kung anuman. It’s more of a restobar. May bandang tumutugtog gabi-gabi.
Nagpunta ako sa counter at umupo sa isa sa mga high chairs. Puro pang-dalawan o pang-apatan ang mga table kaya ayoko’ng nagte-table.
Nag-order ang ng beer sa bartender. Namimiss ko lang ang lasa ng beer kahit gabi-gabi naman ako’ng nakakatikim. Hinahanap ko pa rin ang lasa nito tuwing gabi lalo na kapag pagod ako.
“Miss—Wah!” Napalingon ako sa tabi ko nang linapitan ito ng isang bartender upang gisingin. Kanina kasing pagkaupo ‘ko ay nand’yan na s’ya at nakayuko. Akala ko nga ay tulog na pero napasigaw ang bartender nang bigla itong bumangon mula sa pagkakayuko sa counter.
“O-order pa ako. Hihihi,” nanlaki naman ang mga mata ko nang malantad na ang mukhan ng babaing nakayuko sa tabi ko.
I would never expect to see her in this kind of place.
I checked her outfit. She seems prepared to come here. Nakasuot ito ng pastel pink na backless at naka-heels.
“B-bigyan mo ‘ko ng embtudo,” Napataras ang bartender nang ilapit niya ang kanyang baso ng alak sa kanya. Mukhang nakarami na si Angel at napipikit na rin ang mga mata n’ya.
“Wala po kaming embutido, Ma’am,” mangiyak-iyak na saad naman ng bartender. Sinensyasan ko ang bartender na lumayo na lamang at hayaan s’ya.
Nang gumilid ito ay kamuntikan na s’yang na-out balance kaya hinawakan ‘ko kaagad ang balikad n’ya para tumuwid s’ya sa pagkakaupo.
Kaysa naman sa makonsensya ako kung mahuhulog s’ya, ‘di ba?
“Thank you, ‘Te!” Tinanguan lamang ako nito at ngumiti bilang pasalamat. I furrowed my brows suddenly. Hindi ba n’ya ako namukhaan?
“Naglalasing ka rin ba, ‘Te?” Nilapat naman nito ang dalawa n’yang kamay sa counter at pinatong n’ya ro’n ang kanyang baba na parang batang ginagalaw-galaw ang mga paa.
“Iniwan ka rin ba? Cheers tayo r’yan!” may pagkatuwa bas a boses nito.
I leaned closer to the counter as I finally decided to stare at her. Maybe she will entertain me tonight.
“Ako ang nang-iwan…” Napangalumbaba ako sa counter habang pinagmamasdan ko s’ya. Nakaharap na kasi s’ya sa akin at ginawa n’yang unan ang kanyang mga kamay.
Ngayon ko lamang napansin na hanggang ngayon ay mahilig pa rin si Angel sa bangs. Ganito rin iyong bangs n’ya noong highschool s’ya.
“Ba’t mo siya iniwan…” she groaned as she closed her eyes. Tinungga ko ang beer na nasa harapan ko na dinala ng bartender kanina.
“Baka mahal ka pa n’ya, tapos iniwan mo,” dagdag pa nito.
“Ako iniwan ako basta-basta kahit mahal ko pa…”
Binalok kami ng katahimikan ng ilang segundo. Nangibabaw ang tunog ng banda. Hindi ko alam na puwedeng maging nostalgic ang playlist ng banda rito sa bar dahil madalas slowrock o hard rock ang tugtog. I can’t believe I am listening to Passenger’s Let her go now.
And the way I see it, ever since I saw Angel again, she was always around… just like the old times, although it was intentional because she was crazy of me.
Ngayon kaya ay gano’n pa rin?
Or fate is doing its job to clear things between us?
“I miss him…I miss his shoulders…I miss his hair…” muli ako’ng napatingin kay Angel na akala ko ay tulog na kanina. Nakapikit pa rin ito at nagsasalita.
“You’ve become a better person, don’t you think you should just live like that…” I said. Umiling-iling kaagad ito.
“Kung puwede pang balikan, babalikan ‘ko. If he thinks of coming back to me, I will accept him again…”
“Paano kung hindi na babalik?” Napamulat si Ange sa sinabi ko. Nakatingin lang siya ng diretso sa ibang direksyon.
“Bakit hindi?” Tila napako ang mga mata ko kay Angel nang tinignan n’ya ako sa mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit ako inakyat ng matinding kaba. Napahigpit ang hawak ko sa bote ng beer na iniinom ko kanina. Hindi ko alam bakit hindi ako makagalaw.
When Angel stared at me, it felt like I was staring at myself at a mirror. Her eyes are similar to dark and heavy clouds that it has been waiting for so long to drop the rain it has been keeping for a long time. A long and heavy rain that yields sadness and longing for something or someone…
“Stop talking now… you’re too drunk.”
Inalis ko na ang baso ni Angel kanina na malapit sa kamay n’ya. Mukhang lasing na lasing na s’ya at malabong makatayo pa ito mag-isa.
Nang umalis ako sa upuan at akmang hahawakan si Angel upang itayo ay napatigil ako. Biglang nanikip ang dibdib ko.
It’s happening again…
Mahigpit ako’ng napakapit sa counter at napasapo sa dibdib ko. Napapikit ako habang sinubukan ko ang malalim na paghinga…
I’ve always wondered why we have to limit our baggage every time we go to the airport. Isang tao ang nagsabi sa akin; Kailangang dalhin lamang ang mga importanteng kakailanganin dahil baka hindi makalipad nang maayos ang eroplano at hindi makarating sa paroroonan.
If ten years ago, my situation was like I am a passenger at the airport…lilitaw ang isang tanong—Bakit hindi ‘ko dinala si Angel?
***
“Bakit ang dami mong postcards ng mga tourist spots?” Hindi ko napigilan ang hindi magtanong habang nakatingin ako kay Angel na sinusulatan ang post card n’ya. Kanina pa n’ya ito hinahalungkat. Hindi yata n’ya mahanap ang postcard ng Windmills.
Sandaling nagpahinga at umupo kami rito sa buhangin. Ang ibang mga kasama naming ay abala sa paglalakad-lakad.
“Pangarap kong maging Flight Attendant at gusto kong mag-libot sa buong mundo. Kaya mamarkahan ko ang bawat postcard ko tuwing may pupuntahan ako.”
Buong akala ko ay puro drama at kalokohan lamang ang alam ng isang ‘to. Pero ito iyong unang pagkakataon na nakita ko s’yang seryoso sa sinasabi. Nararamdaman ko ang matinding kagustohan nito sa kanyang sinasabi.
I still have no dream in particular—bukod sa gusto kong guminhawa ang buhay naming at tumigil na si Mama sa pagiging katulong. Alam ko’ng kaya s’ya nagtratrabaho at halos hindi na makauwi sa bahay ay dahil sa amin.
“Syempre gusto ‘ko rin na nasa tabi mo ako kapag nagsimula ka nang mangarap,” bumaling ang titig ni Angel sa akin. Gusto ‘ko s’yang kontrahin pero napakasayang kung mapapawi naman ang napakalawak n’yang ngiti ngayon.
“Kung sakali man dumating ‘yung panahon na sa ‘yo na iikot ‘yung mundo ko gusto ko lang malaman na hindi mo kailangang mahalin ako nang buo… Basta hayaan mo lang ako’ng mahalin kita, masaya na ako.”
“Aray ‘ko!” Pinitik ‘ko s’ya. Paano ba naman kasi, nagiging makata s’ya ngayon ‘tapos bagsak ang exams.
“Mag-basa ka ng libro, hindi puro mga drama inaatupag mo,” pinagsabihan ko naman s’ya. Muling bumalik ang ngiti nito’ng saglit na naudlot.
***
Medyo ma-drama po talaga ito, sabay tayong mag-reflect… Bakit ba tayo iniiwan? Bakit ba tayo nang-iiwan? Bakit ba tayo nagsasawa? Bakit tayo nafafall out of love? Sana as we go on with this story may mahanap tayong sagot… hehe!